embed embed2
  • Hindi Uubra Ang Pag-Iwas Sa Lahat Ng 'Bawal' Kung Kailangan Magbawas Ng Timbang

    Maging mapanuri sa mga pagkaing dapat iwasan para hindi tumaba, ayon sa mga eksperto.
    by Jocelyn Valle .
Hindi Uubra Ang Pag-Iwas Sa Lahat Ng 'Bawal' Kung Kailangan Magbawas Ng Timbang
PHOTO BY Shutterstock
  • May mga pagkaing dapat iwasan para hindi tumaba. Pero, ayon sa mga eksperto, hindi umuubra ang simpleng pag-iwas sa lahat ng gustong magbawas ng timbang. Hindi naman daw kasi pare-pareho ang pagtugon ng katawan sa pagkain, at posibleng may kinalaman diyan ang genetics o di kaya health factors.

    Kung desidido kang pumayat, kailangan mo raw hanapin ang “method of weight loss” na tama at tugma sa iyo. Maaaring gumugol ka ng oras at magpamalas ng pasensya sa pagsubok ng iba-ibang klase ng diet at exercise program. May mga tao raw na hiyang sa pagbibilang ng calories ng kanilang kinakain at iba pang “restrictive methods. Meron din namang pabor sa wala masyadong pinagbabawal.

    Mga pagkain na kilalang nagdudulot ng pagtaba

    Ang kagandahan ng pag-iwas sa mga pagkain na nakakataba, sabi ng pag-aaral ng Harvard School of Public Health, makakatulong ito sa pagpigil ng mga sakit. Kabilang dito ang heart disease, stroke, diabetes, at iba pang malalang kondisyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Fatty foods

    Naitanim na sa ating mga isipan na umiwas sa mga pagkain na puno ng taba upang hindi tumaba. Kaya naman nauso ang mga bilihin na low fat o di kaya reduced fat bilang pang-akit sa mga health conscious at weight watcher.

    Pero ayon sa medical sources, napatunayan sa clinical trials na hindi nagkakalayo ang epekto ng low-fat diet sa moderate at high-fat diet. Kaya kahit daw bumaba ang pagkonsumo ng fatty foods sa United States sa nakaraang 30 years, nagpatuloy ang pagtaas ng obesity rate doon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May mali raw kasi sa pagpili ng alternative sa fatty foods bilang mga pagkaing dapat iwasan para hindi tumaba. Imbes na bacon, halimbawa, para sa breakfast, kakain ng muffin o donut na mataas naman sa sugar at refined carbohydrates. Dapat daw piliin ang “good fats,” na matatagpuan sa avocado, nuts, seeds, soy milk, tofu, fatty fish, olive oil, at iba pa. 

    High calories

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung simpleng pagbabawas ng calories ng kinakain ang gagawin para mabawasan din ang timbang, sabi ng mga eksperto, bakit daw hirap pa rin ang karamihan na pumayat. Kasi raw maaaring sa mga unang linggo lang na pagbawas ng calories ang umepekto dahil hindi na nasu-sustain sa mga sumusunod na linggo.

    Dapat din daw maging mapanuri sa calories. Ang 100 calories ng high fructose corn syrup, halimbawa, ay iba ang dulot sa katawan kumpara sa 100 calories na mula sa broccoli. Kaya huwag lang daw bawasan ang calories bagkus piliin din ang calories mula sa heathy food, gaya ng gulay.

    Carbs

    Sentro ang carbohydrates o carbs sa mga sikat na weight-loss program na Atkins, South Beach, at Ketogenic Diet. Sinasabi kasi ng kanilang mga tagapagtaguyod na “carbs are bad,” kaya dapat iwasan ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrates.

    Paalala naman ng mga eksperto sa United Kingdom National Health Service (NHS), masyadong malawak ang kategorya ng carbohydrates. May iba-ibang anyo ng carbs, at hindi silang magkakapareho.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang importante raw ay ang kalidad (quality) at dami (quantity) ng carbs na kinakain. Malaki naman kasi ang papel na ginagampanan ng carbs sa pagsu-supply ng energy sa katawan kaya hindi puwede itong mawala sa diet.

    May tatlong uri ng carbohydrates na makukuha sa pagkain

    Sugar

    Tinatawag na “free sugars” ang kadalasang ginagamit sa mga processed food at drink, pati na ang mga natatagpuan sa honey, syrup, at fruit juice. Kapag nasobrahan sa pagkonsumo ng free sugars, maaaring magdulot ng obesity at heart disease. Kahit pa fresh fruit juice, limitahan ang pag-inom sa isang baso kada araw. 

    Fiber

    Mula sa halaman ang fiber, partikular sa cell walls ng mga pagkaing itinanim. Kabilang diyan ang mga prutas, gulay, at beans. Malaking tulong ang fiber upang lubusang mabusog at hindi mahirapang dumumi. 

    Starch

    Galing ang starch sa pagkaing pananim (crops), tulad ng bigas, tinapay, patatas, at pasta. Maraming nagsasabi na kabilang ang starchy food sa mga pagkaing dapat iwasan para hindi tumaba. Sabi naman ng mga eksperto na mas kaunti pa rin ang taglay nilang calories kumpara sa fat. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles