-
Getting Pregnant 8 Vitamins You Can Take To Increase Your Chances Of Conceiving
-
Real Parenting #ShareKoLang Mahirap Mag-Explain Pero Paano Namin Kinausap Ang Anak Namin Tungkol Sa Sex
-
Your Kid’s Health ‘He Was Just Sleeping’: Mom Recalls ‘Unexplained’ Death Of 18-Month-Old Toddler
-
News Want Your Child To Become An Animator? Netflix Is Offering Scholarships
-
Akala Mo Lang Tigyawat, Pero Baka Vaginal Cyst Na Pala
Kuwento sa amin ng isang reader, nakamot niya ito nang ilang beses, pero hindi niya inintindi.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY Shutterstock/Tutatamafilm
Ang mga bukol o lumps ay maaaring tumubo kahit saang parte ng katawan. Oo, maging sa pinakamaselang parte. Kailangan lang masuri ng doktor upang masiguro na hindi nakakasama o harmless, halimbawa, ang bukol sa pepe o vagina.
Kuwento ng isang SmartParenting.com.ph reader sa amin, nagsimula raw ang kanyang bukol sa isang tigyawat. Nakamot niya ito nang ilang beses, pero hindi niya inintindi. Pagdaan ng mga araw, napansin niyang nandoon pa rin ang tigyawat sa vagina niya. Iyon nga lang, tila bukol na ito.
Naalarma siya dahil lumalaki at tumitigas ang bukol. Kaya nagpatingin na siya sa kanyang doktor. Doon nalaman na cyst na pala ang inakala niyang tigyawat dati.
Sumailalim siya sa ilang test, at lumabas itong benign o nonmalignant cyst. Ibig sabihin, walang kaugnayan sa cancer. Gayonpaman, nagpa-opera siya para matanggal ang bukol sa bahagi ng vagina.
Uri ng vaginal cyst
May ilang uri ng vaginal cyst, ayon sa medical sources. May kani-kanila silang katangian at paraan ng paggamot. Kaya mainam na magpatingin kaagad sa doktor nang malaman ang tunay na kondisyon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWVaginal inclusion cyst
Pinakapangkaraniwang klase ang vaginal inclusion cyst, sabi ng Mount Sinai Health System. Maaaring nabuo ito mula sa injury na natamo ng vaginal walls sa panahon ng panganganak o pagkatapos maoperahan sa may puwerta.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosGartner duct cyst
Tumutubo ang Gartner duct cyst sa side walls ng vagina ng buntis habang nabubuo ang baby sa kanyang sinapupunan. Pero nawawala ang cyst pagkatapos manganak.
Kung sakaling hindi tuluyang nawala ang cyst at may natirang piraso, posibleng kumolekta ito ng fluid at maging vaginal wall cyst kalaunan.
Endometriosis
Sa pambihirang pagkakataon, maaaring mag-itsurang maliliit na cyst ang endometriosis. Ito ang body tissue na katulad ng makikita sa lining ng uterus na tumutubo sa labas ng uterus.
Cystoceles at rectoceles
Mga umbok ang cystoceles at rectoceles na tumutubo sa vaginal wall mula sa katabi nitong bladder o di kaya rectum. Nangyayari ito kapag ang muscles sa paligid ng vagina ay humina kadalasan dahil sa panganganak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi talaga cysts ang cystoceles at rectoceles, pero maaari silang maging katulad ng cystic masses sa vagina. Bukod sa pagkakaroon ng bukol, maaari silang magdulot ng pelvic pressure at magpahirap sa pag-ihi at pagdumi.
Bartholin’s cyst
Sa magkabilang lagusan ng puwerta, mayroong tinatawag na Bartholin’s glands. Gumagawa ang mga ito ng fluid para makatulong na parating lubricated at hindi tuyot ang vagina.
Kapag may bara sa bukana ng glands, hindi aagos ang fluid papunta sa vagina. Babalik ang fluid sa glands at mate-tengga hanggang magkaroon ng pamamaga dito.
Ang resulta: Bartholin’s cyst. Puwede ring Bartholin’s abcess kapag nagkaroon pa ng infection at may mamuong mga nana sa paligid ng namamagang tissue.
Wala raw paraan upang mapigilan ang pagtubo ng Bartholin’s cyst. Pero puwedeng maiwasan ang infection kung susundin ang safer sex practices at good hygiene habits.
Pagkatapos magamot ang Bartholin’s cyst, huwag makampante dahil posible raw bumalik ito. Sa kaso ng ibang uri ng cyst, maliit na ang tyansa na tumubo silang muli kapag naoperahan na ang pasyente at natanggal na ang bukol.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSintomas ng infected bukol sa pepe
Kapag maliit pa ang iyong cyst and hindi ito infected, sabi ng Mayo Clinic, malamang wala kang magiging problema pa. Pero habang lumalaki ng bukol, maaari kang makaramdam ng mga ganitong sintomas:
- Pananakit mula sa bukol malapit sa vaginal opening
- Discomfort sa tuwing naglalakad o kahit nakaupo lang
- Pagkirot kapag nakikipagtalik
- Pagkakaroon ng lagnat
Nakadepende ang treatment sa size ng cyst, kung gaano ito kasakit, at ang lawak ng infection. Maaaring resetahan ka ng doktor ng antibiotics para sa infection at turuan ng home treatment. Huwag na lang hintayin na lumalala ang kondisyon at sumailalim pa sa surgical drainage ng cyst.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network