-
Labor & Childbirth Why C-Section Moms Are Brave: The Serious Risks They Face During Delivery
-
Toddler Having Good Grades Is Not The Only Way A Child Will Excel In Life, Says Psychologist
-
Wellness Embracing Mom Bod! 6 Moms Say Bye To Insecurities, Hello Sexy And Strong Body
-
Family Fun The Peninsula Manila Has A Terrific Staycation Deal For Moms And Their Families
-
Useful At Personalized Souvenirs Para Kay Ninong At Ninang
Mas magugustuhan nila ang mga ito kaysa sa mga figurines at iba pang dekorasyon.by Ana Gonzales .

PHOTO BY iStock
Dahil sa dami ng mga online stores ngayon, hindi ka na talaga mauubusan ng options pagdating sa iyong mga party planning needs.
Kung souvenirs ang hanap mo para sa ninong at ninang ng iyong anak, narito ang ilan sa mga ideas na pwede mong pagpilian, kasama na rin ang mga sellers na pwede mong pagbilhan. Highly recommended ito ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Body Scrub o Body Butter Set
Bagay na bagay ito sa mga ninang ng anak mo na mahilig sa skin care essentials.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede kang umorder nito sa The Bath Essences (Facebook: thebathessences). Mayroon din silang mga bath bombs na pwede mong pagpilian.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosWhat other parents are reading
Ecolapis
Marami nang mga panregalo ngayon na patok lalo na sa mga advocates ni Inang Kalikasan. Nariyan ang mga metal spoons, forks, at straws na pamalit sa mga plastic utensils.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara maiba naman, bakit hindi mo subukang magbigay ng mga ecolapis sa ninong at ninang ng anak mo?
Madali lang gamitin ang mga ito, ipansusulat mo lang sila hanggang maging maiksi, saka mo sila itatanim.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMabibili mo ang mga ito sa Ecolapis Ni Tol (Facebook: EcoLapisniTol). Maaari mo itong ipa-customize depende sa gusto mong desenyo o sa tema ng inyong selebrasyon.
Tote bags
Para naman hindi na kailanganin pang magbayad ng extra ng mga ninong at ninang ng anak mo para sa mga ecobags sa groceries, pwede mo silang bigyan ng tote bags.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMarami kang maoorderan nito online, pero nirekomenda ng mga nanay sa Village ang Theroblesproject (Facebook: theroblesproject).
Pwede mo itong palagyan ng pangalan ni ninong at ninang, para personalized at mas nakakaengganyong gamitin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaraming mga styles at themes din na pwede mong pagpilian.
What other parents are reading
Hand Towels
Maganda ring ipamigay kay ninong at ninang ang mga hand towels na gawa ng Pamana -Abel Blankets (Facebook: pamanaabel.ph).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa personalized packaging pa lang ay matutuwa na ang mga pagbibigyan mo.
Bukod sa maganda na ang mga designs, matibay din at dekalidad ang mga ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Unique Mugs with Coasters
Iisipin mong luma na ang mugs at boring din ang coasters, pero kung ganito naman kaganda sa gawa ng LadyG ArtsnCrafts (Facebook: ladygartsncrafts), siguradong matutuwa ang pagbibigyan mo.
Mayroon din silang leaf journals na pwede nilang i-personalize.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKaramihan ng kanilang mga souvenirs ay rustic at gawa sa kahoy o mga natural na materials.
What other parents are reading
Unan at Pambahay na Tsinelas
Maganda at praktikal na souvenir din ang slippers, lalo na kung personalized. Pwede kang umorder niyan sa Personalized by Zuri & Chloe (Facebook: personalizedbyzuriandchloe).
https://www.facebook.com/personalizedbyzuriandchloe/photos/a.353281551846946/760876721087425/
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSiguradong magugustuhan ito ng mga ninong at ninang ng anak mo.
https://www.facebook.com/personalizedbyzuriandchloe/photos/a.358742217967546/708023816372716/
Bukod sa mga nabanggit, maganda ring magpamigay ng mga caricature ni ninong at ninang. Kung malaki ang inyong budget para sa souvenirs, pwedeng-pwede kayong magpagawa ng mga ganito.
Maganda sa Little Portraits (Instagram: little.portraits) dahil sobrang cute ng kanilang mga illustrations.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede mong pagawan si ninong o ninang lang o pwede ka ring magpagawa ng illustration na kasama ang iyong anak.
Nakapili ka na ba ng souvenir para sa mga ninong at ninang ng anak mo? Anong plano mong ibigay sa kanila? I-share mo na sa comments section.
Kung gusto mo pang makakita ng mas maraming inspirasyon para sa souvenirs, pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network