-
Real Parenting Mom On Raising A Toddler: Don’t Let Anyone Tell You You’re A Bad Parent. They Have No Idea
-
Home Ang Sagot Sa Malamig Nating Kape! A Heating Coaster That Keeps Coffee Warm For Hours
-
Home Whoa, This Tiny House Can Be Built In Four Hours And Costs P89,000
-
Love & Relationships Why Is My Wife Always Angry? Hubbies, 5 Reasons And How You Can Help Her Better Next Time
-
Wedding At Binyag In One! Pwede Pala? Teamwork Ni Mommy At Daddy Ang Sikreto
Narito ang listahan ng mga suppliers nila para sa dalawang event.by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
Hindi na bago sa ating mga Pilipino na pagsabayin ang selebrasyon ng mga mahahalagang okasyon sa ating buhay. Kalimita'y pinagsasabay natin ang first birthday at binyag ng ating mga anak.
Iba naman ang naisip na pagsabayin nina mommy Rozanne Tandas at ng kanyang asawa dahil pagkatapos nilang magpakasal, sinunod naman nila ang binyag ng kanilang anak. Kwento ni mommy sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview, mas praktikal kasi kung pagsasabayin na nila ang dalawang okasyon.
What other parents are reading
Nag-civil wedding na sina mommy, Abril noong isang taon. Apat na taon na silang mag-asawa habang three months naman si baby nang bininyagan ito.
Sweet na sweet at sobrang cute sina mommy at daddy sa kanilang 'moment'.PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosPhp100,000 hanggang Php150,000 ang itinalaga nilang budget para sa parehong event. Narito ang kanilang mga suppliers:
Para sa damit ng kanilang entourage, nilapitan nila ang Mikkim's Burda't Ukit (Facebook: @Mikkims-Burdat-Ukit-1759313364309630). Dito nila inorder ang barong ng mga groomsmen at ang infinity gown ng mga bridesmaids. Dito rin nila pinagawa ang coat barong at pants ng groom.
Gwapong-gwapo naman si daddy kasama ang kanyang mga groomsmen.PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSyempre, hindi naman papahuli si mommy at ang kanyang bridesmaids.PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasSa Dennis Santos Salon naman nagpa-makeup sina mommy at daddy. Dito na rin niya pinadisenyo ang kanyang wedding gown.
Bagay na bagay kay mommy ang kanyang gown!PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNapakaganda rin ng kanyang hair and makeup.PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasGinawa naman ang preparation para sa kasal sa Asia Blooms Hotel na siya ring nagsilbing venue para sa reception ng binyag at kasal. Asia Blooms na rin ang nagsilbing caterer ng parehong event. Inayos itong lahat ng kanilang event organizer na nagmula sa Fati's Event Organizer (Facebook: @fatieventscoordination).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMahirap man ang naging preparasyon para sa dalawang events, sulit naman ito, ayon kay mommy.PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasNapagtagumpayan nila ang hamon dahil sa pagtutulungan nilang mag-asawa.PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWInorder naman nila ang kanilang cake at dessert table mula sa Lovely's Sweet Tooth (Facebook: @Lovelys-Sweet-Tooth-1494427067443492).
Simple lang ito pero talaga naman napakaelegante.PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasWhat other parents are reading
Lahat naman ng kanilang wedding accessories, mula sa customized na bibliya hanggang sa kandila, cord, pillow, at aras, ay inorder nila sa My Event Essentials (Facebook: @myeventessentials). Dito na rin sila umorder ng mga personalized na kandilang ginamit nila sa binyag ni baby.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay photobooth din sila mommy para masaya ang mga bisita. Elijan Studio Photography (Facebook: @Elijan-Studio-Photography-143718469012546) ang supplier nila. Elijan Studio rin ang nagcover ng kanilang event at nagshoot ng kanilang prenup video at photo.
Wala namang pinalampas na mga moments ang kanilang photo and video team.PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagkatapos naman ng kasal ay agad na sumunod ang binyag ng kanilang anak.PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasMasayang-masaya sina mommy na nairaos nila nang matiwasay ang dalawang events na halos walong buwan din nilang pinagplanuhan.PHOTO BY courtesy of Rozanne TandasADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSpecific ang mga souvenirs na ipinamigay ni mommy para mas maappreciate ng mga bisita. Nagpagawa sila ng mga luggage tags sa PURSEonality (Facebook: @PURSEonalityph) para sa mga bisita.
Para naman sa mga ninang at bridesmaids, Sotomayor items mula sa London ang ipinamigay nila. Wine na may kasamang wine glass naman ang nakuha ng mga ninong. Sunglasses naman at medyas ang ibinigay nila sa mga groomsmen.
What other parents are reading
Kwento ni mommy, nahirapan sila sa preparasyon dahil dalawang event ang inayos nila. "Nahirapan kami, pero sa pagtutulungan naming mag-asawa, naging maayos naman ang lahat."
Walong buwan nilang binuo ang dalawang events kaya masayang-masaya sila nang maging matagumpay ito. Kwento pa ni mommy, dumating rin siya sa punto na naisip niyang huwag na lang ituloy ang dalawang events dahil sa sobrang stress. Buti na lang daw at nakaalalay ang pamilya nila sa kanilang mag-asawa sa bawat yugto ng preparasyon.

View More Stories About
Trending in Summit Network