embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Sinubukan ng Isang Pinay Mom ang Boudoir Photo Shoot

    Nais ipakita ng inang ito na maaari pa ring maging sexy kahit tatlo na ang anak.
    by Louisa Mercado .
Sinubukan ng Isang Pinay Mom ang Boudoir Photo Shoot
PHOTO BY Joy Gurtiza of Seriously Boudoir
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Ang una dumapo sa isip ko nang mabalitaan ko ang tungkol sa pinoy mom boudoir phorography ay, “Ano ang iisipin ng mga anak ko?” Sa edad kong ito (39 na sa oras ng pagpost nito), naisip ko na ito na ang pinakamagandang oras para gumawa ng isang bagay na hindi ko karaniwang gagawin.

    Matapos kong ipagbuntis ang ikatlo kong anak, nawalan na ako ng kumpyansa kaya hindi na ako nag-aayos at nagsusuot na lang ng mga maluluwag na damit. Ang pagkakaroon ng boudoir shoot ay hindi isang bagay na pag-iisipan kong gawin, pero dalawang taon na akong hiwalay at nagsisimula akong mahanap ang tunay kong pagkatao. Ipinagmamalaki kong tanggapin at mahalin ang aking sarili at ang aking pagkababae.

    More from Smart Parenting

    Nagsimula ito nang bumaba ang aking timbang at unti-unti kong naisip na posible palang maging maganda ako. Napagtanto ko na walang masama sa pagmemake-up, at ginagamit ito hindi para pagtakpan ang mga kapintasan, kundi para maipakita ang tunay na kagandahan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinuportahan ako ng panganay kong lalaki… sa una. Hindi ko binanggit sa aking anak na babae hanggang natapos na ang shoot, ngunit tinulungan niya akong mag-ayos noong araw na iyon. Hiniling ko lang na gawin niya akong kaakit-akit, at tinulungan niya naman ako at hindi na nagtanong pa.

    More from Smart Parenting

    Bakit ako nagpasyang gumawa ng boudoir shoot

    Ang pagpapakuha ng mga litratong ito ay nakatulong sa akin hindi lamang na magkaroon ng tiwala sa sarili. Nalaman ko rin ang aking mga anggulo at natutong mag-pose sa mga larawan.
    LITRATO NI Joy Gurtiza of Seriously Boudoir
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang dahilan kung bakit ako napapayag na gawin ang shoot ay dahil ang mahusay na litratista ay ang kaibigan kong si Joy Gurtiza , isang kapwa mommy blogger at propesyonal na litratista na nag-aalok ng mga boudoir session sa kanyang Facebook page na Seriously Boudoir. Pinapagaan niya ang aking isip at ginawa niyang komportable para sa akin na kilalanin ang aking katawan at sumubok ng iba't ibang mga pose. Hinikayat niya akong huwag pigilan ang aking sarili.

    Marahil ay pinaakamagandang kunan ng ganitong mga litrato ay iyong mga bata at masisigla, ngunit dapat ding ipagbunyi ang katawan ng isang ina, ‘di ba? Totoo namang pang-nanay ang aking katawan. Dumaan na ito sa tatlong panganganak, tatlong sanggol na sumususo, at pati na rin isang pagkalaglag. Ang balat ko ay naunat, napunit (oo, sa bahaging iyon na nagpapalabas ng sanggol!), at hindi na naging perpekto. Gayunpaman, ipinagmamalaki ko ang lahat ng mga markang ito dahil ngayon ay mayroon na akong 18, 17, at 8 taong gulang na binigyang katibayan ng mga sugat na nakuha ko sa “digmaan.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dapat hayaan ang mga inang tulad ko na hayagang alamin ang kagandahan ng kanilang katawan nang walang paghuhusga. Mayroon ba akong pag-aalangan sa pag-post ko tungkol dito? Oo! Kita naman sa mga larawan sa ibaba na ang aking katawang nanay ay hindi perpekto.

    Ngunit naniniwala ako na ang nanay, nasa opisina man o nananatili sa bahay, ay pwede pa ring maramdaman na siya ay sexy. Ang boudoir photography ay magandang pagkakataon upang mapanatili ang kagandahang ito. Maaari rin itong gawing regalo para sa mahalagang tao sa iyong buhay!

    More from Smart Parenting

    Ano ang nangyari sa aking pinay mom boudoir photograpy

    Bago ang shoot, naghanap na ako ng mga pose na pwedeng gayahin. Ngunit noong dumating na ang pagkakataon, sinunod ko lang kung ano ang gustong gawin ng aking katawan. Natuto akong maging mas mapaglaro at magrelax. Hinayaan kong tawanan ko ang aking sarili at tanggapin ang aking mga kapintasan. Ngunit sa halip na ituring ko ang mga ito bilang kakulangan, mas gusto kong tignan ang mga ito bilang mga katangian na bumubuo sa aking pagkatao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahat tayo ay kayang maging sexy- kailangan lang nating ilabas! At kung hindi sigurado kung paano magpo-pose at ano ang gagawin, tuturuan at gagabayan kayo ng inyong boudoir photographer. Maganda sa pakiramdam na alam kong hahanapin niya ang pinakamaganda kong anggulo at aalamin niya kung ano lang ang komportable akong ipakita sa mga litrato.

    Kayo na ang humusga! Ito ang ilan sa mga pinagmamalaki kong litrato mula sa shoot:

    Tinitingnan ko ang mga litratong ito at nag-iiba ang pananaw ko sa aking sarili. Nakikita ko kung paano ako nakikita ng iba.
    LITRATO NI Joy Gurtiza ng Seriously Boudoir
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Natututo akong humanap ng kaginhawahan sa pag-iisip na balang araw, may makakakita ng mga “kapintasang” ito bilang mga bagay na natatangi sa akin. May oras pa, at may pag-asa pa.
    LITRATO NI Joy Gurtiza ng Seriously Boudoir
    Dahil sa mga boudoir sessions, lumalabas ang bagong aspeto ng iyong pagkatao at natutulungan kang lumabas sa iyong comfort zone.
    LITRATO NI Joy Gurtiza ng Seriously Boudoir
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Tumatanda ako, ngunit hindi pa huli ang lahat para sumubok, umasa, at humanap ng bagong pakikipagsapalaran. Malapit ko nang maabot ang big 4-0, at ang dami kong mga bagong bagay na nararanasan. Ang mga boudoir session ay hindi lamang tungkol sa pagkuha ng mga litrato- nagpapakita ito ng mga aspeto ng iyong pagkatao na hindi mo alam noon, at hinahayaan kang makipagsapalaran sa labas ng iyong comfort zone. Parang mararamdaman mong buhay na buhay ka muli!

    Pagkagaling ko sa boudoir shoot, pinakita ko sa mga anak ko ang mga larawan. Sa una ay nagulat sila at hindi nila agad natanggap. Naintindihan ko naman ang kanilang reaksyon, dahil makikita ito ng kanilang mga kaibigan sa Facebook at Instagram. Sa huli, sinabi rin ng anak kong babae na, “I-post mo na ang mga litrato, mom. Kaya namin ito.”

    Ipinagmamalaki ko talagang nagawa ko ang pinoy mom boudoir photography. Salamat, mga bata!

    Ang article na ito ay unang lumabas sa blog ni Louisa Mercado na, Art of Being a Mom. May mga pagbabago na ginawa ang mga editor ng Smart Parenting. Si Louisa ay isang lifestyle blogger at work-at-home mom. Mayroon siyang tatlong anak, sina Bastian, Kiana, at Jael.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting


How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles