embed embed2
#BakaNaman Po? Ito Ang Mga Best Mother's Day Gifts Kahit ECQ, Sabi Ng Mga Mommies
PHOTO BY iStock
  • Hindi naman madalas humingi ang mga nanay. Sa katunayan, sila pa nga ang palaging nagbibigay. Kung alam mo at pinahahalagahan mo ang bawat sakripisyong nagawa para sa iyo ng nanay mo, asawa mo, lola mo, tiyahin mo, at ng mga kaibigan mong nanay, siguro naman ay napakaliit na bagay na lang na gawin mong espesyal ang araw niya sa nalalapit na Mother’s Day.

    Hindi mo man siya madala sa mga pinakamamahalin at magagarbong restaurants dahil na rin sa ating 'new normal', marami pang ibang paraan para maiparamdam mo sa kanya na nakikita mo ang mga efforts niya.

    What other parents are reading

    Tinanong namin ang mga nanay sa Smart Parenting Village kung anu-ano ang mga bagay na gusto nilang matanggap ngayong Mother’s Day.

    Ayan ha? Hindi mo na kailangang manghula! Bibigyan ka na namin ng ideas. Narito ang ilan sa mga gustong matanggap na regalo ng mga nanay:

    Mga gamit sa pagluluto

    Bago pa man ang enhanced community quarantine, kailangan na talagang maging maparaan ng mga nanay sa maraming bagay—isa na riyan ang pagluluto.

    Kaya naman hindi nakapagtataka na hiling ng mga nanay na sana ay mabigyan naman sila ng mga gamit sa pagluluto pati na rin mga appliances sa bahay.

    “Cast iron pan. Ito talaga ‘yung request ko dati pa. Ewan ko ba bakit ‘di ko mabilibili para sa sarili ko. Siguro iba kasi feeling ‘pag regalo.” -Eden Aguilar Camacho

    “Electric Oven! Gusto ko talaga mag-aral mag bake! Tapos si hubby mahilig din, so parang regalo na rin niya sa sarili niya (LOL)” -Dheng Matawaran Campo

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Kitchen aid mixer so I can bake more.” -Alyssa Jimeno

    “Mini oven. Wala pa akong baby, gumagawa na ako ng mga no-bake [treats]. Kaya naman sa ipon [para] bumili, kaso hndi ko mabili-bili. Ang hirap ng single mom!” -Fleurila Galan

    “Set of non-stick pan, oven, [at] mixer! Masaya na ako diyan—pati daughter ko masaya din for sure!” -Claribel Del Mundo Gabinete

    What other parents are reading

    Appliances

    Maraming mga nanay ang humiling na sana makabili na ang pamilya nila ng aircon, dahil na rin marahil sa sobrang init.

    “Gusto ko lang maging healthy si baby at kami ng daddy niya para we can provide everything for our little one. Kung materyal na bagay, okay na ako sa air purifier o humidifier. Must-have [kasi ito] lalo na sa situation ngayon.” -Pat Bernardo

    “Yung nga nakikita ko sa K-Drama na vaccum at coffee maker.” -Paola Jean Tagulao

    “Oven [na] pang-bake at air fryer! [I’m] striving to cook and bake para sa family ngayong [enhanced community quarantine] (ECQ). Goal ko [na] pakainin sila ng healthy food, especially my 1-year-old baby! Nothing beats giving your family best nutrition!” -Marielle Magramo Licuanan

    “Automatic washing machine with dryer para no hassle na sa paglalaba ng lahat ng mga damit pati sa Lolo at Lola ni baby na damit, pwede ko pang malabahan.” -Dea Lyn Consignado Cruzat

    What other parents are reading

    Panahon

    Aminin man natin o hindi, madalas pag-awayan ng mga mag-asawa ang oras na inuubos ni hubby sa paglalaro ng mobile games o panonood ng videos online.

    Hindi na kami nagulat na maraming mga nanay ang naghahangad ng isang araw lang na hindi hahawak si hubby ng cellphone.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    “No material thing, gusto ko lang kasama namin si hubby this mother's day, since hindi siya araw2 nkakauwi gawa ng work niya ay nsa ibang bayan. Bonding lang kami with our little princess oks na oks na ako.” -Mich Mauricio Peralta

    “I am a working mom and I am awake for 19 hours a day. It is so tiring ang stressful. I am not fan of physical gift. I love efforts. Sa totoo lang, hindi ko masyadong naa-appreciate ‘yung mga binibiling regalo lang. What I want is for him to prepare something special that does not require spending much. ‘Yung effort niya okay na ‘yun. Prepare a good dinner, massage from him, movie date at home with his prepared snacks.” -Patricia Mae Parian

    “What I want to recieve is his time and care sa mga kids. Busy sa phone, biking, fishing, and radio. ‘Di ko hangad ang material na things, kumpleto naman kami sa needs dahil ibinibigay naman.” -Lalhenz Cai Lay Landazabal

    What other parents are reading

    Mahabang tulog at isang araw na walang gagawin

    Ito ang hiniling ng halos lahat ng mga nanay na tinanong namin. Kahit limang oras lang daw ng tulog na walang istorbo, okay na sila.

    “Rest day... Unlimited tulog, no house chores, 'yung "DONYA BE LIKE" -Mahreeyah Villarte Rebz

    “8 hours of uninterrupted sleep. (LOL!)" -Isabel Joy PunzaLan Ong

    “Simple lang! Eight hours of uninterrupted sleep! Kasi five years ko nang hindi alam ‘yung pakiramdam na kumpleto ang tulog. ‘Yung hindi ako magigising sa gulat dahil sa ingay ng super hyper na 5-year-old ko and’ yung two-months-old ko na akala ‘yata factory ako ng gatas. HAHA!” -Anne Logador

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Pinakagusto ko po ngayon ‘yung makatulog ng eight hours na walang iniisip. Since kasi nanganak ako very limited to three hours ang sleep ko. Namimiss ko na ‘yung eight hours na tulog, tapos pag-gising iinom ng gatas. Napakasarap na pakiramdam!” -Janice Vallinas Recamadas

    “Gusto ko ng tulog buong araw. HAHA! ‘Yung mister ko naman sana ang kumilos at mag-alaga sa baby namin. Day off lang kahit isang araw.” -Joselle Custodio

    “Isang araw na me-time! ‘Yung tahimik at kahit makapagpahinga-pahinga man lang. Dalawa kasi ang mga anak ko. Tandem breastfeeding kami. Gigising ako ng maaga at matutulog ng umaga na. Lahat ng gawain ako lang [ang gumagawa] pero [okay lang] naman—nakakamiss lang matulog ng mahabang oras o makanuod ng K-Drama." -ZamZam Jacalan 

    “Rest and relaxation lang sana whole day without feeling guilty.” -Arvie Dhanielle

    “[Gusto ko ng] do nothing day!” -Sophia Errych Chloe Iñigo

    Sa dami nga ng mga nanay na gusto ng kahit isang buong araw na day off, humaba na nang humaba ang article na ito.

    What other parents are reading

    Handwritten letter

    “Since I gave birth. I haven't received any love letter na from my hubby. Hope he writes me one this Mother's Day. Just a little motivation to keep me up.” -Jyn Mendoza

    “Love Letter, I love the feeling that the person made [an] effort to write. I am done with material things.” -Panganiban Ecarg Eintsirhc

    “Appreciation letter lang ako.” –Mayks

    Masahe

    “Full body massage! Sa dami ng lamig ko sa likod sa pagpapadede kay lo. HAHA!” -Sam Azul-Diaz

    “Full body massage! Stay-at-home mom ako and madalas nandito lang si partner ‘pag weekends. But since ECQ was declared, dito siya nags-stay na. Still, hindi pa rin sapat ‘yung rest, although sometimes hati kami sa house chores. Lalo ‘pag breastfeeding mom ka, kalaban mo [ang] sakit ng katawan. Plus, my scoliosis got worse and mahal magpa-chiropractic appointment. Hanggang nood na lang muna kami ng mga lumalagutok na leeg at likod. HAHA! Papagluto ko na lang ng favorite namin na Chicken Halang Halang si partner. LOL!” -Andrea Claire Belen

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “I want a 2-hour hot stone massage, diamond peel session, foot spa with mani and pedi. I want to rest and relax. No cooking, no cleaning the house, and one day that I don't need to help hubby in his work.” -Riese Ann

    “Gusto ko ng whole body massage at mani and pedi. Ay wait! Isama ko na rin ‘yung pa-hair treatment! HAHA!” -Joey Anne G. Martinez 

    What other parents are reading

    Bukod pa sa mga nabanggit, pangarap din daw ng mga nanay na magkaroon na ang pamilya nila ng sariling bahay at lupa. May ilang okay na na mabigyan ng kumpletong gamit ni baby, habang ang ilan naman ay gusto ng tradisyonal na bulaklak, ice cream, chocolates, o cake.

    May ilang mga nanay din na negosyo naman ang naisip nang tanungin namin tungkol sa gusto nilang regalo.

    “I want a hig-end laptop or desktop where I can do my online study and future work at the same time. I miss learning. Sa sobrang tagal ko nang walang work at housewife feeling ko hindi na [gumagana] ang brain ko when it comes sa mga academic and memorization. Kaya last March, [nag-enroll ako] online. Kaso, ‘yung desktop ko, hindi na kayang gampanan ang kanyang tungkulin. kaya if ever, I want a new one.” –Jojie Domingo

    “[Gusto ko ng] ingredients sa paggawa ng cookies. Mukhang matagal pa makakabalik sa work dahil sa ECQ and currently pregnant ako, magbi-business muna ako ng lactation cookies.” –Cha Rivera

    “Pwede pa baking tools na lang, since gagawin ko rin siyang business.” –Em Albay

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Convection oven! Kasi gusto ko talagang matutong mag-bake ng kung anu-ano para soon, kahit papaano may small business ako at income, kasi ayokong laging nakadepende kay partner. I truly believe in an strong, independent, [and] financially independent woman.” Rochille Gumapac Sumalinog

    What other parents are reading

    Ilan sa mga nanay, gusto na ulit makapag-travel kasama ang pamilya. May ilang nangangarap na maikasal na, habang may ilan naman na humihiling na sana ay magkaroon na sila ng internet at computer para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

    Kahit araw nila, ibang taon pa ring ang iniisip nila. Likas kasi na kapag naging nanay ka na, huli mo nang iniisip ang sarili mong mga kagustuhan. Pero dapat maintindihan mo rin, Ma, na mahalaga ka. Ang mga gusto mo, pati na rin ang mga pangarap mo ay pwede mong tuparin.

    Hindi ka magiging walang silbing nanay kung aalagaan mo rin ang iyong sarili.

    Para sa iba pang kwentong kadakilaan ng ating mga nanay, pumunta lang kayo sa aming website na smartparenting.com.ph. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

    HEAD: #BekeNemen Po? Narito Ang Mga Gustong Matanggap Na Regalo Ng Mga Nanay Ngayong Mother’s Day

    SUBHEAD: Kawali, masahe, laptop, oven, at marami pang iba!

     

    Hindi naman madalas humingi ang mga nanay. Sa katunayan, sila pa nga ang palaging nagbibigay. Kung alam mo at pinahahalagahan mo ang bawat sakripisyong nagawa para sa iyo ng nanay mo, asawa mo, lola mo, tiyahin mo, at ng mga kaibigan mong nanay, siguro naman ay napakaliit na bagay na lang na gawin mong espesyal ang araw niya sa nalalapit na Mother’s Day.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi mo man siya madala sa mga pinakamamahalin at magagarbong restaurants dahil na rin sa ating new normal, marami pang ibang paraan para maiparamdam mo sa kanya na nakikita mo ang mga efforts niya.

    Tinanong namin ang mga nanay sa Village kung anu-ano ang mga bagay na gusto nilang matanggap ngayong Mother’s Day. Ayan ha? Hindi mo na kailangang manghula! Bibigyan ka na namin ng ideas. Narito ang ilan sa mga gustong matanggap na regalo ng mga nanay:

    Mga gamit sa pagluluto

    Bago pa man ang enhanced community quarantine, kailangan na talagang maging maparaan ng mga nanay sa maraming bagay—isa na riyan ang pagluluto.

    Kaya naman hindi nakapagtataka na hiling ng mga nanay na sana ay mabigyan naman sila ng mga gamit sa pagluluto pati na rin mga appliances sa bahay.

    “Cast iron pan. Ito talaga ‘yung request ko dati pa. Ewan ko ba bakit ‘di ko mabilibili para sa sarili ko. Siguro iba kasi feeling ‘pag regalo.” -Eden Aguilar Camacho

    “Electric Oven! Gusto ko talaga mag-aral mag bake! Tapos si hubby mahilig din, so parang regalo na rin niya sa sarili niya (LOL)” -Dheng Matawaran Campo

    “Kitchen aid mixer so I can bake more.” -Alyssa Jimeno

    “Mini oven. Wala pa akong baby, gumagawa na ako ng mga no-bake [treats]. Kaya naman sa ipon [para] bumili, kaso hndi ko mabili-bili. Ang hirap ng single mom!” -Fleurila Galan

    “Set of non-stick pan, oven, [at] mixer! Masaya na ako diyan—pati daughter ko masaya din for sure!” -Claribel Del Mundo Gabinete

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Appliances

    Maraming mga nanay ang humiling na sana makabili na ang pamilya nila ng aircon, dahil na rin marahil sa sobrang init.

    “Gusto ko lang maging healthy si baby at kami ng daddy niya para we can provide everything for our little one. Kung materyal na bagay, okay na ako sa air purifier o humidifier. Must-have [kasi ito] lalo na sa situation ngayon.” -Pat Bernardo

    “Yung nga nakikita ko sa Kdrama na vaccum at coffee maker.” -Paola Jean Tagulao

    “Oven [na] pang-bake at air fryer! [I’m] striving to cook and bake para sa family ngayong ECQ. Goal ko [na] pakainin sila ng healthy food, especially my 1-year-old baby! Nothing beats giving your family best nutrition!” -Marielle Magramo Licuanan

    “Automatic washing machine with dryer para no hassle na sa paglalaba ng lahat ng mga damit pati sa Lolo at Lola ni baby na damit, pwede ko pang malabahan.” -Dea Lyn Consignado Cruzat

    Panahon

    Aminin man natin o hindi, madalas pag-awayan ng mga mag-asawa ang oras na inuubos ni hubby sa paglalaro ng mobile games o panonood ng videos online.

    Hindi na kami nagulat na maraming mga nanay ang naghahangad ng isang araw lang na hindi hahawak si hubby ng cellphone.

    “No material thing, gusto ko lang kasama namin si hubby this mother's day, since hindi siya araw2 nkakauwi gawa ng work niya ay nsa ibang bayan. Bonding lang kami with our little princess oks na oks na ako.” -Mich Mauricio Peralta

    “I am a working mom and I am awake for 19 hours a day. It is so tiring ang stressful. I am not fan of physical gift. I love efforts. Sa totoo lang, hindi ko masyadong naa-appreciate ‘yung mga binibiling regalo lang. What I want is for him to prepare something special that does not require spending much. ‘Yung effort niya okay na ‘yun. Prepare a good dinner, massage from him, movie date at home with his prepared snacks.” -Patricia Mae Parian

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “What I want to recieve is his time and care sa mga kids. Busy sa phone, biking, fishing, and radio. ‘Di ko hangad ang material na things, kumpleto naman kami sa needs dahil ibinibigay naman.” -Lalhenz Cai Lay Landazabal

    Mahabang tulog at isang araw na walang gagawin

    Ito ang hiniling ng halos lahat ng mga nanay na tinanong namin. Kahit limang oras lang daw ng tulog na walang istorbo, okay na sila.

    “Rest day... unli tulog, no house chores, yung "DONYA BE LIKE" - Mahreeyah Villarte Rebz

    “8 hours of uninterrupted sleep. (LOL!) -Isabel Joy PunzaLan Ong

    “Simple lang! Eight hours of uninterrupted sleep! Kasi five years ko nang hindi alam ‘yung pakiramdam na kumpleto ang tulog. ‘Yung hindi ako magigising sa gulat dahil sa ingay ng super hyper na 5-year-old ko and’ yung two-months-old ko na akala ‘yata factory ako ng gatas. HAHA!” -Anne Logador

    “Pinakagusto ko po ngayon ‘yung makatulog ng eight hours na walang iniisip. Since kasi nanganak ako very limited to three hours ang sleep ko. Namimiss ko na ‘yung eight hours na tulog, tapos pag-gising iinom ng gatas. Napakasarap na pakiramdam!” -Janice Vallinas Recamadas

    “Gusto ko ng tulog buong araw. HAHA! ‘Yung mister ko naman sana ang kumilos at mag-alaga sa baby namin. Day off lang kahit isang araw.” -Joselle Custodio

    “Isang araw na me-time! ‘Yung tahimik at kahit makapagpahinga-pahinga man lang. Dalawa kasi ang mga anak ko. Tandem breastfeeding kami. Gigising ako ng maaga at matutulog ng umaga na. Lahat ng gawain ako lang [ang gumagawa] pero [okay lang] naman—nakakamiss lang matulog ng mahabang oras o makanuod ng K-Drama.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Rest and relaxation lang sana whole day without feeling guilty.” -Arvie Dhanielle

    “[Gusto ko ng] do nothing day!” -Sophia Errych Chloe Iñigo

    Sa dami nga ng mga nanay na gusto ng kahit isang buong araw na day off, humaba na nang humaba ang article na ito.

    Handwritten letter

    “Since I gave birth. I haven't received any love letter na from my hubby. Hope he writes me one this Mother's Day. Just a little motivation to keep me up.” -Jyn Mendoza

    “Love Letter, I love the feeling that the person made [an] effort to write. I am done with material things.” -Panganiban Ecarg Eintsirhc

    “Appreciation letter lang ako.” –Mayks

    Masahe

    “Full body massage! Sa dami ng lamig ko sa likod sa pagpapadede kay lo. HAHA!” -Sam Azul-Diaz

    “Full body massage! Stay-at-home mom ako and madalas nandito lang si partner ‘pag weekends. But since ECQ was declared, dito siya nags-stay na. Still, hindi pa rin sapat ‘yung rest, although sometimes hati kami sa house chores. Lalo ‘pag breastfeeding mom ka, kalaban mo [ang] sakit ng katawan. Plus, my scoliosis got worse and mahal magpa-chiropractic appointment. Hanggang nood na lang muna kami ng mga lumalagutok na leeg at likod. HAHA! Papagluto ko na lang ng favorite namin na Chicken Halang Halang si partner. LOL!” -Andrea Claire Belen

    “I want a 2-hour hot stone massage, diamond peel session, foot spa with mani and pedi. I want to rest and relax. No cooking, no cleaning the house, and one day that I don't need to help hubby in his work.” Riese Ann

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Gusto ko ng whole body massage at mani and pedi. Ay wait! Isama ko na rin ‘yung pa-hair treatment! HAHA!”

    Bukod pa sa mga nabanggit, pangarap din daw ng mga nanay na magkaroon na ang pamilya nila ng sariling bahay at lupa. May ilang okay na na mabigyan ng kumpletong gamit ni baby, habang ang ilan naman ay gusto ng tradisyonal na bulaklak, ice cream, chocolates, o cake.

    May ilang mga nanay din na negosyo naman ang naisip nang tanungin namin tungkol sa gusto nilang regalo.

    “I want a hig-end laptop or desktop where I can do my online study and future work at the same time. I miss learning. Sa sobrang tagal ko nang walang work at housewife feeling ko hindi na [gumagana] ang brain ko when it comes sa mga academic and memorization. Kaya last March, [nag-enroll ako] online. Kaso, ‘yung desktop ko, hindi na kayang gampanan ang kanyang tungkulin. kaya if ever, I want a new one.” –Jojie Domingo

    “[Gusto ko ng] ingredients sa paggawa ng cookies. Mukhang matagal pa makakabalik sa work dahil sa ECQ and currently pregnant ako, magbi-business muna ako ng lactation cookies.” –Cha Rivera

    “Pwede pa baking tools na lang, since gagawin ko rin siyang business.” –Em Albay

    “Convection oven! Kasi gusto ko talagang matutong mag-bake ng kung anu-ano para soon, kahit papaano may small business ako at income, kasi ayokong laging nakadepende kay partner. I truly believe in an strong, independent, [and] financially independent woman.” -Rochille Gumapac Sumalinog

    Ilan sa mga nanay, gusto na ulit makapag-travel kasama ang pamilya. May ilang nangangarap na maikasal na, habang may ilan naman na humihiling na sana ay magkaroon na sila ng internet at computer para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahit araw nila, ibang taon pa ring ang iniisip nila. Likas kasi na kapag naging nanay ka na, huli mo nang iniisip ang sarili mong mga kagustuhan. Pero dapat maintindihan mo rin, Ma, na mahalaga ka. Ang mga gusto mo, pati na rin ang mga pangarap mo ay pwede mong tuparin. Hindi ka magiging walang silbing nanay kung aalagaan mo rin ang iyong sarili.

    Para sa iba pang kwentong kadakilaan ng ating mga nanay, pumunta lang kayo sa aming website na smartparenting.com.ph. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close