embed embed2
  • Bakit Hindi Kailangan Maging 'Brand Conscious' Sa COVID-19 Vaccine

    Layunin ng bakuna na makagawa ang immune system ng antibodies panlaban sa virus.
    by Jocelyn Valle .
Bakit Hindi Kailangan Maging 'Brand Conscious' Sa COVID-19 Vaccine
PHOTO BY Shutterstock
  • Para makamit ang layunin ng bakuna na makapagbigay ng proteksyon laban sa COVID-19 virus, ang mga kumpanyang nasa likod nito ay gumagamit ng iba-ibang technology.

    Ang lahat ng mga ito, ayon kay Dr. Anna Ong-Lim, may kanya-kanyang paraan para makagawa ang immune system ng antibodies sa katawan na lalaban sa sandaling makapasok ang coronavirus sa sistema.

    Si Dr. Ong-Lim ay isang pediatric infectious disease specialist. Siya ang chief ng Infectious and Tropical Disease (Pediatrics) ng UP Philippine General Hospital. Naging guest speaker siya sa Sandwich Sessions na inorganisa ng Summit Media para sa mga writers at editors nito (kabilang ang SmartParenting.com.ph) kamakailan.

    Kabilang sa kanyang talk ang paliwanag tungkol sa apat na technology na bumuo sa mga bakunang ginagamit na ngayon nang malawakan sa maraming bansa, tulad ng Pilipinas.

    “Whole Virus” vaccine

    Ang paggamit ng whole virus para makabuo ng vaccine ay isa nang matagal na technology. Halimbawa nito ang para sa flu, hepatitis, chickenpox, at measles. Naglalagay ng inactivated o weakened version ng virus sa vaccine, at kapag itinurok ito sa pasyente, makakagawa ang immune system niya ng antibodies.

    Ganyan din ang kaso sa COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese brands na Sinovac at Sinopharm.

    Protein sub-unit vaccine

    Hindi na rin bagong technology ang protein sub-unit vaccine. Sa ganyang paraan nabuo ang mga vaccine para sa cervical cancer, at ilang uri ng hepatitis at flu.

    Sa kaso ng COVID-19 vaccine, ang protein ay mula sa spike protein na itsurang mga pako (nails) na nakapalibot sa virus. Para raw susi ang spike protein dahil sakto ang lapat nito sa ibabaw (surface) ng cell na kilala bilang ACE2 receptor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May ilang piraso ng spike protein, imbes na buong virus, ang nilalagay sa ganitong COVID-19 vaccine. Kapag naiturok ito sa pasyente, gagawa pa rin ang kanyang immune system ng antibodies para panlaban sakaling makapasok ang totoong virus sa sistema.

    Ito ang technology na ginamit sa pagbuo ng Novavax, isang U.S. brand na nakatakdang dumating sa Pilipinas sa third quarter ng taong 2021.

    mRNA vaccine

    Maituturing na new technology ang pagbuo sa messenger ribonucleic acid (mRNA) vaccine. Dito, synthetic version lang ng virus — gamit ang COVID-19 genetic code o instruction material — ang kailangan para makagawa ng spike protein na siyang ituturok sa sistema ng katawan.

    Kapag nakapasok ang mRNA sa cell ng katawan, nagagawa nitong ipabasa sa cell ang COVID-19 genetic code o instruction material para makagawa ng spike protein. Sasagot naman ang immune system sa pamamagitan ng paggawa ng antibodies at specialized T-cells bilang panlaban sa sandaling dumating ang totoong COVID-19 virus.

    Ang ganitong technology ang gamit sa pagbuo ng U.S. brands na Pfizer at Moderna.

    Viral vector vaccine

    Sa pagbuo ng viral vector vaccine, na ginamit na noon laban sa Ebola virus, kailangan ng isang harmless virus bilang vector o carrier ng genetic code. Sa kaso ng COVID-19 vaccine ngayon, ang vector ay naglalaman ng instruction material nito.

    Kapag naiturok ang bakuna sa pasyente, sasabihan ng code ang cells ng kanyang katawan na gumagawa ng COVID-19 spike protein, at saka naman sasagot ang immune system. Gagawa ito ng antibodies na handang lalaban sa sandaling nagkaroon ng exposure sa totoong virus.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa ganyang klase ng technology nabuo ang brands na AstraZeneca (British-Swedish), Gamaleya Sputnik (Russian), at Janssen-Johnson & Johnson (U.S.)

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles