Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Hindi Sakit sa Puso ang Heartburn: Baka Meron Kang Acid Reflux o Kaya GERD

    Meron mainit na pakiramdam sa iyong dibdib? Malamang heartburn ito pero hindi puso ang problema.
    by Allan Olga .
Hindi Sakit sa Puso ang Heartburn: Baka Meron Kang Acid Reflux o Kaya GERD
PHOTO BY iStock
  • Nakakaramdam ka ba ng pananakit ng dibdib o heartburn? Mayroon din bang pananakit ng tiyan, pangangasim ng sikmura, o naduduwal? Madalas ka bang magkaroon ng indigestion o impatso, madalas na pagdighay at ang pakiramdam na parang laging may nakabara sa lalamunan? Baka meron ka ng acid reflux o kaya naman ay gastroesophageal reflux disease o GERD. 

    Ano ang acid reflux?

    Ang acid reflux ay ang pag-akyat ng acid na nasa tiyan papuntang esophagus, ang tube na nag-uugnay ng tiyan at lalamunan. Kapag umatake ang acid reflux, malalasahan sa bibig ang umakyat na pagkain o kaya naman ay maasim na liquid. Maaari ring magkaroon ng mainit na pakiramdam sa iyong dibdib, o ang tinatawag na heartburn. Oo, hindi sakit sa puso ang heartburn kung hindi isang sintomas ng acid reflux.

    Inirerekomenda ng Mayo Clinic ang pagkakaroon ng lifestyle change kung nagkakaroon ka ng acid reflux. Baka kailangan mo ang pagbabawas ng timbang, kumain ng mas kaunti, at iwasan ang pagkain nang marami sa disoras ng gabi. Umiwas din sa mga pagkaing nagti-trigger ng heartburn, kagaya ng mga fried food at matatabang pagkain. Iwasan din ang pag-inom ng alak at paninigarilyo. Nagdudulot din sa iba ang pag-inom ng gamot kagaya ng aspirin 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaaring makatulong ang mga over-the-counter na gamot gaya ng antacids sa panaka-nakang acid reflux. Pero mahalaga na kumonsulta sa doktor lalo na kung madalas ang iyong acid reflux.

    More from Smart Parenting

    Maaaring mauwi sa GERD ang acid reflux

    Kapag madalas ka magka-heartburn pagkatapos kumain, senyales ito na ang iyong acid reflux ay nauwi sa gastroesophageal reflux disease o GERD, na mas malubhang estado ng reflux. Ang iba pang sintomas ng GERD ay ang pag-akyat ng kinain o maasim na liquid sa bibig, nahihirapang lumunok, pag-ubo, nahihirapang huminga at pananakit ng dibdib lalo na kapag nakahiga sa gabi.

    Ang mga kondisyon na maaaring maging dahilan upang magkaroon ng GERD ay ang mga sumusunod:

    • Obesity o labis na timbang
    • Paglaki sa taas ng tiyan haggang sa diaphragm (hiatal hernia)
    • Pagbubuntis
    • Connective tissue disorders, gaya ng scleroderma
    • Pagde-delay ng stomach emptying

    Kung ang hinala mo ay mayroon kang GERD at lumulubha ang mga senyales at sintomas — meron ng pagkahilo, pagsusuka, at matinding hirap sa paglunok — kumonsulta sa iyong doktor na may maipapayo na prescription medications. Kapag nakakaranas ka ng pananakit ng dibdib, lalo kung hirap ka sa paghinga at may kasamang pananakit sa panga at braso, dahin agad ang sarili sa emergency room dahil maaaring sintomas din ito atake sa puso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sa mga matinding kaso ng GERD, maaari itong mauwi sa mga kumplikasyon. Dahil mas napapadalas ang pag-akyat ng acid sa esophagus patungong bibig, maaari itong magdulot ng iritasyon sa lining ng esophagus. May ibang kaso na kailangan sumailalim na sa surgery.

    Sa katagalan, ang chronic inflammation sa esophagus ay maaaring mauwi sa mga sumusunod: 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Pagsikip ng esophagus (esophageal stricture). Ang damage sa lower esophagus dahil sa stomach acid ay maaaring magdulot ng scar tissue na nagpapasikip sa daanan ng pagkain na nauuwi naman sa hirap na paglunok.
    • Open sore o sugat sa esophagus (esophageal ulcer). Ang stomach acid ay maaaring magdulot ng sugat sa esophagus na nagiging ulcer, upang makaranas ng pagdugo, pananakit at hirap sa paglunok.
    • Precancerous changes sa esophagus (Barrett's esophagus). Ang damage mula sa acid ay maaaring magdulot ng pagbabago sa tissue lining sa lower esophagus. Ang mga pagbabagong ito ay iniuugnay sa increased risk ng pagkakaron ng esophageal cancer. 

    Dapat makipagkita sa inyong doktor kapag nakakaranas ng madalas ng sintomas ng GERD at kapag ang pag-inom mo ng over-the-counter medication para sa heartburn ay higit na sa dalawang beses sa isang linggo. 

    Source: Mayo Clinic

    More from Smart Parenting

     

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles