-
Mga Gamot Sa Masakit Na Lalamunan Maliban Sa Saltwater Gargle
Alamin ang iba’t ibang gamot at home remedies sa sakit ng lalamunan.by Anna G. Miranda . Published Sep 27, 2023
- Shares
- Comments

Ang article na ito ay nadagdagan ng updates noong September 27, 2023.
Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Alam mo ba kung ano ang pinakamainam na gamot sa masakit ng lalamunan?
Kung ang pag-uusapan ay makating lalamunan, posibleng viral o bacterial infections ang sanhi nito. Isa-isahin natin ang ilan sa pangunahing mga lunas pagdating sa sore throat o pharyngitis, tonsillitis, at iba pang pamamaga ng lalamunan.
Rekomendasyon para sa masakit na lalamunan
Saltwater gargle
Mura, ligtas, at epektibo ang magmumog ng tubig na may asin. Ayon sa Mayo Clinic, dapat na magmumog ng isang tasa (o kaya 8 ounces) ng maligamgam na tubig na hinaluan ng 1/4 hanggang 1/2 kutsarita ng asin sa loob ng 15 hanggang 30 segundo.
Paliwanag ni Dr. Philip T. Hagen, ang editor in chief ng Mayo Clinic Book of Home Remedies, ang tubig na may asin ay may kakayahang tanggalin ang excess fluid sa inflamed tissues sa lalamunan at bawasan ang pagkirot dito.
Giginhawa ang iyong pakiramdam at matatanggal pa ang mga bakterya sa iyong bibig lalo kung gagawin ito nang dalawang beses sa isang araw.
“You’re creating a high-salt barrier, and you’re pulling out a lot of fluids from the tissues in the throat area, so you’re washing the virus out. The salt functions as a magnet for water. It’s good for symptomatic relief,” paliwanag ni Dr. Sorana Segal-Maurer, chief ng Dr. James J. Rahal Jr. Division of Infectious Disease sa New York Hospital Queens.
Ayon kay Dr. Chris Kammer, isang dental surgeon, “Saltwater rinses kill many types of bacteria via osmosis, which removes the water from the bacteria. They’re also good guards against infection, especially after procedures.”
Maaaring lagyan ng hydrogen peroxide, baking soda, bawang (home remedy din ito sa sakit ng ngipin), o honey ang tubig na gagamitin mong pangmumog. Tandaang hindi dapat lunukin ang saltwater mixture na ito. Kailangang idura agad pagkatapos nitong mahugasan ang iyong gilagid, ngalangala, mga ngipin, likod ng lalamunan, at iba pang bahagi ng iyong bibig.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng pagmumumog nang may asin o saltwater gargle ay ligtas at puwedeng gawin kahit ng mga bata. Iwasan lamang ang paghahalo ng iba pang sangkap kapag ang gargle ay para sa mga batang labindalawang (12) buwang gulang pa lamang.
Throat lozenges
Para sa mga bata, mas nirerekomenda ang throat lozenges kaysa sa saltwater gargle pagdating sa pamamaga ng tonsil.
Ang throat lozenges ay ang matigas na mga candy at cough drops. Madalas na may peppermint at eucalyptus ang cough drops na ito.
Hayaan itong matunaw sa iyong bibig. Huwag itong ngunguyain o di kaya lulunukin nang buo. Makatutulong kung kada dalawang oras ang pagsipsip o pagkain nito. Kung hindi pa rin bubuti ang iyong sore throat pagkatapos ng isang linggo, mainam kung kukunsulta na sa doktor.
Antibiotics
Kailangang magpa-check up o laboratory test upang makumpirma ang sanhi ng masakit na lalamunan. Mas malala ang pamamaga kapag bacteria ang sanhi at makikita mong may puting spots sa iyong dila at tonsils.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMabisang gamot sa sakit ng lalamunan ang antibiotics kung bacteria ang sanhi ng pagsakit ng lalamunan, tulad ng kaso sa strep throat. Pinapatay ng antibiotics tulad ng penicillin o amoxicillin ang mga bakterya at madalas, umaabot ng sampung araw ang gamutan.
Over-the-counter painkillers
Maaaring uminom ng OTC meds tulad ng ibuprofen o acetaminophen (paracetamol). Karaniwang iniinom ito kada apat hanggang anim na oras.
Nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID) ang ibuprofen. Pinipigilan nito ang katawan sa pag-produce ng natural substances na nagdudulot ng pamamaga.
Tandaang dapat na sundin ang payo ng iyong doktor at basahin nang mabuti ang medication guide o ang mga panuto sa product package ng iinuming gamot.
Iwasan ang pagbibigay ng aspirin sa mga bata at teens dahil maaari itong maging sanhi ng Reye’s syndrome.
Suob o steam inhalation
Ang tuob o suob ay isa ring kilalang paraan ng pagpapaginhawa sa pakiramdam kapag may sakit na nararamdaman tulad ng ubo at sipon. Madalas na kasabay ng mga ito ang pagsakit ng lalamunan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa isinagawang pag-aaral, nakatutulong ang steam inhalation sa mga sintomas tulad ng masakit na lalamunan, masakit na ulo, ubo, at hirap sa paghinga.
Madali lang ding gawin ang suob. Maghahanda ka lamang ng pinakuluang tubig at ilalagay mo ito sa isang bowl o maliit na labador. Itatapat mo rito ang iyong mukha at kailangang may layo ng walo (8) hanggang labindalawang (12) pulgada. Hihinga ka nang malalim gamit ang iyong ilong sa loob ng dalawa (2) hanggang limang (5) minuto. Kailangang maging maingat upang hindi mapaso.
Maaari itong gawin nang dalawa o tatlong beses kada araw hanggang sa bumuti na ang iyong pakiramdam. Tandaang hindi nakapapatay ng virus ang suob. Makapagpapaginhawa lamang ito sa iyong pakiramdam.
Iba pang payo at gamot sa masakit na lalamunan
- Matulog nang sapat at magpahinga nang mabuti.
- Maghugas ng kamay at magsuot ng face mask.
- Kumain ng malalambot na pagkain tulad ng lugaw, yogurt, at avocado.
- Umiwas sa paninigarilyo, sa second-hand smoke, at iba pang usok sa paligid.
- Iwasan ding maka-inhale ng matatapang na mga amoy, tulad ng paint fumes at mga cleaning products.
- Gumamit ng cool-mist humidifier dahil mas makagiginhawa sa pakiramdam kapag mataas ang moisture sa loob ng kuwarto.
- Ugaliing uminom lagi ng tubig at iba pang caffeine-free na mga inumin tulad ng tsaa na may honey. Makapagpapalakas ito sa iyong resistensya at mababawasan din ng mga ito ang pamamaga ng lalamunan. Iwasan muna ang kape at soda.
- Humigop ng mainit na sabaw tulad ng sopas, tinola, at iba pang malasang sinabawang ulam. Bukod sa makapagpapaginhawa ito sa iyong pakiramdam, makapagbibigay rin ito ng enerhiya.
- Iwasang maghiraman ng mga gamit, lalo na ng utensils, kapag mayroong may sakit sa pamilya upang hindi magkahawaan.
- Kung sinisipon, siguraduhing gumamit ng decongestants o antihistamines.
- Ang mucus na dumadaan at bumabara sa lalamunan ay sanhi rin ng pamamaga nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMahalaga ang patuloy na pagsunod sa health protocols lalo na ngayong may pandemya. Manatiling kalmado at huwag mag-panic sakaling makaramdam ng anomang sintomas tulad ng masakit na lalamunan. Panatilihing malinis ang katawan at paligid, at manatili muna sa bahay kung maaari.
Mga maling paniniwala tungkol sa makating lalamunan
Sa kabila ng mabuting intensyon na maibsan ang makating lalamunan, may ilang mga maling kuru-kuro na maaaring magdulot ng pagkakamali pagdating sa mga remedyo. Ang isang karaniwang maling kuru-kuro ay ang madalas na paglilinis ng lalamunan ay makakatulong na mapawi ang pangangati. Sa totoo lang, maaari nitong palalain ang problema, na magdulot ng higit na pangangati at maging ang pag-strain ng vocal chord.
Ang isa pang maling paniniwala ang ginhawa na naidudulot ng mga maanghang na pagkain o alkohol, ngunit ang mga sangkap na ito ay maaaring makairita sa lalamunan.
Bukod pa rito, naniniwala ang ilang tao na ang mga antibiotic ay lunas para sa kakulangan sa ginhawa sa lalamunan, ngunit gumagana lamang ang mga ito kung ang pinagbabatayan ay isang impeksyon na bacterial. Ang sobrang paggamit ng mga antibiotic ay maaaring humantong sa resistensya sa antibiotic at iba pang mga isyu sa kalusugan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPanghuli, mayroong isang maling paniwala na ang mga herbal na remedyo ay palaging ligtas at epektibo. Bagama't ang ilang mga halamang gamot ay maaaring mag-bigay ng lunas, hindi lahat ay sinusuportahan ng siyentipikong ebidensya, kaya mahalagang kumunsulta sa isang propesyonal bago subukan ang mga ito.
Basahin dito ang gamot sa sakit ng lalamunan at ubo.

- Shares
- Comments