;
embed embed2
  • Parang Prank Pero Hindi! Ipabati Mo Si Nanay Ng Happy Mother's Day Sa Paborito Niyang Artista

    P350 lang pataas, may personalized greeting ka na para kay mommy!
    by Ana Gonzales .
Parang Prank Pero Hindi! Ipabati Mo Si Nanay Ng Happy Mother's Day Sa Paborito Niyang Artista
PHOTO BY fanlove.com.ph
  • Simple lang naman ang hiling at pangarap ng mga nanay, lalo na kapag may mga okasyong tulad ng Mother's Day. Basta malinis ang bahay, maayos ang kalagayan ng mga bata, at mayroon siyang sapat na oras ng pahinga, wala na siyang mahihiling pa.

    Pero kung gusto mong maging 'extra' ngayong paparating na Araw ng mga Ina, pwede mong subukan ang FanLove.

    Ito ay isang online video shoutout request platform kung saan pwede mong i-book ang mga paboritong artista ni mommy at sila ang babati kay mommy ngayong Mother's Day.

    Pwede mo silang i-book para sa isang simpleng video greeting at pwede rin naman para sa isang song dedication. Humigit kumulang 50 artista ng ABS-CBN ang pwede mong pagpilian.

    Kabilang riyan sina Yeng Constantino, Iza Calzado, Robi Domingo, Denise Laurel at marami pang iba.

    Magandang regalo ito kay mommy dahil kakaiba at sigurado kang hindi niya aasahan. Sa katunayan, baka nga hindi pa siya maniwala na totoong binabati siya ng paborito niyang artista.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mo pa ngang kuntsabahin ang artistang pipiliin mo para biruin si mommy. Baka isipin niyang prank kahit totoo na pala! (LOL!)

    Hindi ka rin makapaniwalang pwede ito? Heto ang ilang mga samples:

    Kung gusto mong biruin si mommy, isulat mo lang ang iyong joke at masayang idedeliver 'yan ng mapipili mong star.

    Ano man ang gusto mong iparating kay mommy ngayong Mother's Day, pwedeng-pwede 'yan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hindi lang din para sa Mother's Day, pwede rin ito sa birthday, o kahit sa mga random na araw na gusto mo lang pasayahin at i-appreciate si nanay.

    P350 hanggang P1,500 ang price range na pwede mong pagpilian. Ano man ang budget mo, pwede mong mabigyan si nanay ng personalized greeting mula sa mga iniidolo niya.

    Pumunta ka lang sa fanlove.ph o i-check ang kanilang official Instagram account.

     

    May naisip ka na bang Mother's Day gift para kay nanay? I-share iyan sa comment section. Pwede ka ring makakuha ng iba pang ideas sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles