Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Experts Say: Masama Sa Kalusugan Ang Mga Taong Mareklamo

    Malaki ang epekto ng mga chronic complainers sa isip at kalusugan.
    by Ana Gonzales .
Experts Say: Masama Sa Kalusugan Ang Mga Taong Mareklamo
PHOTO BY iStock
  • Bahagi na talaga ng buhay natin ang pagrereklamo. Lahat tayo ay may kani-kaniyang mga hinaing sa buhay dahil mayroon at mayroong mga pagkakataong hindi aayon sa mga plano natin ang mga bagay na nararanasan natin. Mahirap ding iwasang magreklamo, lalo na kung sunod-sunod ang nararanasan mong hamon sa buhay.

    Ayon sa isang pag-aaral, kung madalas kang magreklamo, o di naman kaya ay napapaligiran ka ng mga taong walang ginawa kundi magreklamo, nagkakaroon ito ng negatibong epekto sa iyong pag-iisip. Sabi pa ni Jon Gordon, ang manunulat sa likod librong The No Complaining Rule, maihahalintulad ang epekto ng chronic complainers sa epektong makukuha mo sa secondhand smoke.

    More from Smart Parenting

    Sa website na Psych2Go, idinetalye nila kung paanong nire-rewire ng walang tigil na pagrereklamo ang utak ng tao para maging mas negatibo. Ayon pa sa kanila, kapag paulit-ulit ang negatibong thoughts sa iyong utak, nagiging pattern na ito sa isip mo na kalaunan ay magiging isang masamang habit o ugali.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi naman ng mga dalubhasa mula sa Stanford University, lumiliit daw ang hippocampus sa utak ng isang taong mahilig magreklamo o napapaligiran ng mga taong lagging nagrereklamo. Ang hippocampus ang bahagi ng utak na nakatalaga para sa problem solving at cognitive functions. Bukod pa dito napag alaman din ng mga eksperto na ang paulit-ulit na pagrereklamo ay naghuhudyat sa utak na magrelease ng stress hormones na kung tawagin ay cortisol. Ibig sabihin, sa halip na gumaan ang pakiramdam mo o ng ibang tao dahil sa pagrereklamo, mas nagiging mabigat pa ito.

    More from Smart Parenting

    Ang mataas na cortisol levels din ay maaaring magdulot ng high blood pressure, high blood sugar, at mahinang immunity. Maaari ring humantong sa obesity, diabetes, at cardiovascular diseases ang masyadong pagrereklamo.

    Hindi lang pansarili mong kalusugan ang nakokompromiso kapag madalas kang magreklamo, pati ang kabutihan ng kalusugan ng mga tao sa paligid mo ay apektado rin.

    Kung ikaw ay madalas na exposed sa toxic environment kung saan napapaligiran ka ng mga taong palaging nagrereklamo, mayroon ka pa rin namang maaaring gawin para maiwasan ang mga negatibong epekto nito sa iyong kalusugan. Kung alam mo naman sa sarili mo na ikaw ang tipo ng tao na walang tigil sa pagrereklamo, kailangan mong i-reevaluate ang iyong ugali at choices.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Isa sa mga maaari mong gawin ay i-develop ang tinatawag na “attitude of gratitude”. Kung ang pagrereklamo ay lason, ang pagiging mapagpasalamat naman ang gamot. Ayon sa mga pag-aaral, maaaring bumaba ng hanggang 23% ang cortisol level sa iyong katawan kung sasanayin mo ang sarili mo na tumingin sa mga bagay na pwede mong ipagpasalamat kaysa sa mga bagay na dapat mong ireklamo. Ayon pa sa mga eksperto, kapag pinili mong maging grateful, mapapansin mo ang pagbaba ng iyong blood pressure at cholesterol. Makikita mo ring nababawasan ang nararamdaman mong fatigue at mga senyales ng depression.

    Ayon naman sa New York Times, pwedeng-pwede ka namang magreklamo, PERO, mas maganda kung sasamahan mo ito ng solusyon. Halimbawa, sa halip na magreklamo ka sa haba ng oras mo sa trabaho, tanungin moa ng sarili mo kung mayroon ba itong solusyon. Hindi ba maganda ang iyong time management skills? Masyado bang maraming pinapagawa sa iyo? Dapat ka na bang lumipat ng trabaho?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Napapaligiran ka ba ng mga kapwa mo nanay na lagi ring nagrereklamo sa kanilang mga buhay? Naging bahagi na ba ng kwentuhan ninyo ang pagpapalitan ng mga reklamo sa buhay? Sabi nga ni Rabbi Jay Kelman, isang Jewish educator sa Toronto, kung magrereklamo ka, dapat ay may kaakibat na action o solusyon. Ganyan din ang sinabi ng English professor sa Carnegie-Mellon University na si Joanna Wolfe. Ayon sa kanya, may nakapagsabi sa kanya dati ng isang magandang solusyon sa pagiging chronic complainer: "Don’t just sit there and admire the problem. Complain in a way to move toward a solution."

    Hindi rin naman maganda na hindi ka na magreklamo. Ang pagrereklamo rin kasi ay isang tanda ng pagiging concerned mo, lalo na pagdating sa trabaho o hindi naman kaya ay sa mga social issues. Ngunit kung ito na lang ang ginagawa mo sa araw-araw ng walang iniisip na solusyon, hindi na ito makakabuti, bagkus, mas magsisimula pa ito ng problema.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Naramdaman mo na ba ang masamang epekto ng paulit-ulit at walang tigil na pagrereklamo? Pwede mo itong i-discuss kasama ang iba pang members ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Maaari ka ring makahanap doon ng mga positive thinking nanay na maaaring makatulong sa iyo kung napapansin mong medyo nagiging negatibo na ang iyong buhay.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles