embed embed2
  • Bahing Nang Bahing, Pagluluha ng Mata: Sipon O Allergic Rhinitis?

    Alikabok, usok, pollen galing sa bulaklak, balahibo ng hayop. Lahat pwede maging trigger.
    by Dinalene Castañar-Babac .
Bahing Nang Bahing, Pagluluha ng Mata: Sipon O Allergic Rhinitis?
PHOTO BY iStock
  • Labis na nakawawala ng konsentrasyon o pokus ang pagkakaroon ng allergic rhinitis. Hindi ka nagiging komportable sa iyong pagkilos at nagiging iritable ka kapag nakararanas nito. Iniisip mo na baka simpleng sipon lang ito pero mas mainam na malaman ang dahilan ng pagkakaroon nito at makahanap ng agarang lunas.

    PROBLEMA SIPON? BASAHIN ITO

    Sintomas at sanhi ng allergic rhinitis

    Nararanasan ang allergic rhinitis dahil sa pagkalantad sa allergen. Ito ay kapag nakalanghap ang isang tao ng mga bagay na nagdudulot ng allergic reaction sa kaniya tulad ng alikabok, usok, pollen galing sa bulaklak, balahibo ng hayop, amag, at iba pang gaya nito.

    Dahil dito, mamamaga ang nasal passages at sinus hanggang maging barado na ito at magdulot ng pagbabahing, isa sa pinaka-common na sintomas ng allergic rhinitis, na tumatagal ng ilang oras at araw. Kung mas nagiging matagal naman ang exposure sa mga allergens na ito, makadarama ka ng pananakit ng ulo at pagkapagod.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan sa mga maaaring maranasan mo kung mayroon kang allergic rhinitis:

    1. Walang tigil ang iyong pagbahing
    2. Pagiging barado at makati ng ilong
    3. Pagkakaroon ng runny nose
    4. Masakit at makating lalamunan
    5. Pag-ubo
    6. Pagluluha, pamamaga, at pangangati ng mata
    7. Pananakit ng ulo
    8. Pagkakaroon ng mga rashes o eczema
    9. Pagkapagod 

    Maaaring maranasan ng kahit sino ang ganitong allergy ngunit madalas na nadedebelop ito sa isang tao kung may history sa pamilya ng ganitong uri ng allergy.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tagal ng pagkakaroon ng allergic rhinitis

    Minsan depende sa panahon ang pag-atake ng allergic rhinitis. Kung nagagamot naman agad ito mabilis na mawawala.

    Mayroong seasonal na allergic rhinitis na nararansan dahil sa pagbabago ng panahon o temperature sa paligid. Ito ay karaniwang dulot ng mga allergens mula sa paligid na nalilikha sa panahong iyon.

    Mayroon namang perennial na nararanasan sa buong taon o anumang panahon. Ito ay dulot ng mga panloob na allergens na nariyan lang sa paligid o sa bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Home remedy ng allergic rhinitis

    Ang hindi agarang paggamot ng allergic rhinitis ay maaaring magdulot ng hirap sa pagtulog, pagkapagod, at pananamlay. Maaaring subukin ang ilan sa mga home remedies pero depende ito sa iyong allergy.

    Kung seasonal ang allergic rhinitis

    Maaaring mag-air conditioner kaysa magbukas ng bintana. Magdagdag din ng mga filter na makatutulong sa iyong allergy gaya ng dehumidifier.

    May nabibiling mga air purifier din na may high-efficiency particulate air (HEPA) filter na nakatutulong na harangin ang maliliit na particles na pinagmumulan ng iyong allergy habang nasa loob ng bahay.

    Ang mga dapat iwasan at madalas labhan

    Dagdag pa rito, makatutulong din ang hindi paggamit ng carpet sa bahay o anumang bagay na madalas pagkapitan ng alikabok.

    Labhan at magpalit ng bedsheets, punda ng unan at kumot kada linggo. Ibilad din ang kutson na pinaghihigaan

    Makatutulong din ang paggamit ng face mask o pagtakip sa bibig at ilong kung naglilinis ng bahay o bakuran.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliguran madalas o dalawang beses kada linggo ang mga alagang aso para maiwasan ang pagkalat ng animal dander o tila mga balakubak na galing sa hayop. Palagiang paghuhugas ng kamay matapos hawakan ang alagang hayop.

    Ugaliin din ang agarang pagligo kung galing sa labas.

    Gamot sa allergic rhinitis

    Karaniwan na dumaan sa allergy test upang malaman kung saan allergic ang isang tao. Kailangan ding malaman mo ang mga allergens na nagdudulot o nagpapa-trigger ng allergic rhinitis sa iyo upang maiwasan mo ang mga ito. Mahalaga ang pagpapatingin sa doktor upang mabigyan ng tamang gamot.

    Nagrereseta ang doktor ng mga tableta na antihistamines na iinumin mo para panlaban sa allergy. Nagbibigay rin sila ng mga decongestant para sa baradong ilong. May nabibili sa mga gamut na ito na over the counter ngunit may ilan na kailangan ng preskripsyon.

    Maaari namang gumamit ng eye drops para maibsan ang pangangati ng mata at nasal spray para sa baradong ilong pero para sa panandaliang ginhawa lamang ito at hindi pangmatagalan. Tandaan na sundin ang panahon ng paggamit nito na kadalasan hanggang tatlong araw lamang. Hindi maaaring pangmatagalan dahil baka maging dependent ka na sa mga ito at maaaring magdulot din ito ng ibang epekto sa iyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa lahat ng nabanggit, pinakamabuti pa rin ang pagkonsulta sa doktor upang matiyak alin ang nararapat mong gamitin.

    PROBLEMA SIPON? BASAHIN ITO

    Nagrerekomenda rin ng ibang doctor ng immunotherapy o allergy shots kung may matindi o malalang allergy. Ngunit pangmatagalan ang paggagamot na ito na may kasabay na medikasyon nang sa gayon hindi na lumala o dumalas ang pag-atake ng allergy.

    Sources: 
    Barado Ang Ilong Pero Walang Sipon? Ito Ang Maaaring Dahilan At Gamot 
    Allergic Rhinitis 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles