embed embed2
  • Bakit Mahalagang Magpaturok? 7 Bakunang Bumago Sa Ating Buhay

    Kung wala ang mga panlabang ito, marahil marami sa mga karamdaman ang delikado pa rin ngayon.
    by Ana Gonzales .
Bakit Mahalagang Magpaturok? 7 Bakunang Bumago Sa Ating Buhay
PHOTO BY Shutterstock
  • Bago pa man ang kontrobersyal na usapan tungkol sa mga COVID-19 vaccines na mayroon na ngayon, dati nang hot topic kung tawagin ang pagbabakuna.

    Noon pa man kasi ay hindi na maalis ang agam-agam ng mga tao kung dapat nga ba o hindi na pabakunaan ang ating mga anak.

    Bakit nga ba mahalaga ang mga bakuna?

    Prevention is better than cure, sabi nga nila. Mas mainam na agapan na ang mga karamdaman kaysa gamutin ito kapag malala na.

    Ang bakuna o vaccines ay naimbento para panlaban sa mga karamdamang kumikitil sa buhay ng maraming tao.

    Paano gumagana ang mga bakuna?

    "Vaccines are 'weakened versions' of a virus," ayon sa mga eksperto. Ibig sabihin, hindi na ito ganoon kalakas para magdulot ng karamdaman. "They contain the same antigens (or part of antigens) that causes diseases," paliwanag ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

    Halimbawa, ang measles vaccine ay may pinahinang measles virus. Kapag itinurok ito sa iyo, maa-activate ang iyong immune system para labanan ang virus. At dahil hindi na malakas ang virus at hindi na ito makakapagdulot ng karamdaman, mananalo ang immune system mo sa laban.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa susunod na tamaan ka ng measles virus, handa na ang iyong katawan at immune system para labanan ito. Sa madaling salita, pinapalaki ng mga bakuna ang pagkakataon ng iyong katawan na manalo laban sa iba't-ibang klase ng virus. Ang proteksyon na ito ang siyang tinatawag na immunity.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "A vaccine is a safer substitute for a child's first exposure to a disease," dagdag ng CDC.

    Kung hindi ka nabakunaan laban sa mga karamdamang mayroon nang available vaccines, hindi handa ang iyong katawan para labanan ang virus.

    Delikado ba ang mga bakuna?

    Maraming ayaw magpabakuna ngayon laban sa COVID-19 dahil sa takot sa magiging epekto ng bakuna sa kanilang katawan.

    Ngunit kung titignan ang nakaraan, marami nang karamdaman ngayon ang posibleng iwasan dahil sa mga naimbentong bakuna.

    Kaya naman patuloy ang paghihikayat ng mga medical experts na pabakunaan natin ang ating mga anak habang bata pa sila, para sa kanilang paglaki ay maiwasan ang maraming karamdaman.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga babies kasi ay may minamanang antibodies mula sa kanilang nanay. Ngunit nawawala ang mga antibodies na ito sa paglaki ng mga bata. Dito na papasok ang mahalagang papel na gagampanan ng mga bakuna.

    7 vaccines that saved our lives

    Narito ang ilan sa mga mahahalagang bakuna na kung wala ngayon ay siguradong maraming magkakasakit sa atin, lalo na ang ating mga anak.

    Pertussis

    Kilala ito bilang whooping cough. Isa itong respiratory disease na mabilis kumalat at makahawa.

    Mayroon nang dalawang klase ng pertussis vaccine ngayon: ang DTaP vaccine at ang Tdap vaccine—pareho itong kailangan ng anak mo.

    MMR vaccine

    Ang MMR o Measles-Mumps-Rubella vaccine ang magiging panlaban ng anak mo sa measles. Ibinibigay ito sa kanya sa kanyang ika-10 buwan.

    Mabilis na mahawa mumps. Napaka delikado rin nito dahil maaari itong magdulot ng mga respiratory problems, lagnat, at pamamaga ng mga glands sa likod ng tenga. Ang bakuna na ito ay kasama na sa MMR vaccine na makukuha ng anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kabilang din sa MMR ang rubella vaccine na makakatulong para makaiwas sa mga kumplikasyon sa pagbubuntis tulad ng pagkabingi at pagkabulag.

    Smallpox vaccine

    Isa ang smallpox sa mga karamdamang nagresulta sa pagkamatay ng milyon-milyong tao sa buong mundo. Ngunit dahil ngayong may bakuna na laban dito, madali na itong maiwasan.

    Tetanus-Diptheria vaccine

    Ang tetanus ay isang delikadong bacterial disease. Kung buntis ka, kailangan mong makuha ang tetanus-diptheria-pertussis vaccine o Tdap sa pagitan ng 27 hanggang 36 weeks ng iyong pagbubuntis.

    Tetanus-Diptheria vaccine naman ang ibinibigay sa anak mo kapag anim na taong gulang na siya.

    Flu vaccine

    Napakadelikadong tamaan ng influenza virus. Nagmu-mutate din ang disease na ito at pinagmumulan ng iba't-ibang strains kaya taon-taon kang dapat nagpapabakuna laban dito.

    Polio vaccine

    Taong 1994 nang tuluyang mapuksa ang polio sa Western Hemisphere. Ang 90% ng mga batang tinatamaan nito ay malimit walang ipinapakitang sintomas. Ngunit, sa ilang kaso, maaari itong maging sanhi ng paralysis sa binti na malimit at permanente na.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Delikado ang polio sa mga bata lalo na iyong mga nasa edad lima pababa.

    Typhoid vaccine

    Alam mo ba na taon-taon ay umaabot sa mahigit 160,000 na tao ang namamatay dahil sa typhoid fever?

    Ito ay dulot ng bacterium na Salmonella Typhi at malimit ay kumakalat ito sa pamamagitan ng pagkain at tubig. Kabilang sa mga sintomas ang abdominal pain, lagnat, at pananakit ng ulo.

    Narito ang kumpletong listahan ng mga bakunang kailangan ng anak mo at kung kailan mo siya dapat dalhin sa dokto para maturukan:

    • Bacille Calmette-Guérin vaccine (BCG); pagkapanganak
    • Hepatitis B vaccine (HBV); unang dose, pagkapanganak
    • DTwP-Hib-Hep B vaccine
    • Polio vaccine
    • Pneumococcal conjugate vaccine (PCV)
    • Measles-Mumps-Rubella vaccine (MMR)
    • Tetanus-Diptheria vaccine (Td)
    • Human Papillomavirus vaccine (HPV)
    What other parents are reading

    Narito naman ang mga kailangan mong bakuna kung ikaw ay buntis:

     

    PHOTO BY courtesy of Doctor Maynila Domingo
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Sa dami ng mga naglalabasang bagong karamdaman ngayon, kailangan talagang maging mas maingat ka, hindi lang sa pangagatawan ng iyong anak, kundi sa pangangatawan mo na rin.

    Hihintayin mo pa bang magkasakit ka at ang iyong mga anak bago ka kumonsulta sa doktor tungkol sa mga bakuna?

    Kumpleto na ba ang mga bakuna ng mga anak mo? Kumusta ang experience ninyo sa pagpapabakuna sa panahon ngayon? I-share mo na ang iyong experience sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makahanap ng mga highly-recommended pediatricians na subok na ng mga nanay na tulad mo.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles