embed embed2
Libreng Online Baking Classes, Yoga Sessions, At Guide Sa Paggawa Ng DIY Sanitizers
PHOTO BY iStock
  • Hindi ka man makakalabas ng bahay ngayong Mother's Day, hindi ibig sabihin nito na hahayaan mo na lang dumaan ang araw na ito nang hindi mo ito ginagawang espesyal.

    Siyempre iba pa ang regalo at pagbating matatanggap mo mula sa iyong pamilya. Ito ang mga Mother's Day treats na pwede mong iregalo mo sa sarili mo. Huwag ka nang ma-guilty, deserve mo ito, Ma!

    Health and wellness

    Hindi dahilan ang pagiging nanay mo para hindi mo na alagaan ang sarili mo. Kaya naman sa nalalapit na Mother's Day, sumali ka na sa mga wellness Zoom yoga sessions sa mga yoga studios na ito.

    Yin Yoga with Krishna

    Ang Yin Yoga ay isang mabagal na uri ng yoga na naka-focus sa mas matagal na pananatili sa mga yoga poses. Layunin nito na i-target ang mga tinatawag na deep connective tissues sa buo mong katawan.

    "There are three principles of Yin Yoga—find your edge, hold the posture, stay in stillness and relax," paliwanag ni Krishna.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "This is a very relaxing style of yoga [and] I believe that mothers deserve to experience. This is my initiative to bless the mothers and to make them feel how important they are," dagdag pa niya.

    Exciting ito dahil paparisan niya ng mga affirmations ang bawat pose para mas maging encouraging at uplifting ito para sa mga nanay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    YOGA Is For Everyone

    Pwede mo ring abangan ang mga yoga classes na mayroon sa Facebook page na ito. Mayroon silang iba't-ibang klase ng yoga classes na bagay sa kahit sinong nanay.

    Mag-install ka lang ng video conferencing app na Zoom para makasali. Libre ito para sa lahat.

    Kung mas feel mo namang mahiga lang sa Mother's Day, pwede mong i-follow ang mga pages na ito para sa iba pa nilang klase. Pwede mo ring abangan ang mga live sessions sa Decathlon Philippines.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Trabaho at raket

    Kung gusto mo namang matuto kung paano kumita sa bahay, pwede kang sumali sa mga Facebook live sessions na ito.

    FHmoms Feedback Day: For Resume and Cover Letter

    Sumali ka na sa Facebook group na FHmoms kung kailangan mo ng tulong pagdating sa mga work-from-home concerns mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa nalalapit na Mother's Day, mayroon silang Feedback Session para matuto ka tungkol sa resume at cover letter. Malaki ang maitutulong nito sa iyo kung kasalukuyan kang naghahanap ng trabaho.

    Libre ito para sa lahat. Kailangan mo lang maging member ng grupo para makasali.

    What other parents are reading

    Ortigas Mall Facebook Live Events

    Greenhills Mother Nature, Mother Nurture

    Kung gusto mong matuto tungkol sa urban gardening, sumali ka na sa Facebook live session with Jennie Agcaoili ng Plant Project PH.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami pang ibang Mother's Day treats na mayroon sa Greenshills. Bisitahin mo lang ang kanilang Facebook page.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tiendesitas DIY Lip Scrub and Hand Sanitizer

    Maganda naman ang live session na ito kung gusto mong matutong gumawa ng lip scrub at hand sanitizer.

    Pwedeng-pwede itong gawing pang-negosyo o 'di kaya ay panregalo.

    Marami ka pang makikitang Mother's Day Bundles sa Tiendesitas. I-check mo lang ang kanilang Facebook page.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Estancia Make Your Own bake Peanut Butter Rolls

    Isang magandang business idea din ito lalo na kung mahilig kang mag-bake.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan lamang ang mga iyan sa mga pwede mong i-enjoy sa Araw Ng Mga Ina. Kaya naman huwag kang ma-guilty kung gugugulin mo ang Mother's Day sa pagyo-yoga at pag-aaral ng mga pwede mong pagkakitaan.

    Ikaw? Anong balak mong gawin ngayong Mother's Day? I-share mo lang 'yan sa comments section. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles