-
News Get A Chance To Win P100,000 By Sharing Your Smart Parenting Story!
-
Real Parenting 'Can I Love My Second Child As Much As The First?'
-
Getting Pregnant Pregnant Woman Becomes Pregnant Again Just 3 Weeks Later, Giving Birth To Rare 'Super Twins'
-
Real Parenting Anong Gagawin Mo Kung May Biglang Sumampal Sa Anak Mo?
-
Moms Ang Malimit Na Nakararanas Ng Revenge Bedtime Procrastination
Bet namin alam nyo na ito.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY Shutterstock/kittirat roekburi
Hindi nawawalan ng gagawin ang isang nanay sa buong araw. Minsan, pinagsasabay pa ang mga gawain sa trabaho, anak, at bahay bilang multitasking para makatipid sa oras.
Kaya naman kaabang-abang ang pagtatapos ng araw, kung kailan tulog na mga kasama sa bahay, at may kaunti pang panahon para mag-relax. Nariyan ang panonood ng paboritong teleserye o K-drama, pagbisita sa social media apps, at pagwi-window shopping gamit ang internet.
Pero minsan, hindi mo namamalayan na ilang oras na pala ang lumipas at gising ka pa. Nababawasan ang oras mo ng pagtulog. Malamang kukulangin ka sa energy mula sa pagbangon sa kama hanggang sa paglubog ng araw.
Hindi ka nag-iisa sa ganyang sitwasyon. Ang tawag diyan: revenge bedtime procrastination.
Kadalasan daw itong mangyari, ayon sa CNN, kapag punong-puno ang araw ng mga responsibilidad sa trabaho at sa anak. Pagdating ng gabi, gusto mo naman ng kahit maliit na parte ng panahon na ginugol mo para sa ibang tao ay ibigay mo naman sa sarili mo. Me-time, ika nga.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMga nanay ang malimit na nakararanas ng revenge bedtime procrastination, sabi ng Glamour. Paliwanag ng psychologists, inuuna kasi ng mga nanay ang pangangailangan ng iba, nawawalan sila ng kontrol sa kanilang daytime life. Iniisip nila na makakabawi sila sa gabi.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKahit pagod at alam na gigising pa nang maaga kinabukasan, pakiramdam mo, hindi ka pa handang magpahinga. Kasi daw “some part of you is unsatisfied.” Kaya magbababad muna sa streaming service o kaya social media at shopping sites.
Nasasakripisyo tuloy ang pagtulog. Batay sa report ng BBC, halos 65% na nga ng adults sa buong mundo ay nagsabing hindi sila nakakakuha ng sapat na tulog. Baka mangyayari nito, isang malawakang sleep deprivation at malaking epekto sa buhay pamilya dahil sa revenge bedtime procrastination.
Sa huli, sabi ng mga eksperto, mahalaga pa rin talaga na magkaroon ng sapat na oras sa pagtulog. Mainam raw na limitahan na lang ang paglilibang sa gabi. Importante rin naman na may panahon sa sarili, huwag lang sa puntong nakokompromiso ang oras ng pagtulog.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network