Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • #SPConfessions: Walang Mukha Ang Postpartum Depression

    Hindi porke nakangiti ang isang tao ay hindi na siya nakakaramdam ng lungkot.
    by Ana Gonzales .
#SPConfessions: Walang Mukha Ang Postpartum Depression
PHOTO BY iStock
  • Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization, humigit kumulang sampung porsyento ng mga buntis at labintatlong porsyento ng mga nanganak na ang nakakaranas ng depression.

    Sa Smart Parenting Village, maraming mga nanay ang nagtatanong kung paano nga ba malalaman na postpartum depression na ang kanilang nararamdaman. At dahil iba-iba ang paraan nito ng pagmamanipesto, dito mo maaaring sabihing, wala talagang mukha ang depression. May mga inang nakakaramdam ng sobrang lungkot, mayroong nakakaramdam ng sobrang kawalan ng pag-asa, at mayroon namang mga nakakaramdam ng sobrang galit. Kung minsan, lahat ng ito ay nararamdaman ng isang ina. 

    More from Smart Parenting

    Sa kasamaang palad, dahil hindi pa lubos na naiintindihan kung bakit nga ba nadedepress ang isang tao, madali itong ma-misinterpret bilang “kaartehan” o pagiging mahina. ‘Yan ang isa pa sa kalimitang daing, hindi lang ng mga nanay na nakakaranas ng postpartum depression, kundi maging ng mga ordinaryong tao.

    Narito ang isang kwentong #SPConfessions na patunay nito:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I know it’s wrong to feel this way. I don't know bakit sa loob ko may parte na ayaw sa anak ko. Nahihirapan ako tanggapin kung ano ang meron ngayon. I just gave birth 2 weeks ago. I have a very supportive husband pero he can't understand what I'm going through, sabi nya, “It’s all in the mind.”

    Siguro nga kaya mas lalong mahirap kung sarili mo na ang kalaban mo. Nakokonsensya ako kasi I see how much he loves our child, samantalang ako, nagiging pabigat pa sa kanya. Hindi ko alam paano ko icocollect ang sarili ko, I feel so alone.

    Literal din kasi mag-isa ako at pumapasok si husband sa trabaho. All our relatives are far away from here. Wala akong will to live, gigising ako na tamad na tamad sa lahat ng bagay. Kapag nandito si husband, siya ang gumagawa ng lahat kasi emotionally and mentally unstable ako. I can't function well, I can't eat well. Konti nalang magshu-shutdown na ako.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    I can't make him understand how I feel na para akong kandila na unti-unting nauubos. I want to have some "me time" kahit isang araw lang para pag-isipan mga bagay-bagay. My family gave me an option if I want na umuwi muna ako and they will hire a helper for me para suporta. The problem is, hindi kami close ng family ko at hindi ko magawang iwanan ang husband ko. I need him too.

    Palagi ko kasing kinakalimutan ang sarili ko para lang sa happiness ng iba. Ngayon, wala na tuloy akong makapitan bukod sa iisang tao lang. May point nga na gusto ko na lang umalis at iwanan lahat.

    "Minsan hinihiling ko na sana pwede ko ibalik ang oras."

    I know deep inside I love my child, I never wished to make her feel unwanted. I don't know what to do anymore, hirap na hirap na ako. Akala ko talaga matatag na ako. Akala ko kakayanin ko.

    Every single day na gigising ako puro iyak na lang ginagawa ko. Nakatulala na lang din ako. I'm having bad thoughts na rin sa anak ko. Dasal ako ng dasal na tulungan Niya ako na malampasan ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles