-
Lakatan, Latundan, Señorita: Alin Nga Ba Bawal Kainin Kapag Gutom?
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Hindi mawawala sa hapag-kainan ng mga Pinoy ang saging. Bukod kasi sa madaling mabili, abot-kaya, at masarap, marami rin ang mga benepisyo ng saging. Kaya mainam na ipasa sa mga bata ang nakasanayang pag kain ng prutas na ito.
Mga kilalang uri ng saging
Ang saging (banana) ang prutas ng genus Musa mula sa Musaceae family ng flowering tropical plants. Katutubo itong pananim sa mga bansa sa Asia hanggang nakarating sa iba pang parte ng mundo at makikilala bilang isa sa “most important fruits crops.”
Maraming uri ang saging, at nahahati ito sa dalawang grupo. Ang una ay iyong karaniwang kinakain nang sariwa, at ang ikalawa naman, kadalasang niluluto muna at tinatawag na plantain.
Cavendish
Ang Cavendish ang uri ng saging na may kahabaan at kulay golden-yellow. Madalas itong makita sa supermarket na may brand name dahil pang-export quality. Katunayan, ito ang dahilan kung bakit isang “major producer of bananas” ang Pilipinas, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sabi pa ng DA, ang karamihan ng ani mula sa Cavendish ay dinadala sa ibang bansa bilang export product. Para naman sa domestic market ang iba pang local varieties.
Lakatan
Isa ang Lakatan sa mga paboritong uri ng saging. Halos kasing haba at laki ito ng Cavendish, pero mas malinamnam ang lasa at may halos orange na kulay. Tamang-tama ang creaminess nito para sa shake at smoothie.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWUnang nabanggit ang uri ng saging na ito bilang Musa paradisiaca Lacatan noong 19th century sa librong Flora de Filipinas ng Spanish botanist na si Francesco Manuel Blanco. Kalaunan, sabi ng mga eksperto sa Promusa, pinalitan ang spelling mula Lacatan sa ngayong ginagamit na Lakatan. Ito ay para maiwasan ang pagkalito sa American name para sa Cavendish na panamin, na kilala sa Pilipinas bilang Bungulan.
Latundan
May kaliitan ang Latundan at manipis ang balat nito kumpara sa Cavendish at Lakatan. Pero isa rin ito sa mga paboritong uri ng saging, lalo na bilang panghimagas. Ipinangalan ang Latundan sa French priest na si Claude Letondal, na siyang kinikilalang nagdala dito mula sa India.
Señorita
Isa ang Señorita sa pinakamaliit at pinakamatamis na uri ng saging. Pero humahabol na raw ito sa popularidad ng Lakatan at Latundan, lalo na sa mga parte ng Luzon. Sa bandang Mindanao naman, kilala ito sa pangalang Surigao, samantalang iba-iba ang tawag rito sa may Visayas. Isa sa mga ito ang “Cuarenta Dias."
Saba
Kilala ang saba sa Ilocos region bilang dippig at plantain sa labas ng bansa. Kadalasan itong nilalaga pang almusal o merienda. Puwede rin itong matamisin, haluan ng gatas at yelo bilang panghimagas na saba con hielo.
Pero mas patok ito sa mga lutuing banana cue (binubudburan ng brown sugar habang piniprito), turon (binabalot sa lumpia wrapper bago iprito) at maruya (sinasawsaw muna sa batter na arina bago iprito). Isa pang paborito ang banana chips.
Mga hatid na benepisyo ng saging
Noon pa mang early 20th century, binansagan ng "superfood” ang saging ng American Medical Association. Isa raw itong health food para sa mga bata at gamot para sa mga taong may celiac disease.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMayaman ang saging sa mga ganitong sustanya:
- Vitamin
- B6
- Fiber
- Potassium
- Magnesium
- Vitamin C
- Manganese
Ang isang medium ripe banana ay nagbibigay ng:
- 0 fat
- 110 calories
- 1 gram protein
- 28 grams carbohydrates
- 15 grams sugar
- 3 grams fiber
- 450 mg potassium
Maraming benepisyo ang makukuha sa regular na pagkain ng saging, ayon sa Harvard School of Public Health. Sang-ayon naman diyan ang mga researcher mula sa Brazil na naglabas ng academic paper noong 2019.
Kung may problema sa tiyan
Lahad ng mga Brazilian researcher, nalaman nila sa kanilang paga-aral na nakakatulong ang green banana products na maibsan ang mga sintomas ng gastrointestinal diseases. Ang mga bata raw kasi na lumahok sa research ay nakaramdam ng ginhawa mula sa diarrhea at constipation.
May taglay ang unripe o green banana na resistant starch, isang uri ng carbohydrate na nilalabanan ang digestion sa small intestine. Kaya matagal itong sinisipsip ng digestive system at naiiwasan ang biglang pagtaas ng blood sugar.
Gumaganap din ang starch bilang pagkain sa paglago ng beneficial microbes sa digestive tract na siya namang tumutulong sa pagpigil ng chronic diseases. Kabilang diyan ang ulcerative colitis, Crohn’s disease, at antibiotic-related diarrhea.
Kung may problema sa timbang
May positibong epekto ang saging sa mga lumahok sa research na may problema sa timbang. Nakaramdam daw sila ng pagkabusog mula sa saging, kaya dumalang ang kanilang pagkagutom at gumanda ang kanilang weight and body composition.
Kung may problema sa puso
Dahil mayaman sa potassium ang saging, malaking tulong ito sa may problema sa puso. Ang potassium kasi ang mineral at electrolyte na nagdadala ng signal mula sa nerve cells para tumibok nang tama ang puso at mag-contract ang muscles.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKailangan din ang potassium para mamintina ang malusog na balanse ng tubig sa cells ng katawan at makontra ang masamang epekto ng sobrang sodium. Kapag mataas kasi ang sodium, maaaring magresulta sa high blood pressure.
Pagdating naman sa sabi-sabing hindi dapat kumain ng saging kapag gutom o di kaya kapag gabi na, hati ang opinyon ng marami. Pero sabi ng mga eksperto, nangingibabaw pa rin ang benepisyo ng saging.
What other parents are reading

- Shares
- Comments