May paalala si Angelica Panganiban sa mga kapwa niya mommy. Aniya sa kanyang Instagram post, kung saan makikita ang selfie photos nila ng anak: "Reminder to check on yourself once in a while."
Paliwanag pa ng aktres, "Tayong mga momsies, marami na tayong iniisip at inaalagaan. 'Wag kalimutan ang sarili, lalo na at summer naaaaa! 'Wag hayaang mahulas ka ng ganun ganun na lang."
Nanganak si Angelica noong September 20, 2022 (basahin dito) sa panganay nila ng fiance na si Gregg Homan. Parte si Gregg ng management team ng Bay Marine Subic, isang kumpanyang nagde-desenyo, gumagawa, nagbebenta, at nagpaparenta ng aluminum boats at water crafts.
Pinangalanan nina Angelica at Gregg ang kanilang baby girl na Amila Sabine, at binigyan ng palayaw na Baby Bean. (Basahin dito ang unang sakay ni Baby Bean sa eroplano at bakasyon nilang mag-anak.)
Tulad ng sabi ni Angelica, hindi dapat kalimutan na alagaan ang sarili habang nag-aalaga rin ng anak. Malaki ang benepisyo nito hindi lang sa iyo ngunit para na rin sa iyong anak at pamilya. Nakakatulong ito sa pagkakaroon ng "healthy, respectful relationships,” ayon kay Janet Lansbury, isang parenting expert. (Basahin dito.)
"Scientifically proven" ang self-care na makakatulong na matugunan ang problema sa emotional outbursts at depression, ayon naman kay Michele Alignay, Ph.D, RPsy. Mga simpleng halimbawa nito ang pagsusulat sa journal, pagkakaroon ng hobby, page-exercise, at pagtulog ng sapat na oras.
Basahin dito ang ilan pang halimbawa ng self-care.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.