embed embed2
Puwede Na Hindi Mauwi Sa Wala Ang Ating New Year's Resolutions. Eto Ang Trick
PHOTO BY iStock
  • Paano nga ba ang transisyong internal o pansarili mula sa isang pagwawakas patungo sa panibagong mga simula? Katulad mo, maraming mga nanay ang pagod ngayon. Karamihan ay punong-abala ng mga salusalo at lahat ng ito kasabay ng pag-aalaga at pag-aasikaso sa buong pamilya. Sa gitna ng ingay ng mga selebrasyon sa Bagong Taon, makatutulong kung may tahimik na mga sandaling hahayaan tayong huminga nang malalim, makapag-isip, at makapagpasalamat para sa taong dumaan. 

    Nakasanayan na nating gumawa ng New Year’s resolutions. May iba na isinusulat pa ito at gumagawa pa ng check list. Masarap isiping karamihan sa atin, natutupad ang ating mga hiling at binitiwang resolusyon. Para naman sa ibang nabibigo, nakatatak na sa isip na baka sakaling may panibago pa ring pagkakataon sa susunod pang mga taon.

    What other parents are reading

    Paano bumuo ng New Year’s resolutions

    Madalas, ang mga sumusunod ang laman ng listahan ng mga Pilipino, na mas mukhang wish list kaysa New Year’s resolution.

    1. Lose weight (Magbawas ng timbang)
    2. Save more money (Makapag-ipon ng mas maraming pera)
    3. Be happy (Maging masaya)
    4. Buy more properties (Makabili ng ari-arian)
    5. Pay off debts (Mabayaran ang mga utang)
    6. Buy a new car (Makabili ng bagong kotse)
    7. Good health (Mabuting kalusugan)
    8. Attend mass every Sunday (Makapagsimba tuwing Linggo)
    9. No more yelling (Hindi na sisigaw o maninigaw)
    10. Just love (Magmahal)

    O di ba? Ganyan din ba ang sa iyo? Madalas, ang inilalagay natin ay kung ano ang kulang o kung ano ang wala pa. Pero hindi natin nadedetalye nang mabuti ang mga dapat gawin. Dito na magsisimula ang 20 mga tanong na maaari nating gamitin upang tuldukan ang taong 2019:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    1. Anong klaseng ehersisyo ang kaya nating gawin? Saan at tuwing kailan?
    2. May budget plan ba ako? May makakausap ba akong financial advisor?
    3. Ano ba ang tunay na mga makapagpapasaya sa akin at sa aking pamilya?
    4. Paano ko mababayaran ang mga gusto kong bilhin? Ano ang gusto kong bilhin?
    5. Paano ko mababayaran ang mga utang ko? Gagamit pa ba talaga ng credit card o hindi na?
    6. Anong klaseng sasakyan ba ang gusto ko? Kailan ko bibilhin? Paano ko babayaran?
    7. Kailan ako magpapa-checkup ulit? Anong klaseng tests ang dapat kong kunin kahit maayos naman ang pakiramdam ko? Ano-ano ang mga pag-iingat na dapat gawin upang hindi magkasakit?
    8. Bakit ba ako nagsisimba? Gusto ko ba o obligasyon lang kaya ko ginagawa?
    9. Paano ko ba masasabi ang gusto kong sabihin kapag masama ang loob ko? Bakit nga ba ako sigaw nang sigaw? (Puwede ring bakit ba ako nagkikimkim ng sama ng loob?)
    10. Ano-ano ba ang love languages ng mga tao sa paligid ko? Ano ang love language ko? Paano ko maipararamdam sa kanila ang pagmamahal ko?
    What other parents are reading

    Paano masisigurong matutupad ang New Year’s resolutions

    Pagdating sa pagtupad ng resolutions, mayroong 12 buwan ang susunod na taon upang isulat ang mga reflections at game plan na ito sa journal at/o ikuwento sa matalik na kaibigan:

    1. Paano mo napangibabawan ang mga pagsubok ng 2019?
    2. Anong karanasan nang nakaraang taon ang hindi mo malilimutan?
    3. Ano-ano ang mga biyayang natanggap mo nung 2019?
    4. Ano-ano ang bago mong mga natutuhan at naunawaan?
    5. Ano-ano ang tatlong prayoridad mo para sa susunod na taon at bakit?
    6. Ano ang iyong focus o goal para sa 2020? Paano mo aabutin ang mga ito?
    7. Aling mga buwan ang pinakanagustuhan at hindi mo nagustuhan? Bakit?
    8. Sino-sino ang mga nanakit o nagkasala sa iyo na nais mong mapatawad?
    9. Sino-sino ang mga kapamilya at kaibigang nagpalakas ng iyong loob at nakapagpasaya sa iyo?
    10. Saan ka nagkulang? Ano-ano ang naging mga epekto nito sa iyo, sa mga tao sa paligid, at sa iyong buhay?
    11. Ano-ano ang mga bagay na nagawa mo nang buong husay at nais mo pang ipagpatuloy 2020?
    12. Kung mayroon kang mensahe para sa mga tulad mong nanay sa pagdating ng New Year, ano ito?
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kung minsan, mapaiisip ka na lang din, lalo na kung natatagpuan ang sarili sa mga suliranin at mga crossroad: Masalimuot ba talagang baguhin ang takbo ng ating buhay dahil mahirap ang mga gusto nating gawin (o imposible ang mga gusto nating mangyari) o ayaw lang talaga nating magbago?

    Tunay na nakatatakot harapin ang mga hindi pa natin alam. Pero isang blangkong canvas ang susunod na mga buwan. Ano-anong mga magagandang karanasan pa kaya ang ating maipipinta? Ang laman ng mga tanong na nabanggit sa itaas ay maaaring magsilbing gabay ang mga ito sa kung paano natin gustong buoin ang ating buhay sa susunod na taon. Kung magagawa nating sagutin ang mga ito (at napakarami pang puwedeng itanong sa sarili, kung tutuusin), siguradong laksa-laksang positibong enerhiya ang maibibigay sa iyo ng pagbabalik-tanaw sa nakaraang taon kung mas mangingibabaw ang pasasalamat na nakarating tayo dito, ngayon.

    Sana ay makatulong ang munting pagninilay na ito at makapagbigay ng pag-asa na hindi man naging madali ang ating mga pinagdaanan, baon na natin ngayon ang lakas, kaalaman, karunungan, at pagnanais na magpatuloy pa. Sa 2020, excited ka na rin bang harapin ito kasama ang iyong pamilya?

    Nalulunod ka ba sa utang? Basahin dito paano mabayaran ito para at hindi ka na kailangan magtago.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close