;
embed embed2
  • Kung Ang Simpleng Rashes Ay Di Gumagaling, Baka Chronic Spontaneous Urticaria Na Pala

    Bantayan kung higit 6 weeks na ang pangangati at pamamantal ng balat nang walang malinaw na dahilan.
    by Jocelyn Valle .
Kung Ang Simpleng Rashes Ay Di Gumagaling, Baka Chronic Spontaneous Urticaria Na Pala
PHOTO BY Shutterstock/Goffkein.pro
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    May ilang dahilan ang pangangati ng balat na may halong pamumula, lalo na kapag kinakamot. Pero kapag may mga butlig na sumusulpot, o di kaya pantal at paltos, malamang hindi na lang ito simpleng rashes. Puwedeng hives, na kilala sa medical term na urticaria, at kung tumatagal o dumadalas ito, baka maging chronic spontaneous urticaria.

    Ano ang chronic spontaneous urticaria?

    Masasabing nakakaranas ka ng chronic spontaneous urticaria (CSU) kung ang atake ng iyong hives ay tumatagal sa loob ng anim na linggo o higit pa, ayon sa Australian Society of Clinical Immunology and Allergy (ASCIA). Nangyayari rin daw ito nang mula tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo at walang maliwanag na dahilan o trigger.

    Sa pangkaraniwang hives o acute urticaria, tumatagal lamang ang rashes mula ilang oras hanggang isang linggo, at bihirang lumagpas pa. Kadalasang bunsod ito ng iba-ibang trigger, tulad ng partikular na pagkain at gamot. Kabilang din diyan ang sobrang lamig o di kaya init, kagat ng insekto, stress o anxiety, viral infections, at exercise.

    Tinatayang mula 40 hanggang 45 percent ng mayroong chronic spontaneous urticaria (CSU) ay may kinalaman ang autoimmunity, ayon sa artikulo na nailathala sa United States National Library of Medicine. Mas malala raw ang ganyang uri ng CSU at mas mahirap gamutin.

    Ilan naman sa kabuuang kaso ng CSU ay maaaring magkaroon ng angioedema, ayon sa ASCIA. Ito ang biglaang pamamaga ng iba-ibang parte ng katawan, gaya ng mga labi, kalukap ng mata, kamay, at paa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Diagnosis ng chronic spontaneous urticaria

    Payo ng mga eksperto na kung tumatagal ang atake ng hives ng anim na linggo o higit pa at walang trigger, kailangang komunsulta na sa doktor. Ang iyong doktor ang makakapagbigay ng diagnosis kung meron ka ngang CSU.

    Ito ang mga hakbang ng pagsusuri ng doktor:

    Review ng iyong medical history

    Malaking tulong kung meron kang diary, kung saan mo isusulat ang iyong obserbasyon at maaaring may kalakip na litrato. Magiging mas madali kasi para sa iyo na ipaliwanag ang iyong mga nararamdaman.

    Detalyadong physical examination

    Dito titignan ng doktor ang mga nararamdaman mong sintomas.

    Blood tests

    Kung suspetsa ng doktor na may CSU ka nga, sasabihan ka niyang sumailalim sa ilang blood test. Isasama lang ang allergy test kung may duda ang doktor na sangkot ang allergy.

    Treatment para sa chronic spontaneous urticaria

    Maraming kaso ng CSU ang gumagaling sa loob ng ilang linggo ng walang partikular na treatment. Layunin ng treatment na maibsan ang nangangati at pamamantal habang minimal lamang ang side effects.

    Non-drowsy antihistamines ang kadalasang nirereseta para maibsan ang pangangati, pero maaaring mas mataas na dosage ang kakailanganin. Pero kung malala ang kaso ng CSU at hindi na ito tinatablan ng mataas na dosage ng antihistamine, maaaring magbigay ang doktor ng mas specialized na treatment. Kabilang diyan ang mga sumusunod:

    Immune modulators

    Kadalasang ibinibigay ito sa paraang pagtuturok ng subcutaneous injections sa tissue sa pagitan ng balat at muscle.

    Immunosuppressive medications

    Maaaring gamitan ng corticosteroids ang treatment para sa mas malalang kaso ng CSU. Pero kailangan pag-usapan pa ninyo ng doktor ang pangmatagalang gamit ng gamot na ito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Malaking perwisyo ang dulot ng malalang sintomas ng CSU sa pang-araw-araw na buhay ng pasyente. Kaya kung hindi umuubra ang niresetang gamot, payo ng mga eksperto na komunsulta sa ispesyalistang clinical immunology o di kaya allergy specialitst. Baka kasi kailangan mo na ng mas masusi pang obserbasyon at gamutan para sa chronic spontaneous urticaria.

    Basahin dito ang tungkol sa isa pang autoimmune disease na vasculitis.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles