-
Bakit Hindi Lahat Ng Ospital Ay Mayroong COVID-19 Testing?
by Lei Dimarucut-Sison .
- Shares
- Comments

Sa panahong ito na mabigat ang banta ng coronavirus sa ating bansa, lahat ng pag-iingat ay ating ginagawa para makaiwas sa sakit. Nandiyan ang madalas na paghuhugas ng kamay, pagkain nang tama, regular na pag-ehersisyo, at ang pag-iwas sa mataong lugar. Ang paggamit ng mga disinfectant na ito na nakakapatay ng coronavirus ay mabuti ring ugaliin.
Gayunpaman, hindi garantiya ang mga ito na hindi tayo tatamaan ng sakit. Kung sakaling makaramdam tayo ng sintomas ng COVID-19, ano nga ba ang mga dapat nating malaman tungkol sa pagpapa-test at pag-diagnose nito?
Ang sumusunod ay hango sa impormasyong galing sa Department of Health (DOH):
Paano masasabing ang isang tao ay may sakit nga na COVID-19?
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay lagnat, ubo, sipon, at kahirapan sa paghinga.
Kapag nakaramdam ng mga ito, kailangang sumailalim sa COVID-19 test para malaman kung siya nga ay mayroong coronavirus. Kapag nag-positibo ang test, may COVID-19 nga ang pasyente.
What other parents are reading
Magkano ang test kits ng COVID-19?
Ayon sa DOH, ang halaga ng test ay depende sa ospital.
Php 5,000 hanggang Php 8,000 ang presyo kung sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa ka magpapa-test.
Nasa Php 1,200 hanggang Php 1,500 naman daw ang halaga ng test gamit ang kits na galing UP, pero magbabayad ka pa rin ng karagdagang Php 1,500 hanggang Php 2,000 fee para sa extraction [o pagkuha ng sample]. Samakatuwid, ang kabuuang halaga ng testing gamit ang kits mula UP ay nasa Php 2,700 hanggang Php 3,500 kada test.
Bakit hindi lahat ng ospital ay mayroong COVID-19 testing?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa DOH, para maisagawa ang testing ng COVID-19, mangangailangan ang ospital ng ilang kagamitan gaya ng Real-time PCR machine at Biosafety Level 2 cabinets, na nagkakahalaga ng ilang milyong-piso. Kailangan din ng mga med-tech na may karagdagang pagsasanay na mangangasiwa nito.
Paano ginagawa ang COVID-19 testing?
Kukuhanan ng specimen ang taong nagpapa-test sa pamamagitan ng pagpahid ng swab sa loob ng ilong at isa pang swab sa lalamunan.
Ipapasok ang swab sa isang lalagyan o transport medium para proteksyon bago ito dalhin sa lugar kung saan gagawin ang pagsusuri.
What other parents are reading
Gaano katagal ginagawa ang isang test?
Kapag natanggap na ng laboratory ang specimen, ang pagsusuri mismo ay aabutin ng 3 hanggang 6 na oras. Ang pagbe-beripika (verify) ng mga resulta ay kakain din ng panahon.
Gaano katagal bago makuha ang resulta ng test?
Karaniwang nasa 24 hanggang 48 na oras ang bibilangin bago makuha ang resulta ng test. Kung madami ang nagpapatingin, maaring mas matagal pa ito aabutin.
Bakit kailangan pang dalhin sa laboratory ang mga sample? Wala bang home test lang?
Gumagamit ng maselan at mamahaling makina para suriin ang specimen. Gayundin, kailangan itong gawin sa isang lugar na ligtas para hindi makahawa.
May mga test kits daw na na-develop na sa Pilipinas. Bakit hindi na lang ito ibenta sa botika para magamit ng mga tao?
Sa kasalukuyan ay nasa validation stage pa lang ang mga ito. Kailangan pang suriin para siguruhin na tugma ang resulta ng test kit sa mga standard tests.
Hindi rin ito ibebenta sa botika dahil kailangan ng specialized na laboratory para gawin ang test.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Gayunpaman, noong March 11, 2020, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na libre ang pagpapakuha ng test para sa COVID-19.
Ang bawat miyembro daw ng Philippine Health Insurance Corporation, (Philhealth) ay maaring maka-avail ng health package na Php 14,000. Ang isang miyembrong may moderate penumonia ay maaring makakuha ng Philhealth privileges hanggang Php 16,000, samantalang kapag severe pneumonia na ay maari itong tumaas hanggang Php 32,000.
Ang isang pasyenteng nag-positibo sa COVID-19 ay kailangang i-test muli ng dalawang beses (at mag-negative sa pareho) bago masabing ito ay gumaling na at maari nang i-discharge mula sa ospital.
What other parents are reading

- Shares
- Comments