;
embed embed2
  • Boto Si Hidilyn Diaz Na I-Enroll Ang Mga Bata Sa Online Sports Clinic

    Abala ang weightlifter para sa nalalapit na Tokyo Olympics.
    by Jocelyn Valle .
  • Nasungkit ni Hidilyn Diaz ang silver medal sa 2016 Rio Olympics. Ang nalalapit na Tokyo Olympics naman ang kanyang pakay ngayon.
    PHOTO BY Jerome Ascano

    Tulad ni Hidilyn Diaz, maaaring magpatuloy sa sports ang bata kahit nakapirmi sa bahay ngayong pandemya. Kaya payo ng 30-year-old weightlifter at Olympic silver medalist sa mga magulang na i-enroll ang anak sa online sports clinic.

    “Wala namang imposible ngayon,” saad ni Hidilyn nang makausap siya ng SmartParenting.com.ph sa online interview session kasama ng iba pang Summit Media titles.

    “Kahit ako, may weightlifting academy ako online, together with Coach Julius. So ngayong pandemic, lahat tayo, nagshi-shift na. At okay na stay healthy ang anak nila by doing exercises na guided by online coaches.

    “Siyempre, ando’n ang mother, gina-guide ang anak niya. Medyo mahirap, pero ’yon ang best way. Kailangan din ng mga bata ang best coach na magga-guide sa kanila sa exercises, home exercises.”

    Diin ni Hidilyn na mahalaga ang suporta ng magulang para sa anak na nagpapakita ng interes o potensyal na mag-excel sa sport na napili ng bata.

    Aniya, “Mapapakita nila ang suporta sa pamamagitan ng actions nila. Dalhin nila ang anak nila sa sports program. Kausapin ang coach kung ano ang mga kailangang dalhin. Hindi lang para increase ang awareness sa sports. Tatanungin, kukumustahin ang anak.”

    Paalala rin niya na dapat nakabantay ang magulang o isang taong mapagkakatiwalaan sa training at competition ng bata. Para na rin daw sa kapakanan at kaligtasan ng bata.

    Pero inamin ni Hidilyn na hindi kaagad naging supportive ang kanyang mga magulang nang magsimula siya sa weightlifting. Wala pa raw siyang 11 years old noon at mahirap ang buhay nilang mag-anak sa Zamboanga City.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mula sa pagiging farmer, naging tricycle driver ang kanyang Tatay Eduardo at full-time housewife naman ang kanyang Nanay Emelita. Anim silang magkakapatid, at pang-lima siya. May pagkalampa raw siya kaya hindi siya makahabol sa mga kapatid at pinsan niyang magagaling sa team sports.

    Napansin naman niyang natatalo niya sa weightlifting kahit ang mga lalaki sa kanyang pamilya. Kaya nagpatuloy siya sa kanyang sport hanggang manalo ng mga medal at scholarship. Unti-unti, nakuha niya ang suporta ng mga magulang, lalo na ang kanyang nanay na sinabihan siya noon na hindi pang-babae ang weightlifting.

    Lahad ni Hidilyn tungkol sa kanyang pamilya, “Okay naman kami. Proud naman silang lahat. Noong bata lang talaga ako, ’ta’s no’ng nagtagal na ako sa weightlifting, binibilhan na ako ng nanay ko ng girdle. Pero di na sinusuot ngayon.”

    Nagpakitang gilas si Hidilyn sa 2019 SEA Games, kung saan siya nanalo ng gold medal.
    PHOTO BY Jerome Ascano
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kaya may mensahe siya sa mga kababaihan na maaaring gustong sumubok sa weightlifting pero naga-alangan dahil sinasabihan na masyadong masculine ang sport at magiging maskulada o di kaya amazona.

    Aniya, “Ang maipapayo ko lang sa lahat ng mga kababaihan, kung gusto n’yong maging weightlifter, ginagawa niyo ito dahil gusto niyo ito. Hindi dahil sa sinasabi ng ibang tao na hindi mo ’yan kaya o nili-limit ka ng ibang tao. Kung gusto mo ang ginagawa mo, go for it.”

    Dagdag pa niya, “Hindi siya hindrance na magkakaroon ka ng maraming muscles. At the end of the day, it’s how you see yourself. Kung ano ang panananaw mo sa sa sarili mo, kung gaano ka ka-proud sa ginagawa mo.

    “’Yon ang importante kahit anong sport ang ginagawa mo as long as ito ang sport na nagbibigay sa ’yo sa ng saya, ng goal, nagiging excellent ka, nagkakaroon ka ng disiplina. Why not? Do it because you want it not because someone says you do it. No, you do it because you want it.”

    Pagdating naman sa gastusin para sa pagte-training sa weighlifting, sabi ni Hidilyn, depende sa level na ng atleta. Siya raw kasi magastos hindi lang ang training, pero pati na ang kailangan niyang supplement, vitamins, nutrition, at recovery.

    Sa mga nagsisimula sa sport, makakatulong daw na mag-invest sa equipment. Maaaring may kamahalan pero sulit naman daw dahil pangmatagal ang gamit at maaasahan sa pagsasanay.

    Kasalukuyang abala si Hidilyn sa preparasyon para sa nalalapit na Tokyo Olympics. Layunin niyang lampasan ang silver medal na nasungkit niya sa 2016 Rio Olympics.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles