embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Kalma Lang Tayo Dapat Dahil Nakakaputi Ng Buhok Ang Stress, Ayon Sa Ilang Scientistis

    Nakatuklas din ang scientists ng posibleng solusyon para hindi mapunta sa puting buhok ang stress.
    by Jocelyn Valle .
Kalma Lang Tayo Dapat Dahil Nakakaputi Ng Buhok Ang Stress, Ayon Sa Ilang Scientistis
PHOTO BY SIphotography/iStock
  • Nadiskubre ng scientists sa ibang bansa kung bakit nakakaputi ng buhok ang stress at ang posibleng solusyon sa pag-itim nitong muli nang hindi gumagamit ng hair dye. 

    Ayon sa ulat ng British Broadcasting Corporation (BBC) kamakailan, nagsagawa ng experiments ang researchers sa U.S. at Brazil gamit ang mga daga. Nailathala ang kanilang pag-aaral sa Nature research journal. 

    Natuklasan ng researchers na ang stem cells sa katawan na kumokontrol sa kulay ng balat at buhok ay lubhang napinsala nang dumaan ang mga daga sa matinding stress.

    Pagkatapos ng ilang linggo ay napansin naman nila na ang maitim na buhok ng mga daga ay pumuti.

    More from Smart Parenting

     

    Naghayag ang researchers na mainam ng pag-aralan pang mabuti ang kanilang natuklasan upang makagawa sila ng gamot sa pagputi ng buhok ng tao na dala na rin ng pagtanda. 

    Kadalasan, ang mga lalake at babae ay nagsisimulang magkaroon ng puting buhok sa kalagitnaan ng kanilang ikatlong dekada, depende na lang din kung nasa lahi nila ang putiin ang buhok.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagamat ang puting buhok ay senyales ng natural ageing process, may papel din ang stress dito. Hindi pa nga lang malinaw para sa scientists kung bakit at paano nakakaapekto ang stress sa pagputi ng buhok. 

    Pero naniniwala ang researchers, na galing sa mga unibersidad ng Harvard sa U.S. at Sao Paolo sa Brazil, na ang mga epekto are kaugnay sa melanocyte stem cells, na siyang gumagawa ng melanin sa katawan para sa kulay ng balat at buhok.

    Habang isinasagawa nila ang mga ekperimento sa mga daga ay natuklasan nila itong dagdag na kaalaman.

    More from Smart Parenting

    Nagbigay ng pahayag dito si Professor Ya-Cieh Hsu, isang research author galing Harvard University, sa BBC. Aniya, “We now know for sure that stress is responsible for this specific damage to your skin and hair, and how it works.”

    Ang sakit na naramdaman ng mga daga sa eksperimento ay bunsod ng pagkawala ng adrenaline at cortisol. Dahil dito ay bumilis ang pagtibok ng kanilang mga puso at tumaas ang kanilang blood pressure at tuluyang umapekto sa nervous system hanggang nagdulot ng matinding stress.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa ganitong proseso, agad na naubos ang stem cells na gumagawa ng melanin sa hair follicles.

    Komento ni Professor Hsu, “I expected stress was bad for the body. But the detrimental impact of stress that we discovered was beyond what I imagined.”

    Dagdag niya, “After just a few days, all of the pigment-regenerating stem cells were lost. Once they’re gone, you can't regenerate pigment any more - the damage is permanent."

    More from Smart Parenting

    Sa isa pang eksperimento, nadiskubre naman ng researchers na harangan ang mga gano’ng pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga daga ng gamot laban sa hypertension at high blood pressure.

    Nang ikumpara ng researchers ang genes ng mga daga na nakaramdam ng sakit doon sa ibang mga daga ay nakilala nila ang protina na sangkot sa pagkasira ng stem cells mula sa stress.

    Nang pinigilan naman nila ang protinang ito, na tinatawag na cyclin-dependent kinase (CDK), ay napigilan din ang pagbago ng kulay ng balat ng mga daga sa eksperimento.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukas na ngayon ang pinto para sa scientists na pag-aralan ang pag-antala ng pagputi ng buhok sa pagtutok sa CDK at makagawa ng gamot.

    Paalala ni Professor Hsu, “These findings are not a cure or treatment for grey hair. Our discovery, made in mice, is only the beginning of a long journey to finding intervention for people. It also gives us an idea of how stress might affect many other parts of the body.” 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles