embed embed2
  • Pilates: Bakit Kinagigiliwan Ito Nina Jennylyn, Pauleen At Iba Pang Celebrity Moms

    Alamin kung bakit isa ang Pilates sa top fitness routines.
    by Jocelyn Valle .
Pilates: Bakit Kinagigiliwan Ito Nina Jennylyn, Pauleen At Iba Pang Celebrity Moms
PHOTO BY @mercadojenny and @pauleenlunasotto via Instagram
  • Magandang panimula ng bagong taon ang pagbibigay halaga sa kalusugan. Isa sa mga paraan upang makamit ito ay ang pagiging physically active sa pamamagitan ng pagkakaroon ng fitness routine.

    Maaaring magsimula sa brisk walking, gym workout, o yoga. Puwede ring subukan ang Pilates na kinagigiliwan ng ilang celebrity moms tulad nila Bianca Gonzalez, Jennylyn Mercado, Pauleen Luna, Jackie Lou Blanco, at Katrina Halili.

    Mga celebrity moms na Pilates ang fitness routine 

    Ang Pilates ay complete system of exercises na binuo ng German athlete at physical trainer na si Joseph Pilates para sa rehabilitation ng mga injured athletes noong World War I. Sa kalaunan ay naging mainstream ito at kinikilala na ngayong isa sa mga top fitness routines.

    May iba-ibang paraan sa pagsagawa ng Pilates, ngunit ang pinakapopular ay ang paggamit ng exercise mat sa sahig at ng equipment na tinatawag na Reformer. Ang huling paraan ang madalas gamitin ng mga nabanggit na celebrity moms. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bianca Gonzalez

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa lampas 10 years na niyang pagsunod sa Pilates ay subok na ni Bianca Gonzalez ang benepisyong hatid nito sa kanyang kalusugan. Kaya naman tuloy-tuloy lang siya dito kahit noong mga panahong ipinagbubuntis niya ang kanyang two daughters na si Lucia, 4, at Carmen, 1. Malaking tulong din ito sa pagbalik sa kanyang pre-pregnancy figure. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pahayag ng TV host sa kanyang Instagram post, “Pregnancy and giving birth takes away a lot of your core strength and your inner thigh strength, because you're not allowed to ‘work out’ those parts while pregnant. Working on strengthening these again with the help of @pilateswithkit.”

    Jennylyn Mercado

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa sobrang pagkawili ni Jennylyn Mercado sa Pilates ay nagpatayo na siya ng personal Pilates studio sa garden area ng kanyang Quezon City residence. Paliwanag ng movie-TV star sa isang TV interview na convenient ito para sa katulad niyang may hectic schedule at hirap humabol sa schedule ng Pilates studio. 

    Bagamat may kamahalan ang equipment ay nakakatipid pa rin siya sa studio membership. Meron lang siyang sinusundan na instructional video sa TV screen at solved na ang isang session. 

    Nagustuhan ni Jennylyn ang pagiging low-impact at high intersity ng Pilates kaya daw mainam ito sa strength at flexibility. Pansin din niya na nagiging lean, imbes ng bulky, ang muscles niya at maganda sa posture. Isa pa ay safe ito sa joints kaya hindi pa siya nagkakaroon ng injury, di tulad nang subukan niya ang triathlon na nagbigay sakit sa kanyang tuhod.    

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pauleen Luna

    Para kay Pauleen Luna ay perfect ang Pilates para sa kanya. Pag-amin niya sa recent interview ng SmartParenting.com.ph, “Kasi tamad talaga akong mag-work out. Pero nakita ko kasi low impact. Sabi ko nga, madali lang ’yan.”

    Agad na dugtong ng actress-TV host, “Akala ko madali. Pero sobrang enjoy ako kasi sa pace ko siya, e. Hindi siya parang class na kailangan makisabay ako sa lahat. ’Tapos I feel stronger with Pilates, so I’m really enjoying.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    Jackie Lou Blanco

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Jackie Lou Blanco ang tunay na #fitnessgoals dahil sa edad 56 sa darating na February 11 at pagiging lola ay very fit at youthful-looking ito. Noon pa namang kabataan niya ay kilala na ang ngayong veteran actress at TV host sa kanyang healthy living at pagiging athletic.

    Lahad niya sa isang Instagram post, “Articulation through Extension. Another challenging day at my Pilates session earlier today. @alainlovepilates never ceases to amaze me. Thank you Mother for always reminding me that Fitness is Strength and Flexibility combined!” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katrina Halili

    Idinagdag na rin ni Katrina Halili ang Pilates sa kanyang fitness routine. “Minsan pag sinipag,” sabi niya sa recent interview ng Smart Parenting.

    Ibinahagi rin ng GMA-7 actress ang ilan pang paraan ng kanyang pag-ehersisyo. Aniya, “I have treadmill sa house, importante sakin talaga mag sweat. Pag wala akong work I jog sa treadmill, actually jog and walk while watching movies ganun…Mostly treadmill talaga, hindi lang para maging fit. Ang happy sa feeling kapag nag exercise ka, nakaka good mood. And syempre healthy para rin sa akin yun, mahilig din ako sa fruits and vegetables.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles