
PHOTO BY Instagram/@patriciajavier1

Trending in Summit Network
;
Sa edad niyang 46, madalas masabihan si Patricia Javier na "medyo bata" ang kanyang itsura. Masaya namang ibinahagi ng actress, beauty queen, at mompreneur ang kanyang beauty regimen at self-care routine.
"Gusto kong i-share kung ano ang aking ginagawa para parating happy and healthy," sabi ni Patricia sa SmartParenting.com.ph sa isang panayam kamakailan.
Mahalaga raw sa kanya ang pagkakaroon ng positive attitute at faith in God. Importante rin ang pag kain ng masustanya, gaya ng mga gulay at prutas, at pag-exercise nang regular. Kinaugalian naman niyang uminom ng vitamins, lalo na ang vitamin C, at matulog ng may sapat na oras.
Para naman sa kanyang mukha, hinding-hindi nakakalimutan ni Patricia na maghilamos sa gabi bago matulog kahit pagod na sa trabaho at abala sa buhay-pamilya.
Siya rin kasi ang namamahala sa negosyo nila ng asawang si Robert "Rob" Walcher, isang American chiropractor, na tinatawag nilang Doc Rob's Chiropractic Wellness Clinic. Bukod pa siyampre sa pag-aasikaso sa kanilang dalawang anak: Robert, 14, at Ryan, 8.
Ayon kay Patricia, gumagamit muna siya ng di kainitang tubig (warm water) para basain ang mukha. Napapabuka raw kasi ng warm water ang pores kaya nakakalabas ang mga dumi habang sinasabon ang mukha.
Bilang pangbanlaw, gumagamit naman siya ng cold water upang magsara ang pores at hindi madaling makasok ang dumi sa balat.
Pagtapos, kumukuha daw siya ng isang piraso ng yelo o ice cube galing sa refrigerator at binabalutan niya ito ng tissue. Pinagmamasahe niya ang ice cubes sa kanyang mukha. Nakakatulong daw ang lamig mula sa yelo para lumiliit at sumikip ang pores.
Paliwanag pa ni Patricia sa nagagawa ng ice cubes: "Pag meron po kayong pimples, puwede po ’yan. Para di masyadong magka-wrinkles. Walang gastos. It really helps para sa skin. Nakaka-tighten ng pores."
Rekomendado niya ang paggamit ng kahit isang piraso lang ng ice cube sa pagmasahe sa mukha tuwing gabi o di kaya bago maglagay ng makeup. Mas presko raw sa pakiramdam at fresh ang itsura. Pero kung may budget ka naman daw, puwedeng-puwede mong subukan ang ibang beauty products at dermatological services.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.