embed embed2
  • Kalyo Tugon Para Maprotektahan Ang Balat: Kailan Dapat Mabahala

    Corn at callus ang mga uri ng kalyo.
    by Jocelyn Valle .
Kalyo Tugon Para Maprotektahan Ang Balat: Kailan Dapat Mabahala
PHOTO BY Shutterstock/staras
  • Kalyo ang tawag sa makapal at matigas na balat. Tumutubo ito sa parte ng katawan na madalas nakararanas ng friction o pressure. Huwag mag-alala kung mayroon ka nito. May mga paraan upang magamot ang kalyo, tulad ng nasa paa.

    Nagkakaroon ng kalyo dahil sa mechanical stresses, ayon kay Denise B. Freeman, D.P.M. ng College of Podiatric Medicine and Surgery sa Des Moines University-Osteopathic Medical Center, na matatagpuan sa U.S. state na Iowa.  

    Ang mga karaniwang sanhi ng mechanical stresses ay:

    • Pagsusuot ng masikip na sapatos (faulty footwear)
    • Pagkakaroon ng deformity sa paa kaya may kakaibang paggalaw (abnormal foot mechanics)
    • Paggawa ng maraming gawain (high levels of activity)

    Paliwanag ni Dr. Freeman, kumakapal at tumitigas ang balat sa parte ng paa na madalas tumanggap ng mechanical stresses bilang pagbibigay proteksyon sa bahaging iyon ng katawan.

    Hyperkeratosis ang tawag sa “normal protective response of the skin." Nagiging problema ito kapag kumapal at tumigas nang husto ang balat. Sintomas na siya ngayon ng kalyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Uri ng kalyo 

    Sabi pa ng podiatrist o foot doctor sa American Family Physician (AFP) Journal, mayroong dalawang uri ng kalyo. 

    Corn 

    Tinatawag na corn ang kalyo na tumutubo sa ibabaw at gilid ng mga daliri sa paa, pati na sa ilalim nito. Bilugan ang pagkapal at pagtigas ng balat bilang proteksyon sa buto kapag nakakatanggap ng pressure o kaya mechanical trauma. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mayroong hard corn at soft corn. Mas common ang hard corn na “dry mass of hyperkeratosis with a hard central core” ang itsura. Pero mas masakit ang soft corn kahit malambot ito dahil sa “absorption of an extreme amount of perspiration.” 

    Callus

    Tumutubo ang callus sa kahit saang parte ng katawan na mayroong paulit-ulit na friction, tulad sa mga daliri sa kamay ng isang gitarista. Ngunit madalas kinakalyo sa talampakan kung nagsusuot ng masikip na sapatos at naglalakad nang matagal. 

    Hindi lang ito problema sa balat, bagkus sa buto rin. Ayon sa Foot & Ankle Institute, mayroon ang mga callus na “painful nerves and bursal sacs (fluid-filled balloons that act as shock absorbers)” sa ilalim na parte kaya may pakiramdam na “sharp, shooting pain to dull, aching soreness.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gamot sa kalyo sa paa

    Halos pareho ang paggamot sa dalawang uri ng kalyo sa paa. Unang-una dito ang pagpigil sa pagtanggap ng friction o pressure, gaya ng mula sa masikip na sapatos. Magsuot lamang ng tamang size at mas comfortable. 

    May nabibiling corn pads at callus removers na puwedeng ikaw mismo ang maglagay sa affected area. Tandaan lang na gawa sa strong acids ang mga iyon at baka masunog ang iyong balat. Ingatan na huwag matuklap ang balat kapag tatanggalin mo na ang corn pads o callus removers. 

    Iwasan din ang mga produktong may salicylic acid na maaaring makaapekto sa normal tissues sa paligid ng affected area.

    Personal care

    Bago gumamit ng over-the-counter products, ibayong paghahanda muna ang gawin sa affected area.

    Umpisahan sa pagbabad ng mga paa sa maligamgam na tubig na may halong sabon bilang foot spa. Gamit ang panghilod o pumice stone, banayad na kuskusin ang kalyo hanggang numipis at lumambot. Pagkatapos magbanlaw at magpunas nang maigi, pahiran ng moisturizer ang mga paa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag payo ng American Academy of Dermatology (AAD), huwag kayurin nang husto ang kalyo. Baka kasi dumugo at magkaroon ng impeksiyon. Ugaliin ang paggugupit ng kuko sa paa nang hindi napupuwersa ang mga daliri na sumiksik sa suot na sapatos.

    Clinical procedure

    Maaaring magpunta sa clinic para sa tinatawag na sharp debridement, kung saan gagamitan ng chisel blade “to pare down the lesions and remove the keratin plug.” Nakapagbibigay ginhawa daw ito sa affected area. Babalutan ito ng pad nang tumagal ang ginahawang nararamdaman.

    Surgery

    Kapag hindi umubra ang conservative measures bilang gamot sa kalyo sa paa, posibleng humantong sa surgery para maitama ang abnormal mechanical stresses.

    Ani Dr. Freeman, “The goal of surgical correction of a hammertoe deformity, claw toe deformity, or mallet toe deformity is to reestablish a rectus alignment of a toe that is also free of painful lesions.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles