;
embed embed2
  • 4 Senyales Na May Bulok Na Ngipin Sa Bagang: Puwede Pa Kayang Maisalba?

    May paliwanag ang dentista.
    by Jocelyn Valle .
4 Senyales Na May Bulok Na Ngipin Sa Bagang: Puwede Pa Kayang Maisalba?
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa ang pangangalaga ng ngipin sa mga unang tinuturo ng magulang sa anak sa pag-asang madadala ito sa paglaki. Kapag kasi malusog ang mga ngipin, hindi lang maayos ang pag-kain bagkus maganda pa ang ngiti. Kaya huwag hayaan na magkaroon ng, halimbawa, bulok na ngipin sa bagang, na maaaring magsimula ng malaking problema.

    Mga dapat malaman tungkol sa ngipin

    May iba-ibang laki at hugis ang mga ngipin, na may sari-sarili ring kinalalagyan sa gilagid (gums), ayon sa Mouth Health information resource ng American Dental Association (ADA). Ang mga pagkakaibang ito raw ang nagbibigay ng kakayahan sa mga ngipin na magtulungan para sa pagnguya, pagsasalita, at pagngiti. Tumutulong din ang mga ngipin para magkaroon ng porma ang mukha.

    Bago pa ipanganak, nagsisimula nang tumubo ang mga ngipin ng sanggol, ayon naman sa United Kingdom National Health Service (NHS). Pero lumalabas lang ang mga ngipin sa pagitan ng mga edad 6 months at 12 months, o 1 year old. Pagdating ng 3 years old, kadalasang kumpleto na ang 20 piraso ng mga ngipin na kung tawagin ay milk teeth o baby teeth.

    Pagtungtong naman ng bata sa pagitan ng 5 years old at 6 years old, magsisimula nang matanggal ang baby teeth para magbigay daan sa adult teeth, na permanente na. Ibig sabihin, hindi na mapapalitan ang mga ito sakaling matanggal. Kapag nagkaroon ng aberya sa pag-usbong ng adult teeth, maaring magkaroon ng problema tulad ng sungki na ngipin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dapat daw kasi natanggal na ang lahat ng baby teeth sa mga edad 12 hanggang 14 years old para makumpleto ang 32 na piraso ng adult teeth. May pahabol pang mula isa hanggang apat na karagdagang ngipin na kilala bilang wisdom tooth o teeth.

    May apat na uri ng ngipin:

    Incisors

    Ang mga ito ang apat na ngipin sa harapan (front teeth) sa itaas at ibaba ng gilagid. Ginagamit ang incisors sa pagkagat at pagputol ng pagkain.

    Canine teeth

    Matutulis ang mga ngipin na ito na makikita sa apat na kanto, kaya tinatawag silang mga pangil. Malaking tulong sila sa pagputol-putol ng pagkain para mas madali nang nguyain.

    Premolars

    Katabi ng canine teeth ang premolars, na tinatawag ding bicuspid teeth. Mayroong tig-apat na premolars sa itaas at sa ibaba ng gilagid. Mas malaki at mas malapad ang premolars sa canine teeth at incisors. Tungkulin nilang mapadali ang pagnguya ng pagkain.

    Molars

    May tig-anim na molars, na tinatawag ng mga Pinoy na bagang, sa itaas at ibaba ng gilagid. Nakapuwesto sila papunta sa sulok ng bibig. Diyan din humihilera ang wisdom teeth. Ang molars ang pinakamatigas na uri ng ngipin. Sila ang bahala sa pagnguya ng pagkain hanggang maging ligtas ang mga ito para lunukin.

    Paano kung may bulok na ngipin sa bagang?

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Evangeline de Guzman-Calimlim, isang dentista, sa panayam niya sa SmartParenting.com.ph. Aniya, "Ang mga bagang ay ang mga ngiping nasa panulukan ng gilagid na mas malaki kaysa sa mga nasa gitna at siyang ginagamit na pandurog ng kinakain. Ito ay kinabibilangan ng una, pangalawa at pangatlong bagang. Mayroong anim na bagang sa taas at anim na bagang rin sa baba."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag ng punong dentista sa Calimlim Dental Clinic sa Marikina City, masasabing mayroong sira ang bagang kapag ito ay:

    • Sumasakit
    • Nangingilo
    • May butas
    • Nangingitim

    Nangyayari ito, sabi ni Dr. Calimlim, sa mga ganitong dahilan:

    • Pagkapabaya ng kalinisan ng ngipin
    • Hindi pagsisipilyo nang regular
    • Pag-kain ng matatamis
    • Hindi pagbisita sa dentista

    Kadalasang nagsisimula ang pagkabulok ng ngipin sa butas o cavity. Resulta ang cavity ng pagiging pabaya sa pag-aalaga ng ngipin, gaya ng hindi pagtu-toothbrush pagkatapos kumain. Ang pagkain kasi ay may sugar at starch na siyang nagdadala ng bacteria sa bibig. Bacteria naman ang gumagawa ng acid na bumubutas at tuluyang sumisira sa ngipin.

    Kapag napinsala na ang ngipin at magkaroon ng tooth decay, nagsisimula na itong sumakit at nagiging malala pa habang lumalaki ang sira o butas dito. Lalong sumasakit ang ngipin kapag hinahawakan o nagagalaw at kapag kumakain o umiinom. May posibilidad pang mamaga ang panga, lagnatin, at makaramdam ng pagkapagod at pagkainitin ng ulo.

    Payo ni Dr. Calimlim na komunsulta sa dentista at ipagamot kaagad ang bulok na ngipin sa bagang. Sa pagkonsulta raw talaga malalaman kung kakailanganin na itong bunutin o kung  maisasalba pa ang ngipin. Isang paraan ng pagsalba ang pasta sa ngipin.

    Kung hindi pa makapunta sa dentista at sumasakit na ang ngipin, may mga paraan na puwedeng gawin paano mawala ang sakit ng ngipin. Puwede ring subukan ang mga halamang gamot sa sakit sa ngipin.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles