Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
10 Last-Minute Halloween Costumes Mula P160
PHOTO BY iStock
  • Malapit nanamang mag Trick or Treat ang mga bata! Kung wala ka ng oras para mag DIY o di naman kaya ay ayaw mong gumastos ng Php1,000 pataas, narito ang ilang costume ideas na maaari mong bilhin sa online shops tulad ng Lazada:

    Pumpkin Costume for Php499.75

     

    Kung suki ka ng Toys 'R Us pero wala ka ng panahong pumunta ng mall, pwede mong orderin ang costume na ito. Sa halagang Php499.75 plus shipping na Php50, may cute na costume na ang anak mo na pwede pang ipamana sa mga pinsan o nakababatang kapatid. Standard delivery nito ay dalawang araw kaya siguradong aabot pa sa Halloween weekend.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Superhero Costume with Mask for Php160

     

    Maganda naman ang reviews dito sa Y&L fashion pagdating sa kanilang mga pambatang Halloween costumes. Sigurado ka ring aabot ito para sa Halloween party ninyo ngayong weekend dahil three to four days lang ang delivery time sa shipping fee na Php50. Mayroon silang Spiderman at Batman costumes na nagkakahalaga lamang ng Php160.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Little Red Riding Hood for Php579

     

    Four to six days naman ang shipping ng costume na ito kaya best na i-order mo na siya ngayon para umabot siya sa Biyernes. Great-King ang pangalan ng seller sa Lazada. Bukod sa Little Red Riding Hood, mayroon din silang Snow White at Vampire Princess dress.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Alice in Wonderland for Php710

     

    Magandang costume din ang Alice in Wonderland, lalo na kung fan ang anak mo ng libro o di naman kaya ay ng Disney character. Makukuha mo ito apat na araw matapos ang iyong payment sa shipping fee na Php59.

    Bumblebee Costume for Php459

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Complete set na ang costume na ito kaya wala ka ng iisipin. At dahil three to four days lang ang shipping, hindi ka na mag-aalalang hindi ito aabot para sa Trick or Treat event na pupuntahan ninyo ng iyong anak. 

    Tuxedo for Php649

     

    Ang maganda sa damit na ito, hindi lang siya pang Halloween. Pwede rin siyang gamitin para sa iba pang pormal na okasyon na dadaluhan ninyo ng iyong anak. Mabilis lang din ang shipping kaya swak for Halloween.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cartoon Character Onesie for Php499

     

     

    Usong-uso rin ngayon ang mga onesies, lalo na ‘yung mga cute na cartoon characters. Madali lang din itong isuot at hindi mo na poproblemahin pa ang sapatos o kung ano mang accessories. Samahan mo lang ito ng pumpkin bucket na paglalagyan ng mga candies at okay na ang costume ng anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Elsa Costume for Php520

     

    Kung paborito ng anak mo ang Disney movie na Frozen, siguradong magugustuhan niya ang costume na ito. May kasama na rin itong wand at crown kaya wala ka ng problema sa accessories.

    Princess Jasmine for Php624.60

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Kuhang-kuha naman ng costume na ito ang damit ni Princess Jasmine ng Disney’s Aladdin. May sizes ito para sa mga batang tatlo hanggang labing-isang taong gulang. Shipping ay aabot lang ng apat na araw. 

    Baby Bat Costume for Php412

     

    Sino namang hindi manggigigil sa baby costume na ito. Samahan mo lang ng cute na sling bag o pouch para sa candy ni baby at okay na para sa Halloween party.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Mayroon ka bang ibang Halloween costume suggestions o di naman kaya ay naghahanap ka ng ibang ideas? Sumali na sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles