embed embed2
  • 5 Dahilan Kung Bakit Nagkakaroon Ng Butlig Sa Dila At Anong Dapat Gawin

    Posibleng sintomas ito ng scarlet fever rash.
    by Anna G. Miranda .
5 Dahilan Kung Bakit Nagkakaroon Ng Butlig Sa Dila At Anong Dapat Gawin
PHOTO BY freepik/cookie_studio
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang dila ay bahagi ng bibig na tinatawag ding oral cavity. Karaniwang isa rin ang dila sa mga unang tinitingnan ng mga doktor kapag nagpapa-check up ka. Makikita kasi rito ang kalagayan ng kalusugan ng isang tao.

    Kapag pulang-pula ang dila, halimbawa, nangangahulugan ito ng kakulangan sa bitamina o vitamin deficiency, ayon sa mga eksperto. Kapag glossy naman, o medyo makintab, kulang ka naman sa iron, na tinatawag na iron deficiency.

    Bukod sa kulay ng dila, mahalaga ring pansinin ang itsura o anyo nito. Dapat nga bang mabahala kung may mapansin kang butlig sa dila mo?

    Mga dapat malaman tungkol sa butlig sa dila

    Normal lamang ang pagkakaroon ng tongue spots o butlig sa dila, ayon sa Cleveland Clinic. Ang dila kasi natin ay puno ng papillae. Ang mga ito ay maliliit na umbok, o bumps, na tumutulong sa pagsasalita, pagnguya, at pagtukoy sa temperatura (ng pagkain, halimbawa.) Mayroong taste buds ang ibang papillae habang ang iba ay wala.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroong apat na uri ng papillae sa ating dila:

    1. Filiform

    Nasa unahan at gitna ito ng dila. Walang taste buds sa mga ito. Malasinulid din ang itsura at sinasabing ganitong uri ang pinakamarami sa dila.

    2. Fungiform

    Karamihan sa mga tao ay mayroong 200 hanggang 400 na fungiform papillae. Higit silang kapansin-pansin sa mga gilid at dulo ng dila. Nasa tatlo hanggang limang taste buds ang bawat isa sa mga ito.

    3. Foliate

    Matatagpuan ito sa magkabilang gilid sa likod ng dila. Mukha itong magaspang na tissue. Tinatayang nasa 20 foliate papillae ang mayroon sa isang tao at bawat isa ay mayroong daan-daang taste buds.

    4. Circumvallate

    Ang mga ito ang pinakamalaking uri ng papillae sa dila. Nakikita ito sa pinakalikod ng dila at mayroong nasa 250 taste buds.

    Samantala, tiyak na hindi ka komportable kapag mayroon kang butlig sa dila na hindi karaniwang naroon. Ito ay may ilang posibleng sanhi.

    Tumataas ang tyansang makaroon ng butlig sa dila dahil sa mga sumusunod na risk factors:

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    • Stress
    • Pagpupuyat o kakulangan sa tulog
    • Kakulangan sa masustansyang pagkain
    • Pag-kain ng maaasim at maaanghang
    • Paninigarilyo

    Kasama rin ang sumusunod na medical conditions sa maaaring maging sanhi ng butlig sa dila:

    • Allergies
    • Asthma
    • Eczema
    • Gastrointestinal disorders
    • Geographic tongue
    • Tongue cancer (hindi pangkaraniwan, o rare disease)

    Mga sanhi ng butlig sa dila

    Narito ang mga posibleng dahilan:

    Black hairy tongue

    Kulay itim, abo, o kulay tsokolateng patse-patse sa dila ang makikita. Nagmimistulang tumutubong buhok ito kaya't ganito ang naging pangalan. Nagsisimula ito sa isang maliit na butlig at lumalapad sa may itaas na bahagi ng dila.

    Pagkain o inuming acidic

    Maaaring makapagdulot ng iritasyon ang ilang mga pagkain at inuming acidic. Ito ang isa sa posibleng sanhi ng matitigas na butlig sa dila.

    Scarlet fever rash

    Ang scarlet fever rash naman ay kasimpula ng sunburn. Kasama rin sa sintomas nito ang tinatawag na strawberry tongue. Makikita rito ang puting coating na mayroong mga pulang butlig sa dila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan pa sa medical conditions na nakaaapekto sa dila ang mga sumusunod:

    Transient lingual papillitis o lie bumps

    Ito ang paglaki o pamamaga ng papillae (ang maliliit na projections sa dila). Karaniwang maliliit na pula o puting butlig ang mga ito.Tandaang kusa na lamang ding natatanggal ang lie bumps.

    Ito rin ay buildup ng dead skin cells na hindi natanggal. Maaaring ang kakulangan o kawalan ng maayos na oral habits, medikasyon o paggamit ng tobacco ang sanhi nito.

    Canker sores

    Uri ito ng mouth sore na hindi nakahahawa. Maaaring maging masakit ito at resulta din ng stress, acidic na pagkain, at minor injuries sa loob ng bibig. Ito rin ang tinatawag na singaw ng mga Pinoy.

    Paano ginagamot ang butlig sa dila?

    Madalas hindi naman kailangan ng gamot para sa butlig sa dila dahil kusa itong nawawala, ayon sa mga eksperto. Kung napakasakit naman nito at hindi ka na makakain, mas mainam kung magpapa-check up sa iyong dentista.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kabilang ang over-the-counter o prescription gels, ointments at rinses o pangmumog sa mga treatment na inirerekomenda ng mga doktor. Halimbawa, sa canker sores, maaaring mawala ito sa loob ng dalawang linggo.

    Paano maiiwasan ang butlig sa dila?

    Sa kaso ng scarlet fever, walang vaccine upang maiwasan ito. Malaking tulong ang pagpapanatili ng kalinisan sa katawan, o personal hygiene, lalo na ang paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat at hawahan ng group A strep bacteria.

    Iwasan na lamang din ang tongue irritation at maaanghang at maaasim na pagkain. Maaari ding gumamit din ng oral moisturizing products. Linisin din ang dila matapos magsepilyo. Tandaang ding makatutulong ang antimicrobial mouth rinse at tongue scrapers.

    Kailan dapat komunsulta sa doktor?

    Agad na magpakonsulta sa doktor o dentista kung labis na nakaaapekto sa pang-araw-araw mong gawain ang butlig sa dila, lalo na sa pag-kain. Bantayan din kung tatagal ito sa loob ng maraming linggo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga dentista ay higit ding makatutulong para matignan ang butlig sa dila dahil kabisado nila ang mga senyales at sintomas ng anomang karamdamang may kaugnayan sa bibig. Inirerekomendang bumisita rin sa iyong dentista dalawang beses sa isang taon para sa pagsusuri sa iyong mga ngipin at mapanatili itong maayos, malinis, at malusog.

    Basahin dito ang tungkol naman sa butlig sa mukha.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close