;
embed embed2
  • Love Letter, Quality Time, Kiss, At Bagong Panty? Mga Valentine's Day Gifts Na Wish Ni Nanay

    Tay, gumawa na kami ng listahan para hindi ka mahirapan!
    by Ana Gonzales .
Love Letter, Quality Time, Kiss, At Bagong Panty? Mga Valentine's Day Gifts Na Wish Ni Nanay
PHOTO BY Facebook/Flowerstore.ph, Kimstore
  • Sabi nila, hindi nasusukat ang tibay ng isang relasyon sa dami o presyo ng regalong ibibigay mo kay misis kapag may mga okasyong tulad ng Valentine's Day.

    Gayon pa man, hindi rin naman masamang minsan (o ilang beses) sa isang taon ay sosorpresahin mo siya ng mga paborito niyang bagay o bonding activities.

    Ngayong Valentine's Day 2021 ay higit ninyong dapat tratuhin ng maayos ang isa't-isa dahil sa dami ng pinagdaan ninyo bunsod ng pandemic.

    Nauna na kaming naglabas ng listahan ng mga Valentine's Day gift para kay daddy. Ngayon naman, 'Tay, heto ang listahan ng mga magagandang panregalo kay mommy sa Araw ng mga Puso. Huwag mag-alala dahil maglilista kami ayon sa budget!

    Valentine's Day gift para kay nanay kung wala o kaunti lang ang iyong budget:

    Love letter

    Aminin mo, daddy. Gaano kadalas mo bang ipinapahayag kay mommy ang iyong mga saloobin? Minsan kasi, sa sobrang busy, nawawalan na ng pagkakataon para sa mga intimate talks.

    Ibuhos mo ang lahat ng mga hindi mo madalas nasasabi sa isang magandang love letter. Wala kang kailangang bayaran para dito—creativity mo lang ang puhunan.

    Quality time

    Oo. Siguro halos 24 hours kayong magkasama ni mommy dahil sa pandemic. Pero sa 24 oras na ito, ilang minuto o oras dito ang nakalaan para lang sa inyong dalawa. Minsan kaunti lang, madalas wala. Sa dami ng mga trabaho at sa bigat ng mga responsibilidad, minsan ang alone time ng mag-asawa ang unang nawawala.

    Ngayong Valentine's Day, magandang iregalo kay mommy ang quality time. Iyon bang kayong dalawa lang. Kahit midnight date sa terrace o isang mabilis na cakes and coffee sa malapit na shop, okay na.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Movie night + chips at food na hindi pang-diet

    Siguro healthy eating kayo ni mommy. Bakit hindi ninyo subukang mag-indulge ngayong Valentine's Day habang nanonood ng mga paborito ninyong pelikula sa mga streaming sites?

    Uninterrupted bath time

    Alam mo bang mga nanay ang pinakamabilis maligo sa buong mundo? Biro lang, daddy. Pero may halo pa rin itong katotohanan. Kung wala kasing magbabantay sa bata, madalas ay buhos kuskos lang si mommy, okay na.

    Ikaw muna ang magbantay kay baby para may 30-45 minutes si mommy na relax lang ang paliligo—hindi 'yung natatakot siyang walang magbabantay kay baby.

    Valentine's Day gift para kay nanay kung medyo kaya ng budget mo:

    Flowers worth P1,000 pataas

    Sabi ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, masaya ring makatanggap ng mamahaling bulaklak paminsan-minsan.

    Marami nang mga magagandang bouquet na pwede mong orderin online. Nariyan ang Flowerstore.ph. Marami silang mga promos kaya makakatipid ka.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Cash para sa hair rebonding o hair coloring session

    Walang nanay na gustong ma-losyang. Kaya lang, madalas, wala nang oras at budget para sa pagpapa-rebond at pagpapakulay ng buhok.

    Kung may budget ka naman ngayong taon, bigyan mo lang si mommy ng isang araw na day off para makapagpaganda. Isama mo na rin ang budget, syempre.

    Romantic meal (kahit sa bahay lang) mula sa paborito niyang restaurant

    Sabi rin ng mga nanay sa Village, okay na sila sa isang romantic dinner o lunch—kahit Jollibee Chicken Joy lang ay okay na! Basta galing sa paborito nilang kainan. 'Yung hindi na nila kailangang magluto at magligpit ng kusina pagkatapos.

    Bagong set ng panty o bra

    Sa maniwala ka o hindi, natitiis ng mga nanay na luma ang suot nilang panty at bra. Marami ka namang ma-oorderan na dekalidad na ganito na hindi mabubutas ang iyong bulsa.

    Valentine's Day gift para kay nanay kung marami kang budget:

    Online shopping spree!

    Kung may budget ka naman, daddy, I-checkout mo na lang ang laman ng cart ni mommy sa Shopee o Lazada.

    Air fryer o kaya coffeemaker

    Nahihilig ang mga nanay sa lutuan na ito lately. May mabibili ka nang air fryer ngayon sa halagang P1,799. Sasarap na ang ulam niyo, matutuwa pa si mommy.

    Kung mahilig naman si mommy sa kape, pwedeng-pwede mo siyang bigyan ng coffee press o coffeemaker na may kasama nang coffee beans.

    Jump rope o exercise equipment

    May mga elliptical bikes at jump ropes na na abot-kaya ngayon. Magandang ipanregalo ito kay mommy lalo na kung kasalukuyan siyang nagbabalik-alindog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung may extra ka pang budget, samahan mo na rin ng mga quality workout clothes. 'Wag mag-alala dahil pwede mo namang orderin ang mga ito online.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong iregalo kay mommy ngayong Valentine's Day. Kung malayo ka naman sa kanya ngayon, sapat na ang bigyan mo siya ng oras at panahon.

    Minsan, masyado tayong maraming iniisip, hindi na natin nakikita na sa mga simpleng bagay lang, tulad ng paglalaan ng oras, ay napapasaya natin ang ating partner.

    May naihanda ka na bang regalo para kay mommy? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles