embed embed2
  • Sigurado Ka Na Ang Makating Lalamunan Mo Ay Dahil Sa Sipon Lamang?

    Hindi nga ito seryosong kondisyon pero kailangan pa rin ng mabilisang lunas dahil pwede itong makaapekto sa ating pamumuhay.
    by Mary Jane Pujanes . Published Sep 26, 2023
Sigurado Ka Na Ang Makating Lalamunan Mo Ay Dahil Sa Sipon Lamang?
PHOTO BY iStock
  • Ang article na ito ay nadagdagan ng updates noong September 26, 2023.

    Puhunan natin ang ating boses. Kailangan natin ito sa pang araw-araw na pagtatrabaho at pamumuhay. Kaya naman kapag nakaramdam tayo ng onting sakit o “sore throat,” mabilis tayong hahanap ng gamot sa makating lalamunan.

    Ano nga ba ang makating lalamunan?

    Ito ay isang uri ng kondisyon kung saan nakararanas ka ng pananakit sa lalamunan kasabay ang pangangati. Maari ring mahirapan kang lumunok at minsan pa nga, mahihirapan ka pang magsalita sanhi ng iritasyon.

    What other parents are reading

    Mga sanhi ng makating lalamunan

    Ang kati ng lalamunan ay kadalasang nangyayari dahil sa madalas na pagpapalit ng panahon sa Pilipinas. Minsan ay sintomas rin ito ng allergy o allergic reaction. Marami pang dahilan ito kabilang na ang:

    Impeksyon sanhi ng bacteria o virus

    Kung ang pangangati ng iyong lalamunan ay hindi sanhi ng allergy, maaring dulot ito ng bacteria o virus. Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng ubo at ito rin ang nagiging dahilan ng pagsisimula ng pamumula o pamamaga ng lalamunan.

    Ang mga karaniwang viral infection na nagdudulot ng makating lalamunan ay:

    Allergic reaction

    Maaring mangati ang iyong lalamunan kapag nakalunok ka ng alikabok o nakakain ka ng pagkain na nagdudulot ng allergies.

    Paninigarilyo

    Kung mapapansin mo, ang mga taong naninigarilyo ay madalas ding umubo. Ito ay dahil sa paulit-ulit na pangangati ng lalamuna.

    Gastroesophageal reflex disease o GERD

    Ang acid reflux ay maaring maging sanhi ng pangangati ng lalamunan.

    Ang sobrang pagkapagod, madalas na pagsigaw at iritasyon ng lalamunan dahil sa sobrang init ng panahon ay nakakapagdulot din ng pangangati ng lalamunan.

    What other parents are reading

    7 sintomas ng makating lalamunan

    Ang pagsakit o paghapdi ng lalamunan kasama ng pamumula at pamamaga ng tonsil ay ang pangunahing mga sintomas na kasama ng makating lalamunan o sore throat. Magkakaiba ang mga makikita at mararamdamang indikasyon o sintomas ng makating lalamunan at ito ay naaayon sa pinagmulan ng sanhi nito. Ito ang ilan sa mga pangkaraniwang sintomas ng makating lalamunan:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Masakit na lalamunan
    • Tumitinding hapdi ng lalamunan sa tuwing nagsasalita o lumulunok
    • Namamaga ang mga tonsils
    • Nahihirapang lumunok
    • May namamagang glands o kulani sa panga o leeg
    • Namamaos na boses
    • Namumuti o nagkakaroon ng nana ang tonsil

    Ano ang mabisang gamot sa makating lalamunan?

    Hindi seryosong kondisyon ang makating lalamunan pero nangangailangan pa rin ito ng mabilisang lunas dahil pwede itong makasagabal sa ating pamumuhay. Ang mga gamot sa pangangati ng lalamunan ay depende sa kung ano ang sanhi ng pangangati. Ang ilan sa mga ito ay maaaring pain reliever, spray at lozenges, gamot sa ubo, corticosteroids, antihistamines, antibiotics, at antifungals.

    Tandaan na ang mga gamot na ito ay mayroong mga side effects, kaya kailangang kumunsolta sa doktor bago ito gamitin. Ang doktor ang makapagbibigay ng nararapat na gamot na babagay sa iyong sakit.

    What other parents are reading

    Natural na gamot sa makating lalamunan

    Maliban sa mga gamot na ni-reseta ng doktor ay may magagawa ka ring lunas para pakalmahin ang makating lalamunan kahit nasa bahay ka lang. Una sa lahat, siguraduhin mo munang regular kang umiinom ng tubig. Ang tuyong lalamunan kasi ang pangunahing dahilan kung bakit makati ang lalamunan mo. Kaya’t uminom ka muna ng tubig bago mo subukan ang mga sumusunod na mga natural na gamot sa makating lalamunan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    • Mag-mumog ng tubig na may asin
    • Kumain ng kaunting honey
    • Uminom ng honey, salabat, at kalamansi juice o limonada
    • Uminom ng apple cider vinegar (pwede mo ring lagyan ng tubig kung gusto mo)
    • Huwag manigarilyo
    • Iwasan ang sobrang pagkanta at pagsigaw
    • Alamin ang mga bagay na makaka-trigger ng iyong mga allergy

    Kung sakaling sa kabila ng iyong pagsubok sa mga pamamaraang ito ay hindi pa rin nawawala ang mga sintomas ng iyong sakit o pangangati ng lalamunan ay mas makabubuting kumunsulta ka na agad sa doktor mo.

    Paano makaiiwas sa makating lalamunan?

    Narito ang ilan sa mga epektibong pamamaraan na maaari mo ring ituro sa iba para pati sila ay maiwasan din ang makating lalamunan:

    • Maghugas ng mabuti ng iyong kamay at dalasan ang paghuhugas. Gawin ito tuwing bago kumain, pagkatapos mag-banyo, at pagkatapos umubo o bumahing.
    • Huwag makikisalo sa mga baso, pagkain at iba pang gamit sa pagkain.
    • Gumamit ng tissue sa tuwing ikaw ay babahing o uubo at itapon kaagad ito sa basurahan. Mainam din kung gagamit ka ng panyo para takpan ang bibig sa tuwing uubihin o babahing.
    • Kung ikaw ay pupunta o nasa mataong lugar, gumamit ng surgical face mask.
    • Kung wala kang mapaghuhugasan ng iyong mga kamay, siguraduhing palagi kang may gamit na alchol-based sanitizer.
    • Umiwas muna sa pakikihalubilo sa mga taong may sakit.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan: ang pinakamabuting gamot para sa makating lalamunan ay ang pagkakaroon ng proper hygiene. Kaya panatilihing malinis lagi ang iyong katawan para na rin makaiwas ka sa ibat-ibang sakit.

    Frequently Asked Questions tungkol sa makating lalamunan:

    1. Ano ang nagiging sanhi ng pangangati ng lalamunan?

    Ang pangangati ng lalamunan ay maaaring sanhi ng iba't ibang mga kadahilanan, kabilang ang mga allergy, impeksyon, mga irritant tulad ng usok o mga pollutant, tuyong hangin, o postnasal drip. Ang makating lalamunan ay maaari ding magresulta mula sa mga kondisyon tulad ng acid reflux.

    2. Paano ko mapapawi ang makating lalamunan sa bahay?

    Maaari mong subukan ang ilang mga remedyo sa bahay upang maibsan ang pangangati ng lalamunan. Ang pagmumog ng tubig na may asin, pag-inom ng maiinit na likido tulad ng tsaa, paggamit ng humidifier, at pag-iwas sa mga irritant ay karaniwang mga diskarte. Ang mga over-the-counter na lozenges o throat spray ay maaaring magbigay ng pansamantalang ginhawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Kailan ako dapat magpatingin sa doktor para sa makating lalamunan?

    Kung ang iyong makati na lalamunan ay nagpapatuloy nang higit sa isang linggo, ay malala, o sinamahan ng mga sintomas tulad ng kahirapan sa paglunok, mataas na lagnat, o mga problema sa paghinga, ipinapayong kumunsulta sa isang propesyonal. Ang mga ito ay maaaring magpahiwatig ng isang mas malubhang kondisyon na nangangailangan ng medikal na atensyon.

    4. Maaari bang maging sanhi ng pangangati ng lalamunan ang mga allergy?

    Oo, ang mga allergy ay karaniwang sanhi ng pangangati ng lalamunan. Ang mga allergens tulad ng pollen, pet dander, dust mites, o ilang partikular na pagkain ay maaaring mag-trigger ng mga allergic reaction, na humahantong sa pangangati ng lalamunan. Ang pamamahala sa mga allergy sa pamamagitan ng pag-iwas, mga antihistamine, o mga allergy shot ay maaaring makatulong na mabawasan ang kakulangan sa ginhawa sa lalamunan.

    5. Ang paninigarilyo ba ay nauugnay sa isang makati na lalamunan?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Oo, ang paninigarilyo at secondhand smoke ay maaaring makairita sa lalamunan, na nagiging sanhi ng patuloy na pangangati. Ang pagtigil sa paninigarilyo o pag-iwas sa pagkakalantad sa usok ay mahalaga para sa kalusugan ng lalamunan at pangkalahatang kagalingan.

    6. Maaari bang maging sintomas ng COVID-19 ang pangangati ng lalamunan?

    Oo, ang pangangati ng lalamunan ay maaaring sintomas ng COVID-19, bagama't mas karaniwang nauugnay ito sa iba pang sintomas tulad ng ubo, lagnat, at pagkawala ng lasa o amoy. Kung pinaghihinalaan mong mayroon kang COVID-19 o nakipag-ugnayan nang malapit sa isang taong nagpositibo, mag-test at sundin ang mga lokal na alituntunin sa kalusugan.

    7. Ano ang maaari kong gawin upang maiwasan ang pangangati ng lalamunan?

    Upang maiwasan ang pangangati ng lalamunan, panatilihin ang mabuting kalinisan, lalo na sa panahon ng malamig at trangkaso. Hugasan nang regular ang iyong mga kamay, iwasan ang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga taong may sakit, at magpabakuna kung naaangkop. Gayundin, bawasan ang pagiging exposed sa mga allergens, irritant, at usok.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    8. Makakatulong ba ang mga over-the-counter na gamot sa pangangati ng lalamunan?

    Oo, ang mga over-the-counter na antihistamine at decongestant ay maaaring makatulong na mapawi ang pangangati ng lalamunan na dulot ng mga allergy o postnasal drip. Ang mga lozenges, mga spray sa lalamunan, at mga patak ng ubo ay maaari ding magbigay ng pansamantalang lunas mula sa pangangati ng lalamunan.

     

    Source: Mayo Clinic, WebMD

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close