embed embed2
  • Namamana Ang Tibay, Kapal, At Bilis Ng Pagtubo Ng Mga Kuko Mula Sa Magulang

    Indikasyon ng overall health ang mga kuko.
    by Jocelyn Valle .
Namamana Ang Tibay, Kapal, At Bilis Ng Pagtubo Ng Mga Kuko Mula Sa Magulang
PHOTO BY Shutterstock/renata sattler colella
  • Sinasabing sa mga kuko nakikita ang kalagayan hindi lang ng personal hygiene ng isang tao, ngunit pati na rin ng kanyang over-all health. Kaya kung may napapansin kang pagbabago o nasisirang kuko, mainam na ipatingin sa doktor para magamot.

    Ang mga kuko ay gawa mula sa protinang keratin. Ito rin ang protina na bumubuo sa balat at buhok. Tumutubo ang mga kuko mula sa cells na dumadami sa may ilalim na parte ng mga ito at saka nagpapatong-patong hanggang tumigas at kuminis. Tinatawag ang prosesong ito na keratinization.

    Karaniwang tumutubo ang mga kuko ng 0.1 mm kada araw o 3 mm kada buwan. Pagkaraan ng anim na buwan, masasabing mahaba na ang mga kuko sa kamay (fingernails), pero kalahati pa lang ang haba ng mga kuko sa paa (toenails).

    Paano malaman kung may problema sa kuko

    Alam nyo ba na namamana ang tibay, kapal, at bilis ng pagtubo ng mga kuko mula sa mga magulang? Pero lahat ay puwedeng magkaroon ng problema sa mga ito. Malalaman mong may problema mula sa hugis, kulay, at kondisyon ng mga kuko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kadalasang napapabayaan ang kalusugan ng mga kuko, ayon kay Dr. Carolyn Jean Chua-Aguilera, isang dermatologist sa St. Luke’s Medical Center. Iniinda ang kirot, halimbawa, sa ilalim ng toenails o kaya pinalilinis lang ang mga ito sa manikurista. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mainam na malaman ang mga palatandaan ng malusog na mga kuko. Ibinahagi ang mga ito ni Dr. Chua-Aguilera, na miyembro ng Philippine Dermatological Society, Council for Nail Disorders, at European Nail Society.

    Kondisyon

    Dapat makinis ang mga kuko. Kapag lumambot, rumupok, at nagbitak-bitak kahit isang kuko lang, dapat ipatingin sa doktor. Puwedeng ang dahilan ay ang madalas na pagkabasa at pagkatuyo ng mga kuko.

    Pero posible ring may mas malalim na dahilan. Kabilang dito ang health disorder, skin disease, fungal infection, at nutritional deficiency.

    Kulay

    Dapat translucent ang mga kuko. Ibig sabihin, walang makikita puwera sa kulay pink dulot ng saganang vascular network ng blood vessels sa ilalim ng mga ito.

    Magtaka kung may kulay brown, black, yellow, red, white, o green. Baka kasi meron kang ongoing infection, general health problem, o di kaya congenital disease.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Baka rin may bagong tumutubo na kuko na maaaring cancerous o di kaya resulta ng ginagamit na nail polish o iniinom na gamot.

    Hugis

    Dapat flat at rectangular ang mga kuko. May ilang dahilan kung bakit nagbabago ang hugis ng kuko. Ilan sa mga ito ang pagsusuot ng masikip na sapatos, maling pagpuputol ng kuko, at abnormal na buto.

    Gamot sa nasisirang kuko

    May iba-ibang klase ng sakit na sumisira ng mga kuko. Nakadepende ang paggamot kung anong uri ng sakit, sabi ng American Academy of Dermatology (AAD). 

    Infection

    Kapag may impeksyon sa kuko, kadalasang nagkakaroon ng sakit na paronychia. Ang mga sintomas nito ay pamumula at pamamaga sa paligid ng kuko. Dapat maagapan ito para makuha pa sa antibiotics at pambabad na gamot. Dahit kung nagsugat-sugat na, mas matinding gamutan na ang kakailanganin. 

    Paronychia rin ang tawag sa sakit kapag naging kulay greenish black ang kuko. Sanhi ng bacteria ang pangingitim. Matitigil ang infection, pati na ang pain at tenderness, kapag nagamot kaagad ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Yellow nail syndrome

    Karaniwang naninilaw ang mga kuko kapag gumamit ng red polish na walang base coat o di kaya madalas na paninigarilyo.

    Pero kung bukod sa madilaw ay kumakapal at hindi na humahaba pa ang mga kuko, maaaring may mas seryosong dahilan. Kabilang dito ang lung disease at rheumatoid arhtritis.

    Pitted nails

    Kapansin-pansin ang mga kuko na tila may tusok-tusok ng icepick. Maaaring sintomas ito ng mga sakit na psoriasis, atopic dermatitis, at alopecia areata. Malaking tulong ang pagpapatingin kaagad sa doktor nang mabigyan ng karampatang gamot.

    Washboard nails

    Kung nakaugalian mong kutkutin ang cuticles, malamang lumalim, nangitim, nagmarka, at tumigil sa pagtubo ang iyong mga kuko. Ang resulta: Ang sakit kung tawagin ay onychotillomania.

    Makakatulong ang dermatologist para matigil ang iyong bad habit at mabigyan ng gamot sa nasisirang kuko upang muling tumubo ang mga ito. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles