embed embed2
20 Lbs Ang Nabawas Sa Timbang Ni Mommy Dahil Sa Jumping Rope
PHOTO BY courtesy of Ces Fernandez
  • Lampas tatlong taon na ang nakalipas nang manganak si Ces Fernandez sa kanyang unico hijo na si Dakila, 4 years old na ngayon. Pero parang napako na sa third trimester ng pagbubuntis ang kanyang katawan sa mahabang panahon. Hinaing niya noon na napakahirap matanggal o paliitin man lang ang kanyang mommy bulge.

    Weight loss inspiration

    “Ang daming beses ko rin tinangkang magpapayat because of my insecurities,” pag-amin ng 31-year-old single mom sa SmartParenting.com.ph. “Siguro kasi selfie lang ang habol ko to overcome my insecurities. So hindi malalim ’yong purpose.”

    Nang magsimula ang community quarantine nitong March 2020 bunsod ng COVID-19 pandemic, napansin ni Ces na hindi na niya mapigilan ang kanyang pagkain. Kaya naman lumobo daw siya nang husto.

    Pag dating ng June, naging abala si Ces sa fundraising event na inorganisa ng kumpanya na kanyang pinapasukan, ang World Vision, isang global humanitarian organization na tumutulong sa mga kabataan.

    Si Ces kasama ang kanyang anak na si Dakila
    PHOTO BY courtesy of Ces Fernandez
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tinawag na “Virtual Run for Children” ang fundraising event, kung saan ang registered participants ay tumakbo sa kani-kanilang mga lugar mula June 15 hanggang July 31 upang mabuo ang alin man sa total mileage (21K, 50K, 100K, 200K) na kanilang sinalihan.

    Nakalaan ang parte ng kinita ng palaro sa mga programa ng organisasyon para sa edukasyon, nutrisyon, at pangkalusugan ng mga kabataan na kanilang sinusuportahan. Kabilang dito ang pagbibigay ng back-to-school kits at COVID-19 sanitation kits.

    “Di ko naman kasi inakala na may magbabago sa akin no’ng sumali din ako,” lahad ni Ces, na tumatayong marketing innovations manager ng World Vision. “Siyempre nag-participate lang naman ako kasi team namin ang nag-lead ng fundraising event.

    “Pero dahil bilang mom, committed talaga ako sa advocacy ko for children…Kinarir ko na talaga ’yong fitness routine ko. Tutal naman, bawat hakbang ko, magkakaambag ako. So dito nagsimula ’yong weight loss journey ko. Nagkataon lang talaga na nagkaroon ako ng mas meaningful na motivation to help myself and also help others.”

    Nawala ang 20 lbs, salamat sa skipping o jumping rope 

    Dahil naging matagumpay ang “Virtual Run for Children,” nag-isip ang grupo ni Ces ng iba pang fitness-related virtual events hanggang nakilala nila ang isang grupo ng mga manlalaro ng jumping/skipping rope.

    Habang binubuo nila ang bagong fundraising event na “Jump for Children,” sinubukan ni Ces ang jumping rope routine. Napansin niya na mainam ang jumping rope bilang alternative cardio exercise sa running dahil puwede itong gawin kahit sa maliit na espasyo sa loob ng bahay. Maulan man o maaraw, makakapag-exercise siya.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Natuwa rin siya sa nalamang impormasyon mula sa internet na ang skipping rope ay makakatulong sa pag-burn ng mula 200 hanggang 300 calories sa loob lamang ng 15 minutes. Higit daw ang nagagawa nito kesa sa iba pang continuous cardio exercises, tulad ng running o kaya bike riding.

    Nagsimula si Ces mag-skipping rope kapag hindi siya nakatakbo sa labas, at nagulat siya sa resulta pagkaraan ng dalawang linggo. Mula 2 hanggang 5 pounds ang nababawas sa kanyang timbang kada linggo.

    Mula 134 pounds noong June 2020, naging 114 pounds na lamang si Ces pagdating ng October 2020.
    PHOTO BY courtesy of Ces Fernandez

    Gumaang siya ng 20 pounds sa loob ng four months dahil sa skipping rope. Hindi siya nag-diet — basta “in moderation” ang kanyang pagkain at nagdagdag siya ng “healthier alternatives.” Ilan sa mga ito ang apple cider vinegar, virgin coconut oil, chia seeds, lemon water, green tea, at Manuka honey.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo ni Ces sa mga gustong sumubok ng jumping rope, kahit anong lubid o rope ay puwedeng gamitin sa pagtalon-talon. Nabili niya ang una niyang jumping rope sa isang online toy store. Nagsusuot siya ng rubber shoes sa labas ng bahay, pero nakayapak lang kapag nasa loob naman.

    Kadalasan, tumatalon siya hanggang 35 minutes na may saglit na pahinga sa pagitan. Nagagawa niya ito mula 5 hanggang 6 na beses sa isang linggo.

    Sa tingin niya, mainam na magsimula sa 15 minutes na jumping rope para maging epektibo sa pagbabawas ng timbang. Hindi nga naman daw biro ang mula 200 hanggang 300 calories na mabu-burn. Kadalasan pagkatapos niyang tumalon, saka siya kumakain.

    Physical health at COVID-19 

    Nahinto pansamantala ang exercise routine ni Ces nang tamaan siya ng COVID-19. Nagsimula siyang makaramdam ng pagkapagod katapusan ng August. Bago iyan, hindi siya naglalabas, puwera lang nang sinamahan niya ang isang tiyahin sa ospital.

    Pag dating ng September, nagkaroon naman siya ng lagnat, sakit ng ulo, at pag-ubo. Gumaling siya pagkaraan ng tatlong araw, bagamat madali pa rin siyang mapagod. Pero nawala naman ang kanyang pang-amoy at panlasa. Kumuha siya ng PCR swab test, at lumabas na positibo siya sa novel coronavirus. 

    Nang gumaling si Ces, naghintay muna siya ng isang buwan bago bumalik sa kanyang exercise routine. Nagsimula siyang muli sa 5 minutes muna na pagtalon at saka na lang siya nagdagdag ng 5 minutes pa kada linggo hanggang marating niya ang 35 minutes.

    Pahayag niya, “I think kung hindi ko siguro sinimulan ’yong healthier lifestyle ko months ago, hindi magiging handa ’yong katawan ko no’ng nagka-COVID-19 ako. I’m not sure what in particular worked, but I felt na hindi gaanong naapektuhan ’yong lungs and heart ko. But it might be different for every person.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya higit pa sa pagbabawas ng timbang, malaki ang naitulong ng skipping rope kay Ces sa kanyang pagkatao. Aniya, “Come to think of it, di makikita sa weight din ’yong pinakamalaking pagbabago sa akin. I just realized that I’m at my sexiest when I’m compassion-driven and solution-oriented.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close