embed embed2
  • Laging Nahihilo? Ano Ang Vertigo At Bakit Hindi Ito Dapat Balewalain

    Narito ang mga mabisang gamot para sa karamdamang ito.
    by Ana Gonzales .
Laging Nahihilo? Ano Ang Vertigo At Bakit Hindi Ito Dapat Balewalain
PHOTO BY Shutterstock
  • Madalas ka bang makaramdam ng pagkahilo? Baka vertigo na 'yan.

    Ano ang vertigo?

    Ang vertigo ay ang pagkahilo na para bang umiikot at gumagalaw ang buong paligid mo. Maaari mong ihalintulad ang pakiramdam sa motion sickness, ngunit iba naman ito sa lightheadedness.

    Ano ang pinagkaiba ng vertigo at motion sickness?

    Parehong maituturing na balance disorder ang vertigo at motion sickness. Ang pinagkaiba nila, ang motion sickness ay iyong pakiramdam na wala ka sa balanse.

    Malimit itong nararamdaman kapag nasa loob ka ng umaandar na sasakyan—maging bangka man iyan, kotse, o eroplano.

    Samantala, ang vertigo naman ay iyong pakiramdam na umiikot ang buong paligid mo. Maaari rin itong may kasamang pagsusuka, labis na pagpapawis, at abnormal na paggalaw ng mga mata.

    Bakit nagkakaroon ng vertigo ang isang tao?

    Ang pinakakilalang sanhi ng vertigo ay ang mga sumusunod:

    Benign paroxysmal positional vertigo (BPPV)

    Ayon sa mga eksperto, ito ang pinaka madalas na sanhi ng vertigo. Ito ang nagiging dahilan kung bakit nakakaramdam ka ng sandaling parang umiikot ang paligid mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nangyayari ito dahil sa biglaang paggalaw ng iyong ulo o 'di naman kaya ay dahil sa pagtama ng ano mang bagay sa ulo mo.

    Infection

    Maaari ring maging sanhi ng vertigo ang viral infection. Tinatawag itong vestibular neuritis, kung saan naaapektuhan ng virus ang iyong vestibular nerve.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Meniere's disease

    Ito naman ay kapag nagkaroon ng tinatawag na excessive fluid buildup sa loob ng tenga mo. Nakakapagdulot ito ng Biglaang vertigo na maaaring tumagal ng Ilang oras.

    Migraine

    Kahit ang migraine ay maaari ring magdulot ng vertigo na maaaring tumagal ng Ilang minuto hanggang sa Ilang oras.

    Bukod pa sa mga nabanggit, maaaring maging sanhi rin ng vertigo ang sumusunod:

    • head injury
    • ear surgery
    • transient ischemic attack o iyong tinatawag na mini stroke
    • brain stem disease
    • multiple sclerosis

    Anu-ano ang mga sintomas ng vertigo?

    Kung madalas mong maranasan ang mga sintomas na ito, maaaring mayroon kang vertigo:

    • pagkahilo
    • pakiramdam na umiikot ang kapaligiran mo
    • kawalan ng balanse
    • pagsusuka
    • pagduduwal
    • labis na pagpapawis
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano mabisang gamot sa vertigo?

    Depende ito sa kung ano ang pangunahing sanhi ng vertigo mo, paliwanag ng mga eksperto.

    Mayroon ding klase ng vertigo na kusang nawawala ngunit kailangang magpatingin para masigurong hindi ito sintomas ng mas malalang karamadaman.

    Kung infevtion ang dahilan, maaaring magreseta ang doktor ng mga antibiotics o antiviral drugs.

    Kung BPPV o acoustic neuroma ang dahilan ng iyong vertigo, maaaring operasyon ang maging gamot kung hindi gagana ang ibang mga treatments.

    Bukod pa sa mga nabanggit, maaaring makatulong din ang page-ehersisyo, partikular na ang mga ginagamit sa tinatawag na vestibular rehabilitation therapy (VRT).

    Kabilang dito ang:

    • habituation na siyang panlaban sa pagkahilo
    • gaze stabilization para mas maging maganda ang iyong eye movements
    • balance training para mas maging steady ka

    Anu-ano ang mga home remedies na panlaban sa vertigo?

    Stress management

    Dahil may ilang klase ng vertigo na maaaring manggaling sa stress, makakatulong kung mayroon kang mabisang stress management technique.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nariyan ang meditation, deep breathing, journaling, at marami pang iba. Hanapin mo ang bagay sa iyo para maiwasan mo ang stress-related vertigo.

    Yoga at Tai Chi

    Kilala ang mga ito na mabisang pantanggal ng stress. Bukod pa riyan, nakakatulong din ang mga ito para mag-improve ang iyong flexibility at balance.

    Subukan lang ang mga simpleng yoga poses at iwasan ang mga biglang pagtayo o pag-ikot para hindi ma-trigger ang vertigo mo.

    Sapat na tulog

    Malaki rin ang magagawa ng sapat na tulog para labanan mo ang vertigo. Kung bigla kang nakaramdam ng pagkahilo, makakatulong kung ititigil mo muna ang ginagawa mo at mahihiga ka ng Ilang minuto.

    Sapat na tubig

    Dapat ay nakakainom ka rin ng sapat na dami ng tubig dahil maaari ring magdulot ng vertigo ang dehydration. Bawasan ang pagkain ng maalat at samahan pa ito ng pag-inom ng maraming tubig.

    Ilan lamang ito sa mga pwede mong Gawin para labanan ang vertigo. Siguraduhin ding kumonsulta sa iyong doktor para malaman kung ano ang eksaktong dahilan sa likod ng vertigo mo. Sa ganitong paraan, mas matutukoy ang tamang gamot para sa iyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles