-
10 Last-Minute Halloween Costumes Mula P160
Wala ng time mag DIY pero ayaw ding gumastos ng marami? Narito ang ilang options.by Ana Gonzales . Published Oct 22, 2019
- Shares
- Comments

Malapit nanamang mag Trick or Treat ang mga bata! Kung wala ka ng oras para mag DIY o di naman kaya ay ayaw mong gumastos ng Php1,000 pataas, narito ang ilang costume ideas na maaari mong bilhin sa online shops tulad ng Lazada:
Pumpkin Costume for Php499.75
Kung suki ka ng Toys 'R Us pero wala ka ng panahong pumunta ng mall, pwede mong orderin ang costume na ito. Sa halagang Php499.75 plus shipping na Php50, may cute na costume na ang anak mo na pwede pang ipamana sa mga pinsan o nakababatang kapatid. Standard delivery nito ay dalawang araw kaya siguradong aabot pa sa Halloween weekend.
Superhero Costume with Mask for Php160
Maganda naman ang reviews dito sa Y&L fashion pagdating sa kanilang mga pambatang Halloween costumes. Sigurado ka ring aabot ito para sa Halloween party ninyo ngayong weekend dahil three to four days lang ang delivery time sa shipping fee na Php50. Mayroon silang Spiderman at Batman costumes na nagkakahalaga lamang ng Php160.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLittle Red Riding Hood for Php579
Four to six days naman ang shipping ng costume na ito kaya best na i-order mo na siya ngayon para umabot siya sa Biyernes. Great-King ang pangalan ng seller sa Lazada. Bukod sa Little Red Riding Hood, mayroon din silang Snow White at Vampire Princess dress.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAlice in Wonderland for Php710
Magandang costume din ang Alice in Wonderland, lalo na kung fan ang anak mo ng libro o di naman kaya ay ng Disney character. Makukuha mo ito apat na araw matapos ang iyong payment sa shipping fee na Php59.
Bumblebee Costume for Php459
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWComplete set na ang costume na ito kaya wala ka ng iisipin. At dahil three to four days lang ang shipping, hindi ka na mag-aalalang hindi ito aabot para sa Trick or Treat event na pupuntahan ninyo ng iyong anak.
Tuxedo for Php649
Ang maganda sa damit na ito, hindi lang siya pang Halloween. Pwede rin siyang gamitin para sa iba pang pormal na okasyon na dadaluhan ninyo ng iyong anak. Mabilis lang din ang shipping kaya swak for Halloween.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCartoon Character Onesie for Php499
Usong-uso rin ngayon ang mga onesies, lalo na ‘yung mga cute na cartoon characters. Madali lang din itong isuot at hindi mo na poproblemahin pa ang sapatos o kung ano mang accessories. Samahan mo lang ito ng pumpkin bucket na paglalagyan ng mga candies at okay na ang costume ng anak mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWElsa Costume for Php520
Kung paborito ng anak mo ang Disney movie na Frozen, siguradong magugustuhan niya ang costume na ito. May kasama na rin itong wand at crown kaya wala ka ng problema sa accessories.
Princess Jasmine for Php624.60
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKuhang-kuha naman ng costume na ito ang damit ni Princess Jasmine ng Disney’s Aladdin. May sizes ito para sa mga batang tatlo hanggang labing-isang taong gulang. Shipping ay aabot lang ng apat na araw.
Baby Bat Costume for Php412
Sino namang hindi manggigigil sa baby costume na ito. Samahan mo lang ng cute na sling bag o pouch para sa candy ni baby at okay na para sa Halloween party.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon ka bang ibang Halloween costume suggestions o di naman kaya ay naghahanap ka ng ibang ideas? Sumali na sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

- Shares
- Comments