embed embed2
Balak Magbuntis O Hindi, Iwasan Ang Folic Acid Deficiency: 5 Sintomas Na Dapat Bantayan
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Itinuturing ang anemia bilang seryosong global public health problem na nakaaapekto sa mga baby, sa mga batang edad lima pababa, at kababaihan. Mahigit sa 40 porsyento ng mga buntis sa buong mundo ang anaemic, ayon sa datos ng World Health Organization (WHO). Ang isa sa mga sanhi ng anemia ay folic acid deficiency, at may tinatawag ding folate-deficiency anemia.

    Kadalasang nakakaranas ng ganitong mga sintomas kapag may folate-deficiency anemia:

    • Pagtatae
    • Pamumutla
    • Pagiging iritable
    • Kawalan ng gana sa pagkain
    • Panghihina at mabilis mapagod

    Kapag hindi sapat ang red blood cells, hindi nakapagdadala ng sapat na oxygen sa tissues at organs. Kapag hindi sapat ang oxygen, talagang apektado ang lagay ng katawan.

    Nakapagdudulot din ng megaloblastic anemia ang low levels ng folic acid. Sa ganitong uri ng kondisyon, mas malaki kaysa karaniwan ang red blood cells. Mas kakaunti ang mga ito, oval-shaped, at kung minsan hindi tumatagal kumpara sa normal red blood cells.

    Ang mga sintomas ng folate-deficiency anemia ay maaaring kagaya ng sintomas ng ibang blood conditions o health problems. Mainam kung kokonsulta sa doktor upang makakuha ng wastong diagnosis. Kung digestive tract problem din ang sanhi ng anemia, kailangan muna itong pagtuunan ng pansin ng iyong doktor.

    Folate at folic acid

    Ang salitang folate ay mula sa Latin ng dahon o leaf. Pagdating sa usaping katawan at kalusugan, ang folate ay likas na natatagpuan sa pagkain, partikular sa dark, green leafy vegetables.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano nagiging magkaiba ang folate at folic acid?

    Ang folate ang tawag sa grupo ng iba-ibang anyo ng vitamin B9, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Kabilang sa grupo na ito ang folic acid, dihydrofolate (DHF), tetrahydrofolate (THF), at iba pa.

    Hindi mahahanap ang folate sa natural food sources. Dahil water-soluble at synthetic B vitamin form ito, ang folic acid ang ginagamit sa vitamin supplements at idinaragdag sa fortified foods. Mas mabilis din itong naa-absorb ng katawan kaysa sa natural food folate.

    Ang folate at folic acid ay nakatutulong sa pagbuo ng bagong red blood cells na nagdadala ng oxygen sa lahat ng bahagi ng katawan. Para sa mga babae, higit na mahalaga ang mga ito sa panahon ng pagbubuntis.

    Kahalagahan ng folic acid sa pagbubuntis

    Pitumpung taon na rin ang nakalipas mula noong matuklasan ng mga mananaliksik ang kahalagan ng folate sa pag-iwas sa anemia ngunit nitong nakaraang mga taon lamang nadiskubre ang epekto ng folic acid deficiency sa ilang birth defects.

    Natuklasan sa mga paga-aral na nakatutulong ang folic acid sa pagprotekta sa unborn babies laban sa seryosong birth defects na kung tawagin ay neural tube defects (NTDs).

    Ang neural tube ay flat sa umpisa at nagiging tube isang buwan matapos ang conception. Ito ang nagiging utak at spinal cord. Kung hindi sapat ang folic acid, ang cells sa structure na ito ay hindi gagana nang maayos at hindi lalaki kung kaya't hindi masasara ang tube. Dahil dito, apektado ang spine, skull, at utak at maaaring magkaroon ng open o closed abnormalities.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nangyayari ang neural tube defects sa mga unang linggo ng pagbubuntis, madalas bago pa malaman ng isang babae na siya ay nagdadalantao. Ang karaniwang mga uri ng NTDs ay nakaaapekto sa utak (anencephaly) at sa spine (spina bifida) ng baby kapag kulang sa folic acid ang katawan ng ina habang ipinagbubuntis ito.

    Nangyayari ang spina bifida kapag ang spinal column ng unborn baby ay hindi lubos na nasasara habang nabubuo sa sinapupunan ng kanyang ina. Nagiging exposed tuloy ang spinal column at ang nerves na nagkokontrol sa mga binti at iba pang organs ay hindi gumagana.

    Ang mga batang mayroong spina bifida ay kadalasang nagkakaroon ng lifelong disabilities. Maaari ding mangailangan ng surgeries. Malaking bahagi o buong utak at bungo (skull) naman ang hindi nabuo sa sinapupunan kapag may anencephaly ang unborn baby o ang kasisilang pa lamang na sanggol.

    Sa ganitong pagkakataon, ang mga pagbubuntis na apektado ng ganitong condition ay nauuwi sa miscarriages, o di kaya agad na namamatay ang bagong silang na mga sanggol.

    Iba pang sanhi ng folic acid deficiency:

    • Memory loss at disorientation
    • Pagtaas ng homocysteine levels (amino acid sa dugo)

    May mga pag-aaral na nagpapakitang ang elevated homocysteine levels ay nakapagpapataas din sa risk ng cardiovascular disease.

    Anong gagawin kapag may folic acid deficiency?

    Upang maiwasan ang anemia at iba pang medical conditions na dulot ng FAD, inirekomenda ng US Public Health Service noong 1992 sa mga babaeng dumanas na ng NTDs ang pagkonsulta sa doktor tungkol sa folic acid na dapat nakukuha ng katawan isang buwan bago ang conception. Magpapatuloy rin ang folic acid intake hanggang sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis (first trimester).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Taong 1998 noong inirekomenda ng Institute of Medicine (IOM) sa kababaihang may kakayahang magbuntis ang pag-inom ng 400 micrograms ng synthetic folic acid araw-araw. Nakukuha ito mula sa fortified foods o supplements o kombinasyon ng dalawang nabanggit, dagdag pa sa iba't ibang pagkaing may folate.

    Maaaring makakuha ng folic acid mula sa sumusunod:

    • Vitamin supplement
    • Fortified foods (tinapay, pasta, cereals)
    • Mga gulay, tulad ng spinach, broccoli (5 cups)
    • Mga prutas (orange, saging)
    • Yeast, flours
    • Cornmeal
    • White rice
    • Karne (kasama ang atay)

    Ang ibang breakfast cereals ay mayroong 100% ng recommended daily value o 400 micrograms ng folic acid sa bawat serving.

    Katulad din ng iba pang medical conditions, nakasalalay ang treatment para sa folic acid deficiency sa sitwasyon ng pasyente. Isinasaalang-alang dito ang mga sintomas na nararamdaman, edad, at pangkalahatang lagay ng kanyang kalusugan.

    Ayon sa mga eksperto, napatunayan na ng mga pag-aaral na nababawasan ang risk ng neural tube defect sa unborn babies hanggang 70% kapag ang folic acid ay nasa vitamin supplement, at iniinom ng isang babae isang buwan bago ang conception hanggang sa unang trimester ng kanyang pagbubuntis.

    Kailangan kasi ang folic acid para sa produksyon ng deoxyribonucleic acid (DNA), na mahalaga para sa mabilis na pagdami at paglaki ng cells na kailangan sa pagbuo ng fetal tissues at organs sa unang mga bahagi ng pagbubuntis.

    Kung magkakaroon ng folic acid deficiency, maaari din itong maging sanhi ng paralysis ng mga binti at iba pang medical conditions.

    Mga komplikasyon ng folic acid deficiency

    Bukod sa nabanggit na megaloblastic anemia, pregnancy-related complications, at fetal abnormalities, kasama rin sa mga posibleng komplikasyon ang pancytopenia, glossitis, angular stomatitis, at oral ulcers. Maaari ding magkaroon ng neuropsychiatric manifestations, kagaya ng depression, irritability, insomnia, cognitive decline, fatigue, at psychosis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bakit napakahalaga ng folic acid sa mga babaeng nasa childbearing age?

    Halos kalahati ng lahat ng pregnancies ay hindi planado. Ito ang dahilan kung bakit kailangang sapat ang folic acid intake araw-araw. Sa oras kasing nalalaman ng isang babae na siya ay buntis, buo na ang utak at spine ng kanyang baby.

    Narito ang sagot ng mga eksperto sa mga kadalasang tanong sa folic acid:

    Kailangan pa rin ba ang folic acid kahit walang balak mabuntis?

    Oo. Maraming dahilan kung bakit mahalaga pa rin ang folic acid kahit walang plano magbuntis, tulad ng:

    1. Maaaring hindi gumana ang birth control o hindi wasto ang paggamit sa birth control kapag nakikipagtalik.

    2. Water-soluble B vitamin ito. Kapag water soluble, ibig sabihin nito hindi ito nagtatagal sa katawan sa loob ng mahabang oras. Name-metabolize agad ito ng katawan kung kaya't kailangang araw-araw ang folic acid intake.

    Kailangan din ba ng folic acid pagkatapos ng  menopause?

    Oo. Mahalaga pa rin ang 400 micrograms ng folic acid araw-araw para sa mabuting kalusugan.

    Mainam na komunsulta sa doktor upang mabigyan ng wastong payo at pagsusuri ang folic acid deficiency o anumang kakulangan sa bitaminang ito. 

    Read also: Vitamin B Deficiency

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles