embed embed2
  • Ito Ang Mga Rekomendado Ng DOH Bilang Halamang Gamot Sa Hika At Ubo

    May ilang paraan para sa preparasyon ng halamang gamot.
    by Jocelyn Valle .
Ito Ang Mga Rekomendado Ng DOH Bilang Halamang Gamot Sa Hika At Ubo
PHOTO BY Shutterstock
  • Lumipas man ang mahabang panahon at lumago pa ang medical science, nananatiling maaasahan at kapaki-pakinabang ang herbal medicine. Marami pa ring mga Pinoy ang umaasa, tulad ng kung ano ang halamang gamot sa hika.

    Noong 1997, naipasa ang Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA), kaya nabuo ang Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC). Layunin ng PITAHC na palawakin ang paggamit ng traditional at alternative health care sa pamamagitan ng scientific research at product development.

    Mga rekomendadong halamang gamot ng DOH

    Nagtatag din ang Department of Health (DOH) ng Traditional Health Program at nakagawa ng listahan ng rekomendadong halamang gamot. Ang sampung ito ay:

    Akapulko (Cassia alata)

    Ginagamit ang akapulko para sa tinea infections, insect bites, ringworms, eczema, scabies at itchiness.

    Ampalaya (Momordica charantia)

    Mapait man sa panlasa, mabisa naman ang ampalaya laban sa diabetes (diabetes mellitus), hemorrhoids, coughs, burns at scalds, at pati na bilang posibleng anti-cancer treatment.

    Bawang (Allium sativum)

    Ang paboritong sahog sa lutuin na bawang ay mainam bilang antibacterial, anti-inflammatory, anti-cancer at anti-hypertensive.

    Bayabas (Psidium guajava)

    Ang prutas na bayabas ay gamot din bilang antiseptic, anti-inflammatory, anti-spasmodic, antioxidant hepatoprotective, anti-allergy, antimicrobial, anti-plasmodial, anti-cough, antidiabetic, at antigenotoxic sa folkloric medicine.

    Lagundi (Vitex negundo)

    Tinatawag din ang lagundi bilang  “5-leaved chaste tree” at ginagamit kontra sa ubo, sipon, at lagnat. Nagbibigay din ito ng ginhawa sa asthma at pharyngitis, rheumatism, dyspepsia, boils, at diarrhea.

    Niyog-niyogan (Quisqualis indica L.)

    Isang vine ang niyog-niyogan na tinatawag ding Chinese honeysuckle, at may bisa ito kontra sa intestinal parasites.

    Sambong (Blumea balsamifera)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Napatunayang mainam ang sambong laban sa kidney stones, wounds at cuts, rheumatism, anti-diarrhea, anti-spasms, colds, coughs, at hypertension.

    Tsaang Gubat (Ehretia microphylla Lam.)

    Ang tsaang gubat ay ginagamit para sa skin allergies, eczema, at scabies. Nakakatulong din ito sa mabilis na paghilom ng mga sugat mula sa panganganak.

    Ulasimang Bato o Pansit-Pansitan (Peperomia pellucida)

    Mainam na gamot ang ulasimang bato para sa arthritis at gout.

    Yerba Buena (Clinopodium douglasii)

    Kung tawagin ang yerba buena sa English ay peppermint. Mabisa ito bilang analgesic sa pananakit ng katawan at kasukasuan dulot ng  rheumatism at gout. Mabisa rin ito laban sa coughs, colds, at insect bites.

    Paano ang preparasyon ng halamang gamot

    May ilang paraan para magamit ang halamang gamot. Nariyan ang paglalaga ng mga dahon para makuha ang katas at gawin itong tsaa. Maaaring inumin ang tsaa nang mainit o di kaya malamig na parang juice drink.

    Para sa sipon at ubo, halimbawa, subok na ang lagundi, sambong, bayabas, ampalaya, at yerba buena bilang herbal tea. Ano ang halamang gamot sa hika? Lagundi rin ang kasagutan. 

    Sa iba pang preparasyon ng herbal medicine, kailangan ng pagsasanay bilang herbalist. Kabilang diyan ang herbal tinctures, fluid extracts, herbal poultices, at herbal poultices. May mabibili na ring herbal medicine sa anyong powdered herbs o di kaya tablets, pati na cream at ointment. Pasok din diyan ang essential oils at herbal supplements.

    Ano pa ang halamang gamot sa hika?

    Mataas din ang pagkilala sa herbal medicine sa ibang bansa, tulad ng China, India, at Japan. May kanya-kanya silang mga halamang gamot, halimbawa, sa hika o asthma.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa China, nariyan ang Ginkgo biloba at Wenyang Tonglulo mixture (WTM). Sa India naman, subok nila ang Picrorrhiza kurroa (P kurroa) at Solanum xanthocarpum/trilobatum. Habang sa Japan, gumagamit sila doon ng dried ivy leaf extract at Tsumura saiboku-to (TJ-96).

    May babala naman ang mga eksperto sa paggamit ng herbal medicine. Anila, siguraduhin na naaayon ang halamang gamot sa karamdaman at tama ang dosage sa loob ng recommended period.

    Maging maingat din daw ang mga edad 65 pataas at iyong may chronic diseases, pati na ang mga buntis at mga nagpapadedeng ina. Mainam daw kung komunsulta rin sa doktor bago maghanap, gaya ng kung ano ang halamang gamot sa hika.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles