embed embed2
  • Vitamins For The Liver Ba Kamo? Ito Ang Sagot Ng Doktor

    Para sa mga naniniwalang makakaligtas sa masamang epekto ng alak kung iinom ng supplement.
    by Jocelyn Valle .
Vitamins For The Liver Ba Kamo? Ito Ang Sagot Ng Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • May paniniwala ang karamihan na maaaring makaligtas sa masamang epekto ng alak kung umiinom naman sila ng tinatawag nilang gamot sa atay. Ito ang nabibiling supplement na kilala rin bilang “vitamins for the liver.”

    Hindi rekomendado ang liver supplement

    Pero may babala si Dr. Roberto N. De Guzman, isang hepatologist o espesyalista sa mga sakit sa liver, biliary tree, gall bladder, at pancreas. Kabilang siya sa medical experts sa webinar na inorganisa kamakailan ng Department of Health (DOH).

    Aniya, “Hindi po dapat excuse na uminom ng alak at nagva-vitamins. There’s no such thing as vitamins for the liver. The best treatment and prevention is to stop drinking. Studies have shown that seemingly even a small amount of alcohol could cause more harm than good.”

    Diin pa ng doktor na presidente rin ng Hepatology Society of the Philippines (HSP): “Hindi po namin ina-advocate na uminom ng liver supplement just to be able to take alcohol.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May dagdag na pahayag si Dr. Dulcinea Keiko Balce-Santos, isa namang gastroenterologist at moderator ng webinar. Sabi niya, “Wala pa pong ebidensya kaya ang nakalagay sa kanilang pakete, ‘No therapeutic claims.’ Hindi po talaga natin ina-advocate ang liver supplement.”

    Mga posibleng sanhi ng liver disease

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bukod sa pag-inom ng alak, may iba pang dahilan kung bakit napipinsala ang atay at nagkakasakit ito, ayon sa Mayo Clinic.

    Infection

    Ang infection ay maaaring magmula sa parasite at virus na umaatake sa liver hanggang mamamaga at bumagal ang function nito. Maaaring makuha ang virus mula sa contaminated na pagkain at tubig, pati na sa taong infected na.

    Ilan sa common types ng liver infection ang Hepatitis A, Hepatitis B, at Hepatitis C.

    Immune system abnormality

    May mga sakit kung saan ang immune system mismo ang umaatake sa mga parte ng katawan, kabilang na ang atay. Ilang halimbawa ng autoimmune liver diseases ang autoimmune hepatitis, primary biliary cholangitis, at primary sclerosing cholangitis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Genetics

    Kapag naman may abnormal gene na naipasa ang magulang sa anak, maaaring magkaroon ng iba-ibang substances sa katawan na makapinsala sa atay. Kabilang sa genetic liver diseases ang hemochromatosis, Wilson’s disease, and Alpha-1 antitrypsin deficiency.

    Poor diet

    Masasabing mayroon kang poor eating habits kung kulang o di kaya sobra ang pagkonsumo mo ng pagkain. Dagdag pa diyan ang hindi pagkakaroon ng sapat na nutrition sa katawan dahil sa malimit na pagkain ng low in fiber, high in fat, at too much salt/sugar.

    Malaking ang posibilidad na magkaroon ng health condition tulad ng obesity na puwedeng maapektuhan ang liver.

    Reactions to medications and chemicals

    Maaaring may iniinom kang gamot na may side effect pala, kaya napipinsala ang atay. Ganyan din ang puwedeng epekto ng bawal na gamot sa iyong katawan, maging ang exposure sa toxic chemicals.

    Totoong gamot sa atay

    Mayroong lampas 100 na uri ng liver disease, ayon sa American Liver Foundation (ALF), at bawat isa ay may angkop na gamot o treatment.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalaga raw ang early diagnosis upang hindi tuluyang mapinsala ang atay. Kahit kasi may apektadong parte na tinatawag na scar tissue, may kakayahan ang atay na i-repair at i-regenerate ang sarili. Kaya kapag naagapan gamit ang "well-managed treatment plan," maaaring ma-reverse ang damage sa atay.

    Payo ng mga eksperto na komunsulta kaagad sa doktor nang malaman ang lagay ng atay at mabigyan ng kaukulang pansin. Malalaman ito sa diagnosis mula sa gagawin sa iyong blood test at imaging test, pati na biopsy kung kakailanganin.

    Sabi pa nila, may liver condition na maaaring madala sa lifestyle modifications. Ibig sabihin, kailangan mo lang baguhin ang nakasanayan mong hindi maganda ang epekto sa kalusugan. Kabilang diyan ang pag-inom ng alak, paninigarilyo, pagkain ng bawal, at hindi page-exercise.

    Pero kung mas seryoso ang liver disease, mas maigting ang pagbabantay sa kalagayan ng atay. Bibigyan ka ng tamang gamot sa atay at kailangang sundin ang bilin ng doktor para hindi na humantong sa malalang kaso na kakailanganin ang liver transplant.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles