;
embed embed2
  • Magmumog, Uminom Ng Gatas, At Iba Pang Paraan Bilang Gamot Sa Napasong Dila

    Napakasensitibo ng tissues sa loob ng bibig, kabilang ang dila.
    by Jocelyn Valle .
Magmumog, Uminom Ng Gatas, At Iba Pang Paraan Bilang Gamot Sa Napasong Dila
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Minsan sa sobrang kasabikan na kumain o uminom, hindi pinapansin na umuusok pa ito sa init, kaya nauuwi sa pagkapaso. Mabuti na lang at may mga paraan, halimbawa, bilang gamot sa napasong dila.

    Napakasensitibo ng tissues sa loob ng bibig, sabi ni Dr. Matthew Goldman, isang family medicine doctor sa Cleveland Clinic. Ang delicate tissues na iyon ang dahilan kung bakit natitikman ang iba-ibang lasa at sila rin ang madaling mapinsala. Isang kagat o di kaya higop lang, kaagad nasusunog ang unang layer ng balat.

    Kapag humigit sa 110 degrees (43.33 degrees Celsius) ang isang bagay, puwedeng nakakapaso na ito, at kapag lampas 160 degrees Fahrenheit (71.11 degrees Celsius), siguradong nakakasunog na ito. Iyan ang babala ni Dr. Sam Mandell, isang surgeon sa The UW (University of Washington) Medicine Regional Burn Center sa Harborview Medical Center.

    Mga dapat gawin bilang gamot sa napasong dila

    Kadalasang mild o mababaw lang ang pinsalang hatid ng mainit na pagkain o inumin, lahad ni Dr. Mandell. Kaagad naman daw kasing tinitigil ang pag kain o pag-inom ng mainit kaya hindi na gumagrabe pa ang kondisyon.

    Pero hindi ibig sabihin niyan, babalewalin mo na ang nararamdaman. Makakatulong ang mga ganitong paraan, sabi ng mga eksperto:

    Uminom ng malamig na tubig

    May dulot na ginhawa ang malamig na tubig at kakayahan na pigilan ang pamamaga sa bibig. Pero, bilin ni Dr. Mandell, iwasan ang pag-inom ng ice water o di kaya ang pagngata ng ice cube. Didikit daw kasi ang mga ito sa napasong dila at iba pang parte ng bibig, kaya posibleng lumala ang pinsala.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magmumog ng salt water

    Epektibo ang tubig na may halong asin para maibsan ang kirot at maiwasan ang infection. Paalala lang ni Dr. Goldman na huwag magmumog ng alcohol-based mouthwash. Maaari raw kasing mairita ang napasong dila o iba pang parte ng bibig at sumakit pa ito nang husto.

    Panatiliing malinis ang bibig

    Ituloy lang ang regular na pagsisipilyo ng mga ngipin at paggamit ng floss, sabi ng mga eksperto. Kapag daw kasi malinis ang bibig, maiiwasan ang infection dito.

    Pero sabi naman ni Stephen J. Stefanac, DDS, MS, isang clinical professor ng Oral Medicine and Periodontics sa University of Michigan School of Dentistry, iwasan ang pagsipilyo ng napasong dila mismo. Baka raw mairita ito at kumirot pa lalo.

    Uminom ng gatas

    Makakatulong ang gatas at iba pang dairy products, tulad ng yogurt, sabi pa ni Stefanac. Mababalutan daw nila ang dila at magbibigay pa ng ginhawa (cooling effect) dito.

    Gumamit ng pain reliever

    Kung sobrang sakit ng napasong dila, payo ni Stefanac, maaaring gumamit ng oral topical anesthetic gels para sa sakit ng ngipin at singaw. Puwede rin daw uminom ng pain reliever, tulad ng ibuprofen o di kaya acetaminophen. Mabibili raw ang parehong topical at oral medications over the counter.

    Iwasan ang irritants

    Habang nagpapagaling ng napasong dila, bilin ni Stefanac na umiwas muna sa mga pagkain o inumin na maaaring magpalala sa kondisyon nito. Kabilang diyan ang:

    • Mainit na inumin
    • Maanghang na pagkain
    • Alcoholic drinks

    Kung apektado pati ang labi at gilid ng bibig, payo pa ng mga eksperto na gumamit ng petroleum jelly o di kaya lip balm. Makakatulong ito na maibsan ang kirot at hindi maging tuyot.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Payo pa rin ng mga eksperto na magpatingin sa iyong doktor kung hindi bumubuti ang pakiramdam at tila gumagrabe pa ang pinsala kahit nabigyan na ng gamot sa napasong dila. Baka raw may mas seryosong pinsala, tulad ng bandang epiglottis, na makikita sa likuran at ilalim ng dila.

    Basahin dito tungkol sa sugat sa dila at dito para sa gamot sa sugat sa dila.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
//Email SCID Mapping// //Email SCID Mapping//