;
embed embed2
Delikado Ba Ang Bukol Sa Likod? 7 Klase Na Dapat Mong Bantayan
PHOTO BY Shutterstock/Prostock-studio
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Maaaring tumubo ang bukol sa anumang parte ng ating katawan. Iba-iba rin ang hugis at anyo nito at maging ang sanhi ng pagtubo.

    Pero mahirap kapag nasa likod ang bukol. Maaari itong makasagabal sa paghiga, pag-upo, at paggamot kung ikaw ay mag-isa lamang.

    Bukod pa rito, mahalaga ang likod sa araw-araw nating pagkilos dahil ito ang sumusuporta sa ating pagtayo at paglalakad. Kung may bukol rito, maaaring maapektuhan din ang ating maayos na paggalaw.

    Kapag masakit ang bukol sa likod at lumalaki ito, may posibilidad na may kasama itong iba pang kondisyong medikal. Ilan sa mga bukol na maaaring tumubo sa likod ay tigyawat, cyst, pigsa, abscess o butlig na may nana.

    Mga bukol sa likod

    Hindi naman lahat ng bukol ay delikado lalo na kung naagapan ang paggamot ng mga sintomas na kasama nito gaya ng lagnat at kirot na mararamdaman. Samantala, ang mga bukol sa likod na sanhi ng lipoma at dermatofibroma ay walang mararamdamang sakit o kirot. 

    Pero delikado nga ba ang mga tumutubong bukol sa likod o may dapat bang ikabahala sakaling may makapa kang bukol sa likuran mo?

    Tigyawat

    Ang bukol sa likod na sanhi ng tigyawat o tinatawag na back acne ay resulta ng naipong dead skin cell at oil sa pores ng balat o di kaya'y pagtubo ng karaniwang bakterya sa balat. Kapag dumami ito at nagkaroon ng pamamaga, maaaring magdulot ng kirot at pagkairita.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makabubuting magpatingin sa dermatologist kapag nagkaroon ka ng pimple or acne outbreaks sa likod para malaman ang dahilan at mapigilan ang pagdami pa.

    Dermatofibroma

    Karaniwan ito na tumutubo sa balat. Kadalasan sa binti pero maaari ring sa ibang parte ng katawan gaya ng likod.

    Ito ay benign o hindi kanser. Kadalasan lumalabas ito sa mga matatanda at babae at madalang sa mga bata. Ang bukol na ito ay maliit, matigas, kakulay ng balat o minsan mamula.

    Mayroon itong nerves at blood vessel kaya maaaring magdugo kapag nagalusan o nasugatan. Hindi nawawala nang kusa ang bukol na ito pero kung nakasasagabal sa iyo, maaari kang matulungan ng doktor na maalis ito.

    Lipoma

    Pangkaraniwan ang bukol na ito na hindi nakakapinsala o hindi kanser. Kilala rin itong taba o “fatty tumor. Tumutubo ito sa pagitan ng layer ng muscle at balat.

    Palipat-lipat ito, mataba, at pabilog na laman na maaaring lumaki. Bagaman hindi nakapipinsalang bukol ang lipoma ay mahalagang ipasuri ito sa espesyalista para makatiyak.

    Pigsa

    Ang pigsa ay maaaring tumubo sa anumang bahagi ng katawan gaya sa likod. Magdudulot ng matinding kirot ang pigsa hanggang di lumalabas ang nana rito.

    Nagsisimula ito sa simpleng bukol na mamula-mula. Mainit kapag hinawakan ang bukol at matigas hanggang sa mahinog ito, mamaga at lumabas ang nana.

    May kasamang sintomas din ito ng lagnat. Nagpapahiwatig ito na may bacterial infection sa loob ng katawan. Mahalaga na magamot ito para hindi lumala ang kondisyon at kumalat pa ang bakterya.

    Matinding pamamaga ng balat (skin abscess)

    Isa itong impleksyon sa mas malalim na balat na kadalasang dulot ng bakterya at pagkakaroon ng impeksyon sa hair follicle. Ang bukol na ito na sanhi ng bacterial infection ay karaniwang nagtataglay ng nana o tubig.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tumutubo ito sa anumang parte ng katawan pero kadalasan sa likod, mukha, at dibdib. Hindi naman ito dapat ikabahala at nawawala rin ito nang kusa kahit walang paggamot.

    Ngunit kung makaapekto ang kirot na idudulot nito sa iyo, maaaring pahiran ng mga over-the-counter na cream o ointment na makatutulong ring mapabilis ang paggaling. Makabubuti ring lapatan din ng lunas ang ibang sintomas na kasama nito gaya ng pag-inom ng gamot kung may lagnat at pag-alis ng nana sa pamamagitan ng paglilinis nito.

    Seborrheic Keratoses

    Ito ay karaniwang tumutubo na bukol sa likod. Makapal ito na nakaumbok sa balat, mukhang makintab o magaspang, kulay brown o black. Hindi ito kanser at hindi nakakahawa kaya walang dapat ikabahala. Hindi kailangang gamutin pero kung hindi ka komportable at nakakairita sa iyo, maaari mong ipatanggal ito.

    Cyst

    Ang bukol na sanhi ng cyst ay maaaring maging kanser kaya dapat agad na ipatingin sa doktor, lalo na kung ang bukol ay hindi nawawala, pabalik-balik, matigas, lumalaki, at matindi ang nararansang kirot o sakit. Ang mga bukol naman na posibleng kanser ay malaki, matigas, hindi masakit pag hinawakan, at biglaan ang pagtubo. Lumalaki rin ang bukol na ito sa pagtagal o paglipas ng mga linggo at buwan.

    Paggamot sa bahay ng bukol

    Samantala, makatutulong ang paglalapat ng cold compress gayundin ng warm compress sa mga bukol para maibsan ang pamamaga at higit pang pag-umbok nito at makababawas din ng pagkabalisa sa iyo. Kapag ang iyong bukol sa likod ay lumiit at nawala rin agad ang kirot kapag nalapatan ng paunang lunas, malaking posibilidad na walang dapat ikabahala ang kondsyong ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero agad na magpatingin sa doktor para higit na makatiyak sa dahilan ng pagtubo ng bukol sa likod at malaman ang tamang gagawin mo para maibsan ang paglala ng sitwasyon.

    Sources: WebMD, Medical News Today

    Maaaring gamitin ang halamang gamot bilang alternatibong lunas sa bukol. Alamin dito ang mga halamang makatutulong sa'yo.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles