embed embed2
00 Days : 00 Hours : 00 Mins : 00 Secs
94 seats remaining Sign Up Now
Ma, It's Daddy's Time To Shine! Ibida Niyo Siya Sa 14 Social Media Challenges Na Ito
ILLUSTRATOR Cyrille Calderon
  • Noon pa man ay aminado na ang mga nanay na madalas talagang nagiging tampulan ng tukso ang mga daddies at hubbies (sorry na po!). Malimit kasi, maraming mga nakakatawang bloopers at kalokohan ang mga tatay (ayaw lang nilang aminin! LOL!).

    Nandiyang magkamali sila ng pamimili ng groceries o makatulog sila habang nagbabantay ng mga bata. May mga pagkakataon ding baligtad ang damit ng mga bata kapag si daddy ang naaatasang magbihis sa kanila.

    Lagi man nating inaasar si daddy, hindi maikakailang napakahalaga ng papel nila sa pamilya.

    What other parents are reading

    Bilang haligi ng tahanan, sila ang malimit na nagiging sandigan nating mga nanay, hindi lang sa pinansyal na pangangailangan ng ating pamilya, kundi pati na rin pagdating sa lakas na kailangan natin para malampasan ang mga hamong pinagdaraanan natin, tulad ng COVID-19 pandemic.

    Kaya naman ngayong Father's Day, naghanda kami ng 14 social media challenges para i-honor si tatay! Siyempre may ilan pa rin dito na mag-eexpose sa kanilang mga kalokohan (LOL!), pero mas marami ang magpapakitang walang katumbas ang presensya nila sa pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Smart Parenting's 14-day Father's Day Social Media Challenge

    Napakadali lang sumali! I-post mo lang ang entry mo sa iyong social media page. Ilagay ang mga hashtags na ito: #MyFunnyDaddy #FlexKoLangSiDaddy #SmartParenting at i-set ang privacy sa public para makita namin ang iyong post.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang mga pinakaakma, nakakaantig, at nakakatawang entries ang isasali namin sa aming mga Smart Parenting Father's Day videos, articles, at social media posts!

    Hayaan naman nating si tatay, daddy, lolo, at tito ang maging bida! Narito ang mga social media challenges para i-honor sila:

    Challenge #1: Daddy's Enhanced Community Quarantine (ECQ) recipe

    Madali lang ito! Kailangan mo lang mag-post ng litrato o video ng ECQ recipe ni daddy. Pwede itong naluto na o habang nagluluto siya.

    May recipe bang na-master si daddy ngayong quarantine?
     PHOTO BY ISTOCK
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Challenge #2: Styled by daddy!

    Minsan, sa sobrang busy natin, si daddy na ang nagbibihis kay baby. Sa challenge na ito, ipopost mo ang photo o video ni baby na suot ang damit na pinili ni daddy para sa kanya.

    Challenge #3: Iniwan ko lang saglit...

    Kung ang mga bata may ginagawang kalokan kapag nalingat ka, ganoon din ang mga daddies! I-post mo lang ang photos o videos ni daddy at ang kanyang kalokohan habang siya ang nagbabantay sa kids!

    Siguradong mayroon din kayong mga ganitong moments!
    PHOTO BY Abby Shigyo
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Challenge #4: TikTok ba kamo?

    Marami nga tayong mga natutunang bagong skills dahil sa dami ng oras natin na nasa bahay lang sa nakaraang ECQ.

    I-post mo lang ang bagong natutunang talent o skill ni daddy habang nasa bahay siya. Natuto ba siyang manahi? Magluto? Maglaba? Mag-DIY? Mag-TikTok? (NAKU!)

    Iba talaga ang mga gawa ni daddy!
    PHOTO BY BLESSIE MANGUBAT
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Challenge #5: Life lessons mula kay daddy

    Sa challenge na ito, itatanong mo kay daddy ito: "What's the one thing you want our kids to learn during this ECQ season?"

    Share a photo or video of daddy's answer!
    PHOTO BY iStock

    I-post mo ang kanyang sagot, video man o photo. Pwede mo siyang picturan at ilagay ang sagot niya sa caption. Pwede mo rin siyang i-video.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Challenge #6: Pampatulog techniques!

    Naalala ninyo nang tanungin ni John Lloyd Cruz kung paano magpatulog ng baby? Anong payo ni daddy dito?

    Sa challenge na ito, ipapakita niyo lang sa amin sa pamamagitan ng photo o video kung paano pinapatulog ni daddy ang baby ninyo. Pwede itong video ng lullaby na kinakanta niya o photo ng posisyon niya kung paano siya magkarga.

    What other parents are reading

    Challenge #7: #GirlDad moments

    Girl Dad din ba tulad nina Erwan Heussaff at Nico Bolzico ang asawa mo? I-post mo na ang photo or video niya ng bonding moments with your baby girl!

    Challenge #8: Before and after haircut

    Ginupitan mo ba si daddy noong quarantine? Anong itsura ng naging gupit niya? 'Yan ang ishashare mo sa challenge na ito.

    I-post mo lang ang before at after photo ng gupit niya!

    Challenge #9: Iba ang linis daddy!

    Share ka ng photo o video ni daddy na tumutulong sa iyo sa chores o gumagawa ng ilan sa mga gawaing bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Challenge #10: Handyman!

    Madalas si daddy ang gumagawa ng mga repairs sa bahay. I-post mo lang ang photo or video ni daddy na nagkukumpuni o tumutulong sa DIY project ninyo.

    What other parents are reading

    Challenge #11 Kusot na walang katulad

    Agree ka ba na mas magaling daw maglaba ang mga daddies? I-share mo lang ang picture ni daddy na naglalaba!

    Challenge #12: Happy Independence Day!

    Share mo ang video ni daddy na kumakanta ng Pambansang Awit! Huwag mag-alala kung wala sa tono. Para sa amin, the best pa rin si daddy kahit anong boses niya.

    Challenge #13: Dads helping dads

    Kung may community ang moms, mayroon ding community ang mga dads. Nagtutulungan din sila para mas maging epektibong haligi ng tahanan.

    Kaya naman sa challenge na ito, itatanong mo kay daddy kung ano ang advice na maibibigay niya sa mga kapwa niya daddies para ma-survive ang new normal.

    What other parents are reading

    Challenge #14: Shoutout kay daddy!

    Sa huling araw ng challenge, magpopost ka lang ng photo o video ng shoutout mo kay daddy! Ito na ang pagkakataon mo para pasalamatan si daddy sa mga ginagawa niya para sa inyong pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napakasimple man ng paraan natin para i-honor si daddy, sigurado pa rin kaming ma-aappreciate niya ito. Kaya naman ipadala at i-post mo na ang iyong mga sagot sa aming mga challenges.

    Huwag kalimutan ang mga hashtags na ito: #MyFunnyDaddy #FlexKoLangSiDaddy #SmartParenting at siguraduhin mong naka-public ang post para makita namin ito at maisama sa mga larawan at video na maaari naming i-feature.

    Pwede mo ring itong ipadala sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com. Ilagay mo lang sa subject and challenge at ang hashtag.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles