;
embed embed2
  • Ganglion Cyst Ang Tawag Sa Bukol Sa Kamay: Cancerous Ba Ito?

    Mga kababaihan ang kadalasang nagkakaroon ng ganglion cyst.
    by Jocelyn Valle .
Ganglion Cyst Ang Tawag Sa Bukol Sa Kamay: Cancerous Ba Ito?
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kung may napapansin kang bukol sa kamay, siguro magugulat ka. Pero bago kabahan at mabahala, mainam na alamin muna kung ano ito at magpatingin sa doktor kung kinakailangan.

    Ano ang bukol sa kamay?

    Ang bukol sa kamay ay tinatawag sa medical term na ganglion cyst. Bukod sa kamay, sumusulpot din ito sa may bandang pulso, malapit sa mga kasu-kasuan (joints) o di kaya sa mga litid (tendons). Maaari itong mailarawan bilang bukol, pamamaga, o di kaya umbok.

    Sinasabing common ang ganglion cyst, ayon sa Handcare information resource mula sa mga eksperto ng American Society for Surgery of the Hand. Madalas daw itong makita sa likod sa pulso, bandang gitna. Pero puwede rin daw masalat sa palad ng pulso (palm of the wrist), sa dulo ng daliri, o di kaya sa likod ng daliri.

    Sabi pa ng mga eksperto, maaaring may "clear, gel-like fluid" ang loob ng ganglion cyst. Para raw itong water balloon na nasa straw. Ang straw na ito ang konektado sa joint o di kaya tendon sheath. Ang joint at tendon sheaths ang gumagawa ng fluid., na siyang namang dahilan kung bakit lumalaki o lumiliit ang cyst.

    Cancerous ba ang bukol sa kamay?

    Ang ganglion cyst ang uri ng bukol na hindi cancerous at hindi kumakalat sa ibang parte ng katawan, sabi ng Handcare, pati na ng OrthoInfo, na mula naman sa mga eksperto ng American Academy of Orthopaedic Surgeons. Anila, kadalasang harmless ang ganglion cyst at puwedeng kusang mawala.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katunayan daw hindi kailangan ng gamot o treatment para sa bukol sa kamay. Ang problema lang kung sumasakit ito, nakakaabala sa pang-araw-araw na gawain, o di kaya masyadong pansinin ang itsura. Kaya may mga nagnanais ng ipagamot o ipatanggal ito.

    Mga posibleng sanhi ng bukol sa kamay

    Hindi pa natutukoy ang talagang dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganglion cyst, sabi ng mga eksperto. Pero may mga tinitignan silang mga posibleng sanhi, tulad ng:

    • Joint or tendon irritation
    • Arthritis
    • Mechanical changes
    • Injury

    Sabi pa ng mga eksperto, common ang ganglion cysts sa may edad 15 hanggang 40. Mas madami daw mga kababaihan kaysa mga kalalakihan ang merong bukol sa kamay. Malimit ring magkaroon ng ganglion cysts ang mga gymnast dahil sa stress na natatamo ng kanilang wrist.

    Iyon naman daw ganglion cyst na sumusulpot sa dulo ng daliri ay kilala bilang mucous cyst, at pangkaraniwan sa mga may rayuma (arthritis in the finger joint). Marami raw mga kababaihang may edad 40 hanggang 70 ang apektado nito.

    Mga paraan para magamot ang bukol sa kamay

    Kung nais mong makatiyak na ganglion cyst ang bukol sa kamay, pati na sa daliri at pulso, maaari kang komunsulta sa doktor. Tatanungin ka ng iyong medical history at mga sintomas, tulad ng pagkirot sa bukol. Pagkatapos, bibigyan ka ng physical examination at, kapag hindi pa rin sapat, maaaring sumailalim ka sa magnetic resonance imaging (MRI).

    Obserbasyon

    Oobserbahan na lang daw muna ang ganglion cyst dahil hindi naman nito cancerous at puwede namang mawala nang kusa. Kailangan lang bantayan kung may kakaibang pagbabago sa bukol.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pag-iwas na magalaw o mabunggo

    Kapag madalas nagagamit o nagagalaw ang parte ng kamay na ganglion cyst, kadalasan daw lumalaki ito o di kaya kumikirot. Kaya mainam daw na iwasan muna ang dagdagan ang stress sa bandang ito.

    Maaari rin daw magsuot ng wrist brace o di kaya splint para maibsan ang kirot at mabawasan ang laki nito. Kapag hindi na masyadong masakit, posibleng bigyan ka ng doktor ng exercises para sa kamay.

    Isailalim sa aspiration

    Kung talagang hindi mo makayanan ang kirot ng ganglion cyst, at nagiging abala na ito sa iyo, maaari kang sumailalim sa medical procedure na aspiration. Ito ang pagtanggal ng fluid mula sa cyst. Lalagyan muna na pampamanhid ang parte kung saan naroroon ang ganglion cyst, at saka ito tutusukin ng karayom para lumabas ang fluid.

    Pero sa ganyang paraan, paalala ng mga eksperto, kadalasang hindi natatanggal ang ganglion cyst dahil ang mismong joint o di kaya tendon sheath ay nandoon pa rin. Babalik at babalik daw ang bukol sa kamay.

    Operasyon

    Kung bumalik ang ganglion cyst kahit sumailalim na ito sa aspiration, maaaring irekomenda ng doktor na operahin ito. Tinatawag itong excision, na isang out-patient procedure. Tatanggalin nito ang cyst, pati na ang apektadong joint capsule o di kaya tendon sheath. Pero may tyansa pa rin daw sumulpot ang bukol sa kamay.

    Basahin dito para sa iba pang klase ng bukol.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles