embed embed2
  • Bakit 'Very Common' Ang Pekas Sa Balat Ng Pinoy At Paano Maiiwasan Ito, Ayon Sa Derma

    Melasma ang medical term para sa pekas.
    by Jocelyn Valle .
Bakit 'Very Common' Ang Pekas Sa Balat Ng Pinoy At Paano Maiiwasan Ito, Ayon Sa Derma
PHOTO BY Shutterstock
  • Hangad ng karamihan ang blemish-free skin, pero hindi maiiwasan minsan ang pagkakaroon ng patse-patse sa balat. Kaya marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang pekas at paano magagamot ito.

    Kilala ang pekas sa medical term na melasma. Isa itong kondisyon kung saan nagkakaroon ng mantsa sa balat na kulay brown o di kaya grayish-brown. Madalas sumusulpot ang mga mantsa sa mukha, lalo na sa noo, pisngi, ilong, gilid ng labi, at baba.

    Mga pangkariwang sanhi ng pekas

    May mga taong prone sa melasma dahil sa ilang factors.

    Hormonal changes

    Tinatawag ang melasma bilang "mask of pregnancy" dahil maraming mga buntis ang nagkakaroon nito. Dala daw iyon ng mga pagbabago sa kanilang hormones, ayon sa mga eksperto. 

    Pero hindi ibig sabihin, ligtas na ang ibang kababaihan, ayon kay Dr. Barbara Gilchrest ng Harvard Medical School. Kapag nagkaroon ka raw ng melasma noong teenager ka, puwedeng dala-dala mo na ito hanggang pagtanda.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Genetics

    Sabi naman ni Dr. Eunisia Osoteo, isang espesyalista sa aesthetic dermatoloy, "very common" ang pekas sa skin type ng mga Pinoy na Phototype IV. "Kumbaga," aniya, "there is already a predilection na magkaka-melasma tayo dahil kayumanggi tayo."

    Sun exposure

    Higit sa hormonal changes at genetics, lahad ni Dr. Osoteo, ang pangunahing sanhi ng melasma ay ang malimit na pagpapaaraw. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero, dagdag ng doktora, "Ang melasma ay hindi naman harmful sa health. Most of the time it is an aesthetic concern. But sometimes, it may be a sign of an underlying condition like hormonal changes etc."

    Dugtong pa niya, "Also, may mga ibang pigmentary concern na mukha lang melasma o pekas pero 'yun pala ay may ibang diagnosis na pala."

    Ang skin cancer daw, halimbawa, ay maaaring mapagkamalang melasma o iba pang pagbabago sa kulay ng balat (pigmentary issues). Kaya mainam daw na magpatingin sa doktor kapag may napansin na bagong pigmentary changes o skin growths para mabigyan kaagad, halimbawa, ng gamot sa pekas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano magagamot at maiiwasan ang melasma

    Kung hindi maiiwasan na mabilad sa araw, payo ni Dr. Osoteo na ugaliin ang pagpapahid ng sunblock sa balat. Paliwanag niya, "Sa totoo lang mahirap matanggal ang melasma at may chance na bumalik ito kapag nagbabad ka ulit sa araw without proper sun protection."

    Diin niya: "Kaya number one advice at pinaka importaneng advice talaga ang sun avoidance and sun protection."

    Para naman sa mga nagnanais na mawala ang kanilang melasma, may paliwanag si Dr. Osoteo tungkol sa mga treatment at treatment combinations na kadalasang pinapayo ng mga kapwa niya doktor. Ang ilan sa mga ito ang chemical peels, PRP treatments, skin infusions, at laser treatments.

    Saad niya, "Maaaring i-combine ang mga treatments na ito at i-customize depende sa klase ng pekas, kaya importante na magpa-consult sa specialty skin clinics."

    Sa skin MDC daw kasi, kung saan consultant in charge siya sa Congressional branch, nagbibigay sila ng maraming options for melasma treatments at iba pang skin problems, tulad ng sunspots freckles, scar, at stretchmarks.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad pa ni Dr. Osoteo, "One of the most effective treatments when it comes to melasma and the others is laser treatment talaga tulad ng Revlite. Sa aking experience, ito talaga ay gratifying para sa patient at mabisa para sa mga pekas."

    May karagdagang tips mula sa medical resources:

    • Magkaroon ng "good cleansing regimen" upang matanggal ang environmetal pollution na kumakapit sa balat. Huwag kalimutan na gumagamit ng gentle cleanser panghilamos ng mukha sa umaga at sa gabi bago matulog.
    • Ugaliin ang pagpapahid ng moisturizer sa mukha. Makakatulong ito upang lumambot ang balat at mag-lighten ang skin pigmentation.
    • Gumamit ng skin product na may vitamin C at iba pang anti-oxidants para malabanan ang stress sa balat.
    • Maging patient at diligent habang ginagamot ang pekas.
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles