embed embed2
  • Ang Bawal Na Bawal Gawin Kung May Ingrown Hair At Paano Ito Iwasan

    Shaving, plucking, at waxing ang mga kadalasang sanhi.
    by Jocelyn Valle .
Ang Bawal Na Bawal Gawin Kung May Ingrown Hair At Paano Ito Iwasan
PHOTO BY Shutterstock/Focus and Blur
  • Huwag mabahala kung may biglang tumubo sa balat, kadalasan sa may kili-kili at singit ng kababaihan — posibleng ingrown hair ito. Tila pimple o tigyawat ito pero minsan makati, puwedeng masakit, at may hibla ng buhok sa loob ng umbok.

    Mga unang hakbang kung may ingrown hair  

    Magagamot ang tinatawag na ingrown hair sa ilang simpleng paraan, ayon sa mga eksperto. Pero bago ang lahat, iwasan muna ang pagbubunot o pag-ahit ng buhok sa parte ng katawan na meron kang ingrown hair.

    Huwag kamutin at baka bumuka ang balat o pilitin na tanggalin ang hibla ng buhok. Baka kasi magsugat at maging infected. Posible pang magpeklat at tuluyang mangitim ang tinubuan ng ingrown hair.

    Mas mainam gawin ang sumununod:

    • Maghanda ng disinfected na karayom at tweezers.
    • Hugasan ang affected area.
    • Gamit ang basang labakara o washcloth, banayad na kuskusin ang ingrown hair nang paikot (circular motion) sa loob ng ilang minuto.
    • Hintayin na umangat ang hibla ng buhok, ngunit iwasan na puwersahin.
    • Kunin ang hinandang disinfected na karayom at tusukin ang balat upang lumabas ang hibla ng buhok. Bunutin ito gamit ang disinfected tweezers.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gamot sa ingrown hair

    Ang paminsan-minsan na pagtubo ng ingrown hair ay hindi “cause for alarm,” ayon sa Mayo Clinic. Pero kung paulit-ulit at nagkaroon na ng infection, maaaring magpatingin na sa doktor para malaman ang tamang gamot sa ingrown hair.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Lalo na kapag “very painful, hot, red, or swollen,” ayon naman sa National Health Service (NHS). Idagdag pa ang mataas na lagnat, mainit na pakiramdam, at panginginig ng katawan.

    Malamang reresetahan ka ng gamot para maibsan ang pagkakaroon ingrown hair.

    • Retinoids na pamahid sa balat, tulad ng tretinoin, upang makatulong sa exfoliation ng dead skin cells
    • Steroid cream upang mabawasan ang pamamaga
    • Antibiotic ointment para sa mild infection at oral antibiotics para sa severe infection

    Paano iwasan ang ingrown hair

    Kabilang sa common causes ng ingrown hair ang plucking, shaving, at waxing. Pero kung hindi mo option ang laser treatment para permanenteng matanggal ang buhok sa katawan, puwede mo pa ring ipagpatuloy ang nakasanayan ng pamamaraan. Dagdagan na lang ang pangangalaga sa balat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tamang pag-ahit

    Subukan na gumamit ng warm water at mild facial cleanser sa paghuhugas ng underarm o kili-kili, binti, o iba pang parte ng katawan na aahitan. Kabilang dito ang mukha ng mga kalalakihan na madaling tubuan ng balbas.

    Magpahid ng lubricating shaving cream o kaya gel ilang minuto bago mag-ahit para lumambot muna ang buhok. Puwede ring gamitan ng warm compress. 

    Ugaliin na gumamit ng matalas na pag-ahit (sharp razor). Iwasan na banatin ang balat at idiin dito ang razor. Mag-ahit sa direksyon ng tubo ng buhok.

    Banlawan ang blade kada pasada ng razor at isunod ang balat pagkatapos mag-ahit. Dampian ng labakarang basa ng malamig na tubig upang mabawasan ang iritasyon sa balat.

    Mahalaga ang moisturizer

    Huwag tumigil sa pagpapahid ng simpleng lotion pagkatapos ng shaving, plucking, o di kaya waxing ng unwanted hair. Makakatulong kung moisturizer na ang gamitin para masigurong malambot at hindi tuyot ang balat. Maiiwasan pa ang pagdami ng dead skin cells sa paligid at loob ng follicles.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Piliin lamang ang moisturizer na noncomedogenic nang hindi magbara ang pores pagkatapos mag-ahit o magbunot ng buhok.

    May dagdag benepisyo ang exfoliation

    Kung sa kili-kili malimit tubuan ng ingrown hair, makatutulong ang paggamit ng exfoliating products upang maiwasan ang pore buildup. Huwag lang gumamit ng produktong puno ng artificial beads para hindi naman makaapekto sa kalikasan. Piliin iyong mula sa natural ingredients nang makasiguro na environment-friendly. 

    Maaari ring gumamit ng toners na may alpha hydroxyl acid (AHA) at beta hydroxyl acid (BHA). Gawa sa water-soluble acids ang AHA at oil-soluble naman ang nasa BHA. Pero pareho silang nakakatuklap ng surface ng skin upang umusbong ang bagong skin cells. 

    Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagtubo ng ingrown hair at hindi mo na proproblemahin pa ang gamot para dito. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles