-
8 Posibleng Dahilan Ng Mahinang Menstruation Bukod Sa Pagbubuntis
May paliwanag ang ob-gyn tungkol sa menstruation.by Jocelyn Valle . Published Oct 31, 2023
- Shares
- Comments

Ang article na ito ay unang naipublish noong January 22, 2021. Nadagdagan ito ng updates noong October 31, 2023.
Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Isa sa pinakamahalagang yugto ng buhay ng isang babae ang pagkakaroon ng regla o menstruation dahil ito ang hudyat ng pagsisimula ng reproductive years. Dalaga na, ika nga nila, hindi na bata. Pero hindi lahat ay pare-pareho ng karanasan, kaya may mga nagtatanong, halimbawa, kung bakit mahina ang menstruation.
Mga dapat malaman tungkol sa menstruation
Nagbigay ng paliwanag Dr. Mary Ann Romero-Fernandez, isang obstetrician-gynecologist, sa SmartParenting.com.ph para mas maintindihan ang pagkakaroon ng regla. Aniya, ang menstruation ay "series of hormone driven-events" sa katawan ng babae bilang preparasyon sa posibleng pagbubuntis.
Kada buwan, sabi pa ni Dr. Romero-Fernandez, nagpapakawala ang obaryo (ovary) ng itlog (ovum). Tinatawag ang pangyayaring ito sa reproductive system na ovulation. Kasabay nito ang hormonal changes upang makapaghanda ang matris (uterus). Pero kung walang nakapasok na sperm para makipagkita sa ovum, walang magaganap na fertilization, na siyang bubuo sana ng baby.
Kaya kung walang fertilization, ang hinahanda sana ng uterus na lining para sa baby ay kusang kumakalas at nahuhulog palabas ng vagina. Ito ngayon ang nakikitang dugo kapag nireregla, at tinatawag na menstruation o di kaya menstrual period, cycle, at period.
4 phases ng menstruation
May paliwanag din si Dr. Romero-Fernandez tungkol sa apat ng yugyo na pinagdadaanan kapag nireregla.
Menstrual phase
Nagsisimula ang menstrual phase kapag ang egg o ovum sa nakaraang cycle ay hindi na-fertilize. Ibig sabihin, walang mangyayaring pagbubuntis. Bumababa ang level ng hormones na estrogen at progesterone hanggang kumalas ang uterine o endometrial lining palabas ng vagina.
Maaaring makaramdam ka ng mga ganitong sintomas ng menstruation, na kadalasang tumatagal mula tatlo hanggang pitong araw:
- Paghilab ng puson (cramps)
- Pagsakit o paglaki ng mga suso (breast tenderness)
- Pagmamanas (bloating)
- Pagbabago-bago ng mood
- Pagiging iritable
- Pananakit ng ulo
- Madaling mapagod
- Pananakit ng likod (lower back pain)
Follicular phase
Nagsisimula ang follicular phase sa unang araw ng menstruation, kaya nagkakasabay sa menstrual phase. Nagpapadala ng signal ang hypothalamus, na matatagpuan sa gitnang bahagi ng brain, papunta sa pituitary gland para magpakawala ito ng follicle stimulating hormone (FSH). Ito naman ang nagsasabi sa dalawang ovary na gumawa ng mula 5 hanggang 20 na follicles.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBawat isa sa mga follicle ay may laman na immature egg o ovum. Pero isa lang ang umaabot sa maturity, na siya namang hudyat para sa estrogen na gumawa ng uterine lining kung sakaling may mabuong baby. Tumatakbo ang follicular phase mula 11 hanggang 27 na araw, kung kailan pasimula naman ang ovulation.
Ovulation phase
Dahil sa nabanggit na pagtaas ng estrogen, magpapakawala naman ang pituitary gland ng luteinizing hormone (LH) upang magsimula ang ovulation. Sa panahong ito nagpapakawala ang ovary ng mature egg, na siyang maglalakbay papunta sa fallopian tube para sana ma-fertilize ng sperm at pumirmi sa uterus.
Sa yugtong ito, maaaring makaramdam ka ng pagtaas ng basal body temperature at pagkapal ng vaginal discharge. Nangyayari ito sa ika-14 na araw at tumatagal lamang ng 24 oras. Namamatay at nalulusaw ang ovum kapag walang fertilization na naganap.
Luteal phase
Pagkatapos magpakawala ang follicle ng ovum, nagiging corpus luteum ito dahil sa progesterone at estrogen. Nagreresulta ito sa pagkapal ng uterine lining sa pag-asang may mabubuong baby. Kasabay niyan ang paggawa ng katawan ng human chorionic gonadotrophin (hCG) para pangalagaan ang corpus luteum at pakapalin ang uterine lining.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPero kung hindi nangyari ang pagbubuntis, kusang liliit ang corpus luteum at malulusaw kasabay ng pagbaba ng progesterone at estrogen. Magkakaroon ka naman ng regla.
Ano ang normal at hindi normal na menstruation
Sa normal menstrual cycle, sabi ni Dr. Romero-Fernandez, nagsisimula ang pagbibilang mula sa unang araw ng isang period hanggang sa unang araw ng kasunod na period. Nangyayari ito kada 21 hanggang 35 na araw, at tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw.
Mga palatandaan ng normal menstruation:
- Tinatayang mula 5 hanggang 80 mL (o 6 tbsp) ang daloy ng regla
- Tinatayang 5 mL ang fully soaked pad o sanitary napkin
- Tinatayang 10 mL hanggang 15 mL ang fully soaked overnight pad
Ang abnormal menstruation naman, sabi pa ni Dr. Romero-Fernandez, tumatalon o di kaya humihinto na ang pagreregla.
Masasabing irregular ang period mo kung:
- Higit pa ito sa pitong araw
- May pagitan ito ng hindi lalagpas sa 21 araw o di kaya higit sa 35 na araw
- Higit ito sa 80 mL
- Mag pagdudugo sa pagitan ng pagreregla
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapag hindi talaga dinatnan ng regla, baka nakakaranas ka ng amenorrhea, kung saan tumitigil ang menstrual period. Kung madalang ka namang magkaroon, baka nakaranas ka ng tinatawag na oligimenorrhea. Maaari ka ring maranas ng grabeng pagsakit ng puson (dysmenorrhea) o di kaya abn uterine bleeding (AUB).
Bakit mahina ang menstruation
Nagbigay si Dr. Romero-Fernandez ng mga posibleng dahilan kung bakit mahina ang menstruation kung hindi naman buntis:
- Edad papuntang perimenopause at menopause
- Epekto ng iniinom na contraceptive pills
- Walang ovulation
- Paging underweight o di kaya overweight
- Sobrang stress
- Pagkakaroon ng medical conditions, tulad ng anemia at thyroid problems
- Pagkakaroon ng cervical stenosis, kung sumailalim sa operasyon
- Pagkakaroon ng Asherman's syndrome, na siyang puminsala sa uterine lining pagkatapos maraspa
Payo ni Dr. Romero-Fernandez na magpatingin sa doktor upang malaman kung bakit mahina ang menstruation. Mahalaga raw na malaman ang kondisyon ng iyong reproductive system.
Frequently asked questios (FAQs) tungkol sa mahinang menstruation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW1. Ano ang mahinang daloy ng regla, at normal ba ito?
Ang mahinang daloy ng regla, na kadalasang tinutukoy bilang light menstrual bleeding, ay kapag ang isang babae ay nakakaranas ng regla na may kaunting daloy ng dugo. Maaari itong makilala sa pamamagitan ng isang mas maikling tagal at mas magaan na kulay ng dugo ng panregla. Sa karamihan ng mga kaso, ito ay itinuturing na normal, lalo na kung ito ay pare-pareho sa iyong karaniwang pattern ng regla.
2. Ano ang mga posibleng dahilan ng mahinang daloy ng regla?
Maaaring may iba't ibang dahilan para sa mahinang pagdurugo ng regla, kabilang ang mga hormonal na kadahilanan, stress, labis na ehersisyo, mababang timbang ng katawan, ilang partikular na kondisyong medikal, paraan ng pagkontrol sa panganganak, at perimenopause. Kung nag-aalala ka tungkol sa sanhi ng iyong pagkawala ng regla, magandang ideya na kumunsulta sa isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.
3. Makakaapekto ba sa fertility ang mahinang daloy ng regla?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga mahinang panahon ay hindi karaniwang nauugnay sa kawalan, ngunit maaari itong maging isang indikasyon ng mga hormonal imbalances na maaaring makaapekto sa pagkamayabong. Kung sinusubukan mong magbuntis at nakakaranas ng mahinang regla o iba pang mga iregularidad sa regla, ipinapayong humingi ng medikal na payo para sa masusing pagsusuri.
4. May magagawa ba ako para maayos ang daloy ng aking regla?
Ang diskarte sa pamamahala ng mahinang daloy ng regla ay nakasalalay sa pinagbabatayan na dahilan. Kung ito ay dahil sa hormonal imbalances, maaaring magrekomenda ang isang healthcare provider ng hormone therapy o mga pagbabago sa pamumuhay. Ang pagkain ng balanseng diyeta, pagpapanatili ng isang malusog na timbang, at pagbabawas ng stress ay maaari ding makatulong na ayusin ang iyong menstrual cycle.
5. Kailan ako dapat magpatingin sa doktor tungkol sa mahinang daloy ng regla?
Magandang ideya na kumunsulta sa isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan kung nakakaranas ka ng biglaan at makabuluhang pagbabago sa iyong daloy ng regla, o kung pinaghihinalaan mo na ang isang pinagbabatayan na kondisyong medikal ay maaaring maging sanhi ng iyong mahinang regla. Bukod pa rito, kung sinusubukan mong magbuntis at may mga alalahanin tungkol sa pagkamayabong, ang paghingi ng medikal na payo ay mahalaga.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBasahin dito tungkol sa mga posibleng paraan para lumabas ang regla at dito tungkol sa malakas na regla.
What other parents are reading

- Shares
- Comments