;
embed embed2
I-GCash Mo Na Lang, Dad: Last Minute Mother's Day Gift Para Kay Nanay
PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales
  • Mahirap mang mag tipon-tipon ngayon dahil sa COVID-19 pandemic, hindi ibig sabihin nito ay mauudlot na ang pag-alala ninyo kay nanay ngayong Mother's Day (o kahit ano mang araw ng taon).

    Marami nang mga regalo at surprises ngayon na pwede mong bilhin online. Sa katunayan, may mga food trays na ngang available para sa Mother's Day, para naman hindi na maabala pa sa pagluluto si nanay—kahit sa isang araw lang.

    Nariyan din ang mga beauty products, foldable bathtub, at pampainit ng kape na siguradong magugustuhan ni mommy.

    Kung sakali namang hindi ka makaka-order o kaya ay hindi ka nakapag-plano, pwede mong ipadala na lang ang pera kay mommy kasama ng isang cute na cute na greeting card.

    'Yan ang kasalukuyang mga themes na mayroon sa GCash. Marami kang pagpipilian, mula sa nakakatuwa, hanggang sa nakakaantig ng damdamin.

    PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales
    PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang maganda sa mga 'greeting cards' na ito ng GCash, pwede mo silang lakipan ng kaunting halaga para magamit ni nanay sa mga pangangailangan niya.

    PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales
    PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales
    PHOTO BY Screenshot/GCash App/Ana Gonzales
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kung pagkain naman ang gusto mong ibigay kay nanay, pwede kang umorder sa pamamagitan ng GLife na makikita rin sa app. Available din ang mga grocery items, beauty products, libro, desserts, at marami pang iba.

    Hindi pa huli ang lahat, daddy! Pwede ka pang magpatulong sa mga anak mo para gawing espesyal ang araw na ito para sa ilaw ng tahanan.

     

    May regalo ka na ba para kay mommy ngayong Mother's Day? I-share mo na iyan sa comment section. Pwede mo ring tignan ang gift guide na mayroon sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles