-
Preschooler Preschool Teachers Reveal 7 Discipline Hacks to Get Kids to Behave
-
Love & Relationships An Engineer And Tricycle Driver Marry Against All Odds: 'Hindi Niya Ako Insurance Plan'
-
Baby NEED! 4 Clever Baby Products That Will Make Mom's Life Easier
-
News Annabelle Rama's Marriage Advice To Sarah Lahbati: Stop Being Jealous
-
Aakalain Mong Heart Attack Ang Sakit Na Dulot Ng Gallstones
Biglaan at matindi kung umatake ang mga bato sa apdo.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY Shutterstock/Opat Suvi
May ilang dahilan kung bakit sumasakit ang tagiliran. Isa rito ang pag atake ng mga bato sa parte ng katawan na kung tawagin ay apdo o gallbladder. Makakatulong kung matukoy kaagad ang karamdaman nang magamot ang gallstone.
Tinatawag ang gallbladder na storage pouch para sa bile, isang likido na mahalaga sa digestion. Produkto ang bile ng liver, at naiimbak ito sa gallbladder hanggang oras na ng pagkain.
Kapag kumakain ka na, nagpapakawala ang stomach ng hormone para pagalawin ang muscles sa gallbladder at tuluyang dumaloy ang bile.
Tumutulong ang bile sa pagtunaw ng taba habang nasa proseso ng digestion. Gawa ito sa iba-ibang substances, kabilang ang cholesterol, bile salts, at water.
Paano nangyayari ang gallstones?
Ilan sa substances, tulad ng cholesterol, ay nagdidikit-dikit at bumubuo ng gallstones. May gallstones na kasing liit lang ng butil ng buhangin, pero meron ding kasing laki ng golf ball.
“Fairly common,” lalo na sa Western countries ang pagkakaroon ng gallstones, ayon kay Dr. David Efron, ang chief of acute care surgery ng The Johns Hopkins Hospital.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagkakaroon ng problema kapag ang gallstones ay biglang tumigil sa pagdaloy sa lagusan papuntang stomach. Mahaharangan kasi nila ang daloy naman ng bile.
Ang nangyayari tuloy, parang napipiga ang gallbladder. Kaya makakaramdam ka ng biglaang pagkirot na para ka raw sinasaksak ng kutsilyo sa bandang ilalim ng rib cage. Kung hindi sa upper right side, doon naman sa gitnang bahagi ng tiyan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSintomas ng gallstones
Sobrang sakit kapag tumigil ang gallstones sa pagdaloy, sabi ni Dr. Efron. Aakalain mong heart attack at magpapadala ka na sa emergency room ng ospital.
Huwag mo nang ipagpaliban ang pagpapagamot sa gallstone kung:
- Tumatagal ang kirot ng ilang oras
- Sumasakit ang tiyan pagkatapos kumain
- Naduduwal o nasusuka
- Nilalagnat o nanginginig
- Light-colored ang dumi
- Brownish-colored ang ihi
- Naninilaw ang balat o di kaya ang puti ng mga mata
- Sumasakit ang likod sa pagitan ng shoulder blades
- Kumikirot ang kanang balikat
Ano nga ba ang gamot sa gallstones?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWUnang-una, kailangan mo ng gamot para maibsan ang sakit na sanhi ng pagkabara ng gallstone. Puwede ka ring resetahan ng antibiotics kapag infected na ang gallbladder mo o ang mga kalapit na organs. Cholecystitis ang tawag sa kondisyon na ito.
Mayroon ding gamot para makatulong sa pagtunaw ng gallstones. Pero, ayon sa Mayo Clinic, aabutin daw ng ilang buwan o taon bago mangyari iyon at baka bumalik pa ang mga bato sa apdo. Kaya nirerekomenda lang ang ganitong paraan para sa mga pasyenteng hindi kakayanin ang opera.
Kung paulit-ulit ang pag-atake ng gallstone, mainam nang magpa-opera para tanggalin ang gallbladder. Paliwanag ni Dr. Efron, hindi tinatanggal ang gallstones dahil lang sa tutubuan nang panibago ang pasyente. Kailangan tanggalin kasi hindi na malusog ang galbladder at nagbibigay lang ng problema sa digestive system.
Tinatawag ang surgery para sa gallstones bilang cholecystectomy. Kapag natanggal na ang gallbladder, dadaloy na ngayon ang bile mula mismo sa liver papunta sa small intestine. Hindi maapektuhan ang abilidad ng katawan na tumunaw ng pagkain. Posibleng makaranas ng diarrhea, pero temporary lang.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa pang uri ng surgery ang laparoscopy, kung saan pinapasok ang napakaliit na camera sa mala-susi ang laki na tusok o incision. Ang naipasok na camera ang magiging gabay ng doktor sa pag-opera. Mainam daw ito dahil menos na sa pain medication, mabilis pa ang recovery.
Tips para iwasan magkaroon ng gallstones
Pero bago humantong sa gamutan o surgery, payo ng mga eksperto na subukan ang ilang paraan para mapigilan ang panganib na hatid ng gallstones.
1. Iwasan ang pagtaas ng cholesterol level
Mas malaki ang tsansa na mabuo ang gallstones kapag madaming cholesterol sa bile. Makabubuti kung babawasan mo ang pagkain ng fatty food.
2. Huwag ipagliban ang pagkain
Tataas ang iyong risk na magkaroon ng gallstones kung hindi ka kumakain sa oras at nagfa-fasting.
3. Damihan ang pagkain ng high-fiber food
Kabilang sa high fiber na pagkain ang gulay, prutas, at whole grains.
4. Magmintina ng healthy weight
Risk factor ang pagiging overweight o obese. Kaya bukod sa healthy diet, kailangan mo rin ng regular exercise.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBagamat may benepisyo ang olive oil, fruits, at herbs sa kalusugan, ang mixture mula sa mga ito na ginagamit bilang gallbladder cleanse ay hindi pa napapatunayan na mabisang prevention o di kaya gamot sa gallstone.
Paalala ni Dr. Brent A. Bauer ng Mayo Clinic na puwedeng may hatid ang mga cleansing na ito ng side effects, gaya ng nausea, vomiting, diarrhea, at abdominal pain sa sa loob ng gallbladder cleansing period.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network