pills,sp forum,Tagalog,birth control pills,contraceptives,con-00062,greener,epekto ng paghinto ng paggamit ng pills,updated,scr23,r08-judy,Epekto Ng Paghinto Sa Paggamit Ng Pills | Smart Parenting,the pill, pills, contraceptive, contraception, birth control, birth control pills, Epekto Ng Paghinto Sa Paggamit Ng Pills,Iba’t iba ang epekto ng paghinto sa paggamit ng birth control pills. Alamin kung ano ang aasahan kapag ititigil mo ito.
HealthYour Health

Mabubuntis Ka Ba Agad Kapag Tumigil Sa Birth Control Pills?

May iba nagsasabi na kapag nasa pill sila, nababawasan ang kanilang timbang.
PHOTO BYbelchonock/iStock

Updated as of November 30, 2023

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Mahalagang magbasa, kumunsulta sa doktor, at magtanong sa mga eksperto lalo na kung tungkol sa ating reproductive system. Popular na paksang kaugnay nito ang contraceptives.

Isa ang hormonal birth control pills sa mabisang mga paraan upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis. Pero tandaan na hindi ito 100% guarantee na hindi ka mabubuntis.

Sa isandaang gumagamit ng pills, siyam ang nabubuntis rin kada taon, ayon sa Planned Parenthood sa U.S. Mayroong mga pasyente na nabubuntis kahit uminom ng pills dahil nakaliligtaan nila ang kanilang schedule.

Hindi lang sa pag-delay ng pregnancy ang pills. Nakatutulong ito sa pag-regulate ng menstrual cycle. Naiibsan din nito ang hormonal acne, dysmenorrhea, at heavy bleeding. Bahagi rin ito ng treatment plan para sa mga dumaranas ng polycystic ovary syndrome (PCOS) at endometriosis

Walang maituturing na “best pill.” Para sa mga doktor, individualized dapat at batay sa pangangailangan ng bawat babae ang kanilang ibinibigay sa mga pasyente. Kung mayroong mga babaeng nagsisimula pa lang, nariyan din ang mga nagpapasyang tumigil sa paggamit nito.

Ano ang epekto ng paghinto sa paggamit ng pills?

“Keep in mind that the pill is a type of hormonal medication,” paliwanag ni ob-gyn Salena Zanotti, MD ng Cleveland Clinic. “Every woman reacts differently to going on the pill and then coming off it. Some women may notice huge changes, while others notice little difference.”

May ibang nagsasabi na kapag nasa pill sila, nababawasan ang kanilang timbang pero meron din ang na weight gain ang nangyayari. Meron din ibang hair loss o nalalagas na buhok ang naging issue o kaya naman madalas na pagkahilo at chronic fatigue

Narito pa ang ilang epekto ng paghinto sa paggamit ng pills.

watch now

Ovulation

Sa loob lamang ng ilang araw pagkatapos mong ihinto ang pills, magsisimula kang mag-ovulate at tataas ang pagkakataong mabuntis agad.

“If you are taking birth control pills, most patients will get pregnant as soon as they stop using it,” paliwanag ni Dr. Jennifer Co, isang ob-gyn at infectious disease specialist. “But it depends din sa individual using it. ‘Di pare-pareho.”

PMS (Premenstrual Syndrome) symptoms

Karamihan sa mga nireresetahan ng pills ay dahil sa PMS. Kung ititigil ito, asahang babalik din ang mga sintomas tulad ng mahapding puson o mas matinding cramps, acne, mood swings, at mas malakas na daloy ng dugo kapag darating na ang dalaw.

Pagbabago sa interval ng period

Kung regular ang dalaw noong may pills pa, magbabago ang schedule nito. Kapansin-pansin ding magiging mas malakas at matagal ang iyong period kumpara sa noong umiinom ka ng pills.

Muling pagsigla ng sex drive o libido

Ang pills ay sanhi rin ng vaginal dryness. Isa sa mga reklamo ng mga umiinom ng pills ang pagtamlay ng kanilang libido. Kapag itinigil na ang pag-inom ng pills, babalik at mas mapabubuti ang sex drive ng isang babae.

Pagbalik ng suso sa orihinal na laki nito

Dahil sa progesterone at estrogen components ng pills, lumalaki ang mga suso ng babae pero pansamantala lang naman. Posible ang pagliit ng mga suso sa oras na ihihinto ang pag-inom ng pills. Babalik ito sa orihinal nitong laki.

Pagbagsak ng Vitamin D levels

Kakailanganing kumonsulta sa doktor upang malaman ang mga alternatibong paraan upang maging sapat ang Vitamin D sa katawan.

Ano ang epekto sa emosyon ng paghinto sa paggamit ng pills?

Sa pagtigil sa pag-inom ng birth control pills, maaaring magkaruon ng mga pagbabago sa damdamin at emosyon. May mga kababaihan na nakakaranas ng malaking pagbabago, habang mayroon namang hindi gaanong napapansin ang pagkakaiba.

Mahalaga ang pagpaplano ng mga paraan kung paano haharapin ang mga pagbabago sa mood at emosyon. Maaaring subukan ang iba't ibang estratehiya tulad ng regular na ehersisyo, tamang nutrisyon, at pagtulog.

Isang mahalagang hakbang ay ang pag-usap nang bukas sa iyong healthcare provider ukol sa iyong kalusugan ng pag-iisip. Ang kanilang suporta at gabay ay maaaring makatulong sa pagtutok sa pangangailangan mo.

Frequently asked questions ukol sa paggamit ng pills

1. Paano ako pipili ng angkop na contraceptive para sa akin?

Sa pagpili ng tamang paraan ng pagpaplano ng pamilya, mahalaga ang pag-alam kung alin sa mga contraceptive methods ang angkop sa iyong pangangailangan. Narito ang ilang mga factors na maaaring isaalang-alang:

Kalusugan ng iyong reproductive system. Dapat mong suriin ang iyong kalusugan ng reproductive system at siguruhing ang paraan ng pagpaplano ng pamilya ay hindi magdudulot ng anumang komplikasyon.

Personal na kaugalian at preference. Alamin ang iyong personal na kaugalian at kung alin sa mga non-hormonal na paraan ang iyong mas pinipili o mas komportable gamitin.

Kalidad ng relasyon at komunikasyon sa partner. Ang pagpaplano ng pamilya ay isang desisyon na dapat kasama ang iyong partner. Siguruhin na bukas ang komunikasyon at pareho kayong komportable sa napiling paraan.

2. Maaari bang magkaruon ng problema sa fertility pagkatapos itigil ang paggamit ng birth control pills?

Ang paghinto sa pag-inom ng birth control pills ay maaaring magkaroon ng epekto sa fertility ng isang babae.

Mahalaga ang pag-monitor ng iyong menstrual cycle pagkatapos itigil ang pag-inom ng birth control pills upang masubaybayan ang iyong fertility. Maaaring magkaroon din ng pagkakaiba-iba sa katawan ang bawat babae pagkatapos itigil ang pag-inom ng birth control pills. Ito ay normal, ngunit dapat pa ring ma-monitor. Kung may mga agam-agam o tanong ka ukol sa iyong fertility pagkatapos itigil ang birth control, mahalaga ang konsultahin ang iyong doktor para sa tamang payo.

3. Ano ang mga dapat baguhin sa pamumuhay kung titigil sa pag-inom ng pills?

Sa pagtigil sa pag-inom ng birth control pills, maaring mangailangan ng ilang pagbabago sa pamumuhay upang mapanatili ang hormonal balance at recovery. Ang pagkakaroon ng balanced diet at regular na ehersisyo ay makakatulong sa pag-aayos ng hormonal balance.

Ang sapat na pahinga at tulog rin ay mahalaga sa pangangalaga ng hormonal balance.

Mga paalala kung hihinto sa paggamit ng pills

Ang pagsisimula at pagtigil sa paggamit ng alinmang hormone-based contraceptive ay mayroong impact sa reproductive system. Kung hihinto na sa paggamit ng pills, mawawala ang proteksyon laban sa unwanted pregnancy.

Mayroong ibang alternatibong pamamaraang maaaring subukan. Track your cycle, payo rin ng mga eksperto. May ovulation calendar si SmartParenting.com.ph na magagamit  para dito.

Kailangang magsaliksik nang mabuti at kumunsulta sa doktor kung mananatili kang sexually active ngunit wala pang planong magkaanak.

Kung tumigil ka na sa paggamit ng pills at hindi pa ka pa dinadatnan makalipas ang tatlong buwan, mainam kung makapag-set ka na ng appointment sa iyong doktor. Responsibilidad natin ang ating kalusugan, na siya rin nating kayamanan.

Basahin dito para sa karagdagang paliwanag tungkol sa naidudulot ng paggamit ng pill. Mababasa dito ang mga karanasan ng mga nanay sa paggamit ng birth control pills. Mayroon ding reviews sa iba’t ibang brands ng pills na available sa Pilipinas.

Basahin dito ang iba pang pagbabago sa katawan pag huminto sa paggamit ng pills.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close