;
embed embed2
  • Aspirin, Mouthwash, Baking Soda, At 9 Panggamot Sa Balakubak Bukod Sa Medicated Shampoo

    Problema talaga ang balakubak, at kitang-kita pa kapag itim ang suot mo.
    by Anna G. Miranda .
Aspirin, Mouthwash, Baking Soda, At 9 Panggamot Sa Balakubak Bukod Sa Medicated Shampoo
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Karaniwang reklamo na ang pagkati ng ulo dahil sa balakubak o dandruff. Isa pa, paano ka magri-relax kapag may mga kasama kung maya’t maya ay may mga balakubak sa balikat mo at kitang-kita pa dahil dark-colored ang iyong T-shirt? Bago natin tukuyin ang gamot sa balakubak, alamin muna natin ang sanhi nito.

    Ano nga ba ang balakubak?

    Karaniwang mula 40 hanggang 45 days ang lumilipas bago mapalitan ng bagong skin cells ang topmost layer ng ating balat at anit. Pero sa mga taong may dandruff, ayon sa Harvard Health Publishing, napaiikli ang panahong ito hanggang sa pitong araw kaya madalas na nagkakaroon ng mga puti, dilaw, o grayish flakes sa anit.

    Ang balakubak, sabi ng mga eksperto, ay large clump ng dead skin cells na mayroong oily secretions ng sebaceous glands at keratin. Kapag nagdikit-dikit ang dead skin cells na ito, mas kapansin-pansin na ito at makikita na ang flakes, na siyang tinatawag na balakubak, sa anit at sa iyong damit. Mas lalo itong nakikita kapag nagkakamot ka sa tuwing kumakati ang iyong anit.

    Paliwanag pa ng mga eksperto, mahigit sa limampung porsyento (50%) ng mga tao sa buong mundo ang may balakubak. Mula sanggol hanggang sa matatanda ang maaaring makaranas nito.

    Fungal infection sa anit ang balakubak. Kaya sa mga may balakubak, higit na mataas sa normal ang levels ng tinatawag na malassezia (Pityrosporum) fungus na nasa kanilang anit. Kinakain ng fungus na ito ang oil sa anit at nagkakaroon ng inflammation dahil sa excessive production ng sebum.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung malagkit lagi ang iyong ulo at buhok, hindi ka na magugulat kung lumalala rin ang iyong balakubak dahil maraming oil ang nakakain ng fungus. Nagme-metabolize ng triglycerides ang fungus. Mula rito, mapo-produce naman ang isang enzyme na tinatawag na lipase, na nagreresulta sa pagbuo ng oleic acid, isang fatty acid na sanhi ng balakubak.

    Sa ibang tao, malambot lamang ang nangangaliskis sa anit at madaling natatanggal ngunit nariyan din ang mga mahirap tanggalin na balakubak. Kung minsan, makikita rin ito sa kilay, sa palibot ng tenga, at sa gilid ng ilong.

    Mayroong tinatawag ang mga dermatologist na seborrhoeic dermatitis. Pangmatagalan ang skin disorder na ito kung saan makikitang namumula, scaly, malagkit, at nangangati ang balat ng pasyente. Milder form nito ang dandruff o balakubak, na kilala rin bilang Pityriasis capitis.

    Itinuturing na abala o nuisance ang balakubak. Cosmetic problem din ito kaysa medikal na kondisyon. Maaaring minor irritant ito para sa ilan o malalang rash ng buong anit sa iba. Wala namang dapat na ipag-alala dahil hindi ito nakakahawa. 'Yun nga lang, kahit hindi delikado ang balakubak, halos lahat ng mayroon nito ay hindi kumportable sa pagharap sa ibang tao. Ibig sabihin, may epekto ito sa ating kumpiyansa sa sarili.

    Ilan pa sa mga sakit sa balat na maaaring maiugnay sa balakubak ang contact dermatitis, eczema, at psoriasis. Kailangan ng wastong diagnosis mula sa doktor upang mabigyan ng angkop na gamot at treatment.

    Gamot sa balakubak

    May ilang mga paraan at remedyo na puwedeng mong subukan ang matapos ang problema mo sa balakubak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Medications

    Kapag nagsimula na ang fungi sa pag-atake sa sebaceous glands ng anit, nagkakaroon ng immune response ang katawan kung kaya't nagkakaroon ng scaly rash, pangangati ng, at kung minsan pagsusugat.

    Karaniwang nirerekomendang gamot sa sugat sa ulo dahil sa balakubak at para sa balakubak mismo ang over-the-counter dandruff shampoos, na may active ingredients na zinc, selenium, o ketoconazole. Upang mas maramdaman ang epekto, iwan dapat ang shampoo sa anit at buhok sa loob ng limang minuto bago ito banlawan.

    Paalala ng American Academy of Dermatology Association na epektibo rin ang coal tar shampoo, ngunit kailangang maging maingat sa paggamit nito. Nagiging epekto nito ang discoloration ng buhok, lalo na sa mga light-colored hair.

    Kung hindi gagana ang mga home remedy sa dandruff at ang medicated shampoos, kumunsulta sa doktor upang makahingi ng prescription-strength medication. Ilan sa reseta ng doktor ang topical corticosteroid, tulad ng fluocinolone (Capex), na maaaring gamitin sa loob ng dalawang linggo.

    Isa pang gamot sa balakubak ang calcineurin inhibitors tulad ng tacrolimus (Protopic) at pimecrolimus (Elidel), na nakatutulong sa pag- suppress sa immune response. Tingnan din nang mabuti kung may sangkap tulad ng sumusunod ang iyong ginagamit na medicated shampoos, oils, at creams:

    • Ketoconazole
    • Zinc Pyrithione
    • Piroctone Olamine
    • Ciclopirox Olamine
    • Selenium Sulphide
    • Sodium Sulfacetamide
    • Topical terbinafine
    • Ichthyol Pale

    Nababawasan ng mga nabanggit na sangkap ang malassezia fungus sa anit. Ayon sa mga pag-aaral, Zinc Pyrithione, Ciclopirox Olamine, at Selenium Sulphide ang pinakamabisang gamot sa balakubak.

    Dalawang beses sa isang linggo sa loob ng isang buwan kailangang gamitin ang shampoo. Pagkatapos nito, maaaring isang beses na lamang kada linggo sa susunod na isa hanggang dalawang buwan upang masiguro na hindi na babalik ang balakubak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa lumalalang kalagayan, maaari ring maghanap ng shampoo na may salicylic acid upang mabawasan ang balakubak. Maaaring kunsultahin ang iyong dermatologist.

    Home remedies

    Mayroong home remedies na subok na ng marami at maaari mong subukan upang guminhawa ang pakiramdam at maibsan ang mga sintomas ng balakubak.

    Coconut oil

    Ipahid sa anit at iwan sa loob ng 20-30 minuto hanggang isang oras bago banlawan. May anti-microbial properties kasi ang langis ng niyog o coconut oil.

    Aloe vera

    Ipahid sa anit ang gel at hayaan ito sa anit sa loob ng 15-30 minuto. Banlawan ito nang mabuti. Maaari itong gawin dalawang beses sa isang linggo. Nakatutulong ang aloe vera na maibalik ang moisture ng anit o balat.

    Aspirin

    Dikdikin ang aspirin at ilagay sa malinis na lalagyan. Ihalo sa shampoo at hugasan ang anit at buhok. May salicylic acid din ang aspirin na nakatutulong sa pagtanggal ng scaly skin at mas mabilis na natatanggal ang balakubak.

    Omega-3

    Kapag kulang sa omega-3, nagkakaroon ng dry hair at dry skin. Mainam kung kakain ng fatty fish tulad ng salmon at mackerel, iinom ng fish oil supplements, at kakain ng flaxseed, chia seeds, at walnuts.

    Probiotics

    Pinalalakas ng probiotics ang immune function ng katawan, na nakatutulong sa paglaban sa fungal infections. Isa sa maaaring pagkuhanan nito ang fermented na pag-kain tulad ng kimchi.

    Baking soda

    Gentle exfoliant ang isa sa mga hatid na benepisyo ng baking soda. Nagtatanggal ito ng dead skin cells at nababawasan ang pangangati ng anit at balat.

    Calamansi at lemon

    Sapat na ang isang kutsarang katas ng calamansi o lemon na ihahalo sa tubig. Masahiin ang anit sa loob ng isang minuto araw-araw. Maaari itong iwan sa loob ng 20 hanngang 30 minuto. Maaari itong gawin dalawang beses sa isang linggo nang makamit ang benepisyo ng lemon o di kaya calamansi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Asin

    Para sa matinding balakubak, isang kutsarita ng pinong asin ang ihalo sa isang kutsara ng baby shampoo. Masahiin ang anit at magsisilbing exfoliant ang asin.

    Mouthwash

    Panlaban sa mabahong hininga ang mouthwash at mabisa rin ito sa pagtanggal ng fungus sa anit. Ihalo lamang sa tubig at gawing pambanlaw ng buhok pagkatapos malagyan ng shampoo.

    Ilan pa sa maaaring gamitin ang sumusunod:

    • Gugo
    • Green tea
    • Tea tree oil

    Bukod sa pagiging gamot sa balakubak, kilala rin ang ibang nabanggit sa pagpapakapal ng buhok.

    Lifestyle changes

    Malaking tulong din sa paggamot sa balakubak ang pagbabago sa mga nakasanayan mo nang gawin o di kaya pagdagdag sa routine mo na.

    • Maglaan ng sapat na oras para mahugasan nang mabuti ang buhok at anit. Gumamit ng moisturizer upang lumambot at laging hydrated ang balat.
    • Iwasan muna ang hair styling products at mga harsh na sabon at shampoo na may alkohol.
    • Magpahid ng olive oil o mineral oil at hayaan ito sa anit sa loob ng isang oras. Suklayan nang mabuti ang buhok at saka ito banlawan.
    • Malaking tulong din ang pag-iwas sa ilang pagkain tulad ng pritong pagkain, processed foods, refined carbs, at matatamis na pagkain at inumin.

    Tandaang mahalaga rin ang pagligo nang maayos araw-araw upang maging dandruff-free. Pero pinakamainam ang pagkunsulta sa doktor upang matukoy ang tottong sanhi at pinakaepektibong gamot sa balakubak.

    Kung si baby ang may balakubak, basahin dito ang puwedeng mong gawin para sa anak.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles