;
embed embed2
  • Depende Sa Sanhi Ang Paggamot Sa Mabahong Hininga: 6 Tips Mula Sa Dentista

    Posible ring sintomas ang bad breath ng iba pang sakit.
    by Jocelyn Valle .
Depende Sa Sanhi Ang Paggamot Sa Mabahong Hininga: 6 Tips Mula Sa Dentista
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Sadyang nakakabahala ang pagkakaroon ng hindi magandang amoy mula sa bibig. Ibig sabihin nito kasi ay may dental problem o di kaya health problem na kailangang pagtuunan ng pansin. Sa ganitong paraan mabibigyan ng gamot sa mabahong hininga.

    Mga dapat malaman sa pagkakaroon ng mabahong hininga

    Ang bad breath o mabahong hininga ay maituturing na isang sakit na nangangailangang komunsulta ng dentista o medical doctor, lahad ni Dr. Evangeline de Guzman-Calimlim, isang dentista.

    Tinatawag din ang bad breath bilang halitosis, ayon naman sa Johns Hopkins Medicine. Kapag daw nadiskubre ang sanhi ng mabahong hininga, iyon na ang simula ng paggamot sa problemang puwede naman sanang maiwasan.

    May ilang sanhi ng bad breath dahil marami ring nagdadala ng bacteria sa bibig, sabi pa ng mga eksperto. Kabilang diyan ang mga sumusunod:

    Mga partikular na pagkain

    Kapag napapadalas ang pagkonsumo ng bawang, sibuyas, at iba pang pagkain na matapang ang amoy, tumataas ang tyansa na bumaho rin ang hininga. Nangyayari iyan lalo na kung mababa ang pag-aalaga sa bibig at mga ngipin (oral health care).

    Kakulangan sa oral health care

    Kapag kasi hindi regular ang pagsisipilyo at flossing, nananatili ang pagkain sa bibig at puwede pang sumiksik sa mga ngipin. Dumadami tuloy ang bacteria sa bibig habang nabubulok naman ang mga nakasiksik na pagkain. Kaya nagkakaroon ng mabahong amoy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkakaroon ng sira o bulok na ngipin

    Ang bacteria sa bibig ay gumagawa ng acid na bumubutas at tuluyang sumisira sa ngipin, gaya ng bulok na ngipin sa bagang. Hatid nito ay amoy bulok din.

    Maling paglilinis ng pustiso

    Kahit hindi nabubulok ang pustiso (dentures), puwede rin itong makalikha ng amoy bulok kung hindi nalilinis nang tama at madalas. Naiipon kasi sa mga puwang ang pagkain na pinagmumulan naman ng bacteria sa bibig.

    Hindi paglilinis ng dila

    Bukod sa mga ngipin, kailangan ding linisin ang dila dahil maaaring kapitan din ito ng bacteria. Nakakagawa ng mabahong amoy ang bacteria, lalo na kapag nahaluan ng amino acids mula sa mga pagkain.

    Pagkakaroon ng problema sa gilagid

    Mainam na bantayan ang sugat sa gilagid at hindi pagbibigay ng gamot sa bukol sa gums dahil maaaring magdulot ang mga ganyang kondisyon ng mabahong amoy.

    Pagkatuyo ng bibig

    Isang oral health condition ang pagkakaroon ng dry mouth, na tinatawag sa medical term na Xerostomia. Malaking bahagi ito ng pagkakaroon ng bad breath, sabi ng mga eksperto. Kapag daw kasi nabawasan ang nagagawang laway (saliva production), hindi sapat ang kusang paglilinis ng bibig. Nahihirapan itong tanggalin ang mga naiiwan at kumakapit na pagkain. Kadalasang sanhi ang dry mouth ng:

    • Pag-inom ng mga partikular na gamot
    • Pagkakaroon ng problema sa salivary gland
    • Paghinga mula sa bibig imbes na sa ilong

    Paninigarilyo

    Ang produktong tobacco na ginagamit sa sigarilyo at tabako ay nakakadumi ng mga ngipin at nakakabaho ng hininga.

    Pagkakaroon ng problema sa kalusugan

    Posibleng sintomas ang mabahong hininga ng mga ganitong kondisyon:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Respiratory infection
    • Infection sa ilong, windpipe, o di kaya mga baga (lungs)
    • Chronic bronchitis
    • Postnasal drip
    • Chronic sinusitis
    • Diabetes
    • Gastrointestinal disorder
    • Liver o di kaya kidney disorder

    Gamot sa mabahong hininga

    Payo ni Dr. Calimlim, na punong dentista ng Calimlim Dental Clinic sa Marikina City, mainam na malaman muna ang sanhi ng bad breath nang magamot ito. Kaya mahalaga na komunsulta sa dentista nang matignan muna kung may kinalaman ang problema sa oral health.

    Kung wala, komunsulta na sa doktor na titingin sa iba pang posibleng dahilan ng mabahong hininga. Ang gastroenterologist, halimbawa, ay makakatulong kung tungkol sa sintomas ng acidic, pagkakaroon ng hyperacidity, o di kaya pagkakasakit sa gastroesophageal reflux disease (GERD).

    Mabibigyan ng tamang solusyon ang sirang ngipin o di kaya problema sa gilagid kung iyon ang sanhi ng bad breath. Pero bilin din ng dentista na gawin ang mga sumusunod:

    • Magsipilyo nang regular, lalo na sa bawat pagtapos kumain
    • Linisin o sipilyohin ang dila, na kung saan puwedeng gumamit ng tongue scraper
    • Mag-floss ng ngipn
    • Iwasan ang pagtuyot ng bibig
    • Pagkakaroon ng tamang diet
    • Panatiliing malinis ang sinusuot na dental dentures o di kaya dental appliances

    Makakatulong ang ganyang routine hindi lang bilang gamot sa mabahong hininga bagkus bilang pag-iwas na rin sa pag-atake muli ng bad breath. Nakakasiguro pang maayos ang dental health at mataas ang kumpiyansa sa sarili.

    Upang malaman kung paano mawala ang sakit ng ngipin, basahin dito, at dito kung para sa bata.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles